Prologue

1179 Words
"Sino siya?!" malakas na sigaw ni Mercy nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang kasintahan s***h live-in partner na si Shawn. Namumula ang kanyang mukha habang nakatingin rito at maging ang kanyang mga mata ay ganoon din dahil nagbabadya na ang mga luha mula rito. Natalim ang tinging ipinukol niya rito at naghihintay siya sa sagot nito ngunit balewala lamang iyon sa bagong dating bagkus ay tuloy-tuloy ito sa pagpasok sa kanilang kwarto na animo'y walang narinig. Apat na taon ang agwat nilang dalawa ng binata. Crush na crush niya ito hanggang sa magising na lamang siya isang araw na ito na ang tinitibok ng kanyang puso at noong nanligaw ito sa kanya ay agad niya itong sinagot. She was seventeen years old at that time and Shawn was working. Dati silang schoolmate ng binata kaya kilala niya ito. Hindi rin niya alam kung papaano siya napansin ng binata. Basta isang araw ay nanligaw na lamang ito. At dahil patay na patay siya rito ay sinagot niya ito makalipas lamang ang isang linggo. Just a year later, ibinahay na siya nito. With almost three years, their relationship was going a roller coaster ride. Away-bati. Aso't pusa. Madalas. Halos araw-araw na nga eh. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi pa rin niya maiwan-iwan ang binata dahil mahal na mahal niya ito at dito na umikot ang mundo niya. Mas gugustuhin niyang ganoon sila at magkasama pa rin ng binata keysa sa tuluyan siya nitong iwan. Hindi matatanggap ng puso niya iyon. Hanggang sa masaksihan niya ang eksenang iyon. "Shawn, kinakausap kita! Sino ang babaeng iyon?" malakas na sigaw niya habang sinusundan ito patungo sa kwarto. "Babae? Ano na naman ba ang pinagsasabi mo?" pagalit na wika nito sa kanya. Tumingin pa ito sa gawi niya at binawi rin kaagad. Alam niyang nagsisinungaling na naman ito. "So, hindi ka talaga aamin?" tanong niya sa kasintahan na ngayon ay naghahalungkat ng damit. "Pwede ba, Mercy, pagod ako. Kung may problema ka ay ipagpabukas mo na," naiinis na turan nito sa kanya bago tinungo ang banyo. Sinundan niya ito ngunit nang puhitin niya ang seradura ay naka-lock na ito. Kinalampag niya ang pinto ngunit hindi pa rin nito binubuksan iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ay nakabihis ng itim na t-shirt at maong na short. "Pagod? Pagod ka? Gaano ka pinagod ng babae mo huh?" "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pwede ba, Mercy. Wala akong babae," sagot nito sa kanya. "Gumagawa ka na naman ng kwento." "Wala?! Wala kang babae? f**k you, Shawn. Nakita ko kayong dalawa. Nakita ko kayong magkayakap at magkahalikan sa harap ng maraming tao! Tapos i-de-deny mo pa?" malakas na sigaw ni Mercy. Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata dahil sa harap-harapan nitong pagsisinungaling sa kanya at sobrang sakit ang dulot noon sa kanya. "Wala akong ginagawa. Baka guni-guni mo lamang iyon. Ako ba talaga ang nakita mo?" tanggi pa rin sa kanya. "Baka naman nag-ha-hallucinate ka na. Napapraning ka na, Mercy." "So ako pa ngayon ang praning? Eh ikaw? Ano ka? Sinungaling?" "How many times do I have to tell you that I don't have a woman?" pasigaw na turan nito sa kanya. "Ano ba, Shawn?!" sigaw niya. "Hindi ka pa rin ba aamin? Kitang-kita ng dalawang mata ko. Kitang-kita ko kung papaano kayo maglandian," giit niyang wika sa binata. "Bakit ba lagi mo na pang akong ginagawang tanga?" "I'm out of here," sumusukong wika nito sa kanya para hindi na humaba pa ang diskusyon nila. "Shawn, get