Chapter 3

1928 Words
Matuling lumipas ang masasayang araw sa pagitan nilang dalawa ni Shawn. Kagaya nga nang sinabi ni Shawn sa kanya ay pinatunayan nito ang sarili nito sa kanya. Hindi ito naging bad influence sa kanya bagkus ay madalas siya nitong tulungan sa mga ginagawa niya hanggang sa maka-graduate siya ng high school. Nakaalalay lang ito sa kanya kahit na hindi ito gusto ng mga magulang niya. Patas lang sila dahil ganoon din naman siya sa pamilya ng nobyo. Hindi rin siya tanggap ng mga ito dahil nga mahirap lamang sila. Nag-iisang anak ng mga ito si Shawn kaya naiintindihan niya ang punto ng mga ito lalo na ang mahirap lamang sila. Marahil ay nag-aalala ang mga ito na isa siyang gold-digger. Wala namang nagawa ang mga ito dahil sa kagustuhan ni Shawn. Kung hindi raw siya tatanggapin ng mga ito ay mas mabuti na raw na wala na silang anak. See? Ganoon katuso ang nobyo niya kaya naman hinaharap siya nang maayos ng mga ito. Ngayon nga ay kagagaling lamang nila sa dinner sa bahay ng mga ito at ganoon pa rin ang trato nila sa kanya. Malamig at hindi tanggap ngunit civil naman ang mga ito. Halatado nga lang sa matatalim na tinging ipinupukol sa kanya. Pero okay lang iyon s akanya dahil masaya si Shawn. Worth it naman. "Okay ka lang ba talaga?" masuyong tanong ni Shawn sa kanya habang nasa daan sila pabalik sa bahay niya. "I'm good. Sanay na ako sa parents mo kagaya nang pagkasanay mo sa parents ko," sagot niya sa nobyo na ikinatawa naman nito. "Kakayanin ko ang lahat basta happy ka," wika nito sa kanya. "Kumusta nga pala ang studies mo? Kumusta ang college?" "Okay naman! So far kinakaya ang adjustment period," sagot niya at nagsimula na siyang magkwento tungkol sa pagpasok niya sa kolehiyo. Nasa first year college na siya sa eskwelahang katabi lamang nang pinanggalingan niyang paaralan kaya naman hindi siya gaanong na-ho-homesick. Iyon nga lang ibang-iba talaga ang high school sa college. Kung noon ay pwede kang magpapeteks-peteks, ngayon ay hindi pwede. Dapat pursigudo ka kung gusto mong makapagtapos. Ibang-iba rin ang ugali ng mga instructor nila mas mahigpit keysa noong high school siya. Ngunit hindi naman siya masyadong nahihirapan dahil nasanay na siya na aral ang priority kaya nga nagtapos siya ng may award noong high school. Isa pa ay nakaalalay sa kanya si Shawn. Doon din niya nalaman na napakatalino nito despite the looks he has. Ibang klase ang talino nito. Hindi nga niya ito matalo-talo kapag naglalaro sila ng scrabble. "May lakad ka ba sa Sabado?" tanong ni Shawn sa kanya. "May pasok kami sa isang subject eh. Half day lang naman iyon. Bakit?" tanong niya sa nobyo. "Wala. Pasyal lang. Ngayon lang kasi tayo lumabas ulit at hindi pa maganda. Pambawi lang naman," nakangiting wika nito sa kanya. "Sige ba," sagot niya at ngumiti rin. Being with Shawn was a good thing. Kahit na aminado siya noong una na playboy at bad boy ito ay hindi naman siya nito pinababayaan bagkus ay todo-alaga ito sa kanya kaya naman ang pagmamahal niya ay mas lumalim pa. Panay ang tawag at text nito sa kanya at hindi rin ito pumapalya sa paghatid at pagsundo sa kanya. He was a perfect boyfriend for her. Wala na siyang hihilingin pa rito. Pagdating nang Sabado ay sinundo siya ni Shawn sa paaralan matapos ang kanyang klase. Nakangiti itong naghihintay sa kanya sa labas. "Wala kang pasok? Baka mapagalitan ka na naman niyan," saad niya sa kasintahan. Minsan kasi ay isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi niya gusto ng pamilya nito. Siya kasi ang priority nito. Kaya nitong mag-cancel ng importanteng meeting para lamang sa kanya. "Alam mo naman malakas ka sa akin," wika nito at kumindat pa sa kanya bago nito binuksan ang sasakyan upang makapasok siya. "Mamaya giyerahin na ako ng family mo," wika niya rito. "They won't do that. Takot lang nila sa akin," may pagmamayabang na wika nito sa kanya. "Yabang!" natatawang wika niya sa nobyo. Dumukwang ang si Shawn upang gawaran siya ng halik sa labi. "Siyempre love kita kaya ikaw ang priority ko. Hindi ka yata mabubuhay ng wala ako. Love na love mo rin ako eh." Hindi niya mapigilan ang ngumiti dahil sa sinabi nito sa kanya. Love na love nga niya ito. Hindi na ata makokompleto ang kanyang araw ng wala ito. "Saan nga pala tayo?" tanong niya rito. "Surprise iyon," wika nito sa kanya pagkatapos ay sinimulang magmaneho patungo sa sorpresang hatid nito. Malayo-layo rin ang nilakbay nila bago marating ang isang bahay bakasyunan. marahil ay pagmamay-ari ito ng pamilya ng binata. "Señorito? Bakit hindi po kayo nagpasabi na darating kayo?" saad ng isang katiwala nang salubungin sila nito. "Pasensiya na po, Manang. Biglaan lang," hinging-paumanhin nito sa ginang. "Si Mercy po pala, girlfriend ko." "Naku! Magandang bata! Hala! Pasok kayo!" wika nito sa kanila at naunang pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok sila ay tiningnan niya ang kasintahan. Nagtatanong ang mga tinging ipinukol niya rito. Hindi niya kasi alam kung ano ang binabalak nito at kung bakit siya dinala rito. "Let's get inside first. I'll explain it to you," turan nito bagonito hinawakan ang kanyang kamay at iginiya sa isang silid. "Stay here. Kakausapin ko lang si Manang sandali." Lumabas ang binata at naiwan siyang nagtataka sa nangyayari. May ung anong kaba rin siyang nararamdaman na hindi niya mawari. Hindi kasi siya sanay na hindi alam ang pinupuntahan nila ni Shawn. Ito ang unang beses na niyaya siya nito at hindi sinabi kung saan sila patutungo at lalong-lalo sa malayo pa. May tiwala naman siya sa binata. Mahal niya ito. Mag-iisang taon na silang dalawa at ni minsan ay hindi ito gumawa ng bagay na ikakasira nilang dalawa. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumkas ang pinto at iniluwa nito si Shawn. "Lumabas lang sandali si Manang," imporma nito sa kanya at naupo ito sa tabi niya. "Shawn?" tawag niya rito. Napabuntong-hininga ito pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit. "My parents are planning to send me abroad, Mercy. Mag-aaral daw ako roon but I insisted not to. We're not in good terms right now so sorry kung hindi ko agad sinabi sa iyo. Can we stay here even for a night? Kung hindi mo gusto, okay lang naman. Ihahatid na lang kita mamayang gabi," mahabang saad nito sa kanya. Hindi niya alam na may pinagdadaaanan pala ito ngayon. Alam niya ang palaging pagbabangayan ng mga ito dahil madalas ang kwento nito sa kanya. At isa na siya sa dahilan kung bakit laging silang natatalo. Hindi kasi siya gusto ng nanay nito. "Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong niya sa kasintahan. Kumalas ito nang pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya. "This was the worst fight we have with my mother. Hindi ko kasi nagusthan ang sinabi niya sa iyo kaya iyon nasagot ko siya and Dad... Alam mo na," malungkot na wika nito sa kanya. Pansin niya ang pangingilid ng mga luha nito sa mga mata kaya naman ay muli niya itong niyakap. "Hindi ko alam kung gaano katindi ang pinag-awayan ninyo pero kahit ano pa ang sinabi nila sa akin o sa iyo, dapat hindi pa rin mawala ang respeto mo sa kanila, Magulang mo sila. Utang mo ang buhay mo sa kanila. Ang gusto lang naman nila ay ang makakabuti para sa iyo. Any parent would want their child to have the best in the world. Siguro kailangan mo lang maagpalipas ng sama ng loob and then go ask for an apology." Mas humigpit ang pagkakayakap ni Shawn sa kanya dahil sa sinabi niya. They stayed that way for couple of minutes bago kumalas ang binata sa kanya at tinitigan siya nito. Hawak nito ang kanyang mukha pagkatapos ay ginawaran siya ng halik sa labi na tinugunan naman niya. "Come. I'll show you my favorite spot in here," wika nito sa kanya matapos ang pinagsaluhan nilang halik. Dinala siya ni Shawn sa malawak na garden ng bahay-bakasyunan. HIndi niya akalain na maroon palang ganitong hardin. Samo't saring magagandang bulaklak ang naroroon at lahat ng iyon ay buhay na buhay at halatang todo sa alaga. "Bahay ito ng lola namin kay Daddy pero nakapangalan na ito sa akin. So technically this is mine," imporma sa kanya ni Shawn. "Really?" tanong nito na ikinatango niya. "Ang ganda!" puri niya sa mga bulaklak na naroroon sa hardin. "My grandmother used to have a flower farm but they sold it when my grandfather got sick. Kaya naman pinaayos niya ang garden and made it like this. When she passed away and when I've learned that she gave it to me, I made sure that this was taking cared of. May hardenero akong kinuha para mag-alaga sa garden para kahit wala ako ay maayos sila," paliwanag sa kanya ni Shawn. "You did the right decision," turan niya. Nasa garden sila hanggang sa dumating ang katiwala ng binata na may dalang groceries. Ipinagluto na rin sila ng hapunan ng binata bago ito umalis at nagtungo sa likod bahay kung saan ito nakatira kasama ang pamilya nito. Hindi nga lang niya napansin dahil parang walang katao-tao. Ang sabi ni Shawn ay tanging ang mag-asawa lamang ang naroroon dahil nag-aaral ang dalawang anak sa bayan. Ang asawa nito ay ang hardenero na rin ng binata. Matapos ang hapunan nila ng binata ay naghanda na silang umuwi ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang biglang umulan nang napakalakas. Naantala ang kanilang pag-uwi at nag-aalala siya na hanapin siya ng mga magulang at magalit ang mga ito sa kanya ngunit ipinangako naman ni Shawn na uuwi sila kapag tumila na ang ulan. Sad to say, mag-aalas-diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan bagkus ay mas lalo pa itong lumakas. Shawn was assuring her that they will go home but she hesitated. Sa lakas ng ulan ay baka mahirapan lang silang umuwi lalo na at hindi naman sementado ang lahat ng daraanan nila. Nag-aalangan na rin