back in here. Kinakausap pa kita," pasigaw na wika niya at hinabol ang binata. Hinawakan niya ang kamay nito upang pigilin ito sa pag-alis. "Talk to me! Ano ba, Shawn!?" "Just stop, Mercy!" ganting sigaw ni Shawn sa kanya habang ang mga kamay ay nakataas sa ere. Namumula na ang mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Nababakas ang inis at pagkapikon sa mukha at sa mga mata nito. "Stop! Ikaw ang tumigil sa ginagawa mo, Shawn. Nakakapagod na. Nakakasawa na ang mga ginagawa mo. Pagod na pagod na akong intindihin ka, intindihin ang pambababaeng ginagawa mo. Kaya tama na! Umamin ka na!" "Gusto mong malaman ang totoo?" ganting sigaw nito sa kanya. "Yes. Yes, I am seeing someone else who is better than you. Alam mo bang gustong-gustong ko nang umalis rito, ang paalisin ka rito pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil naaawa ako sa iyo. I am here, you are here because I only pity you. You have nowhere to go dahil itinakwil ka na ng pamilya mo. At nagsasawa na ako sa pag-uugali mo. Sa palaging mong magseselos, sa pagdududa mo, sa kakabunganga mo. And look at you. Hindi na ikaw ang Mercy na nakilala ko. You can't even fix yourself. So yeah! Hindi na kita mahal, Mercy. Matagal na. Kaya pasalamat ka at umuuwi pa ako rito. Pero dahil alam mo na rin lang naman, I think we better stop this. This is not going to work," matigas at malamig na wika ni Shawn sa kanya bago ito lumabas ng kwarto nila. Malakas din nitong ibinalibag ang dahon ng pintuan. Nanghihinang napakapit si Mercy sa gilid ng kama at napaupo roon. Nanginginig ang buo niyang katawan sa mga narinig, sa nalaman. Hindi na niya napigil ang mapahagulgol sa ginawang pag-amin ng binata. Hindi lang pag-amin ang ginawa nito kundi panunumbat na rin. Ansakit-sakit. Harap-harapan. Ganoon na ba siya kawalang silbi rito? At napipiltan lang pala ito na pakisamahan siya. Ansakit-sakit. Walang habas ang pagtulo ng mga luha niya at kahit anong pagid ang gawin niya ay hindi ito mawala-wala. Naninikip na rin ang kanyang dibdib sa labis na sakit na nararamdaman. Para siyang sinampal ng ilang beses. Napakasakit marinig ang mga salitang iyon sa mismong bibig ng taong pinakamamahal niya, ng taong itinuturing na niyang buhay. Walang patid ang paghagulhol niya sa loob ng kwarto dahil sa sakit at awa sa sarili. Halos ginawa na niya ang lahat para rito ngunit hindi pa pala sapat ang mga iyon. Kulang pa pala siya at hindi na siya nito mahal at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Ang aminin ng lalaking mahal niya na hindi na siya nito mahal. Masakit. Nakapasakit. Kaya naman ang magagawa lamang niya ngayon ay umiyak nang umiyak hanggang sa wala na siyang maiiyak pa. She was punching her chest dahil sa sobrang sakit. Halos magunaw ang mundo niya sa nalaman. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakaupo sa sahig at panay pa rin ang pagluha niya. Pinilit niyang tumayo at tinungo ang closet, binuksan iyon at kinuha ang isang maleta pagkatapos ay sinimulan itong lagyan ng mga damit niya at mga mamahalagang bagay at dokumento. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya sa kwarto. Wala sa sala ang binata kaya tuloy-tuloy na siyang lumabas ng apartment nila. Maybe this is for the better. Ang umalis siya sa buhay ng binata dahil wala na rin naman siyang silbi rito. Pabigat lamang siya at hindi na rin mahal. Sana lang ay makaya niyang mabuhay na wala ang lalaking pinakamamahal. Sana lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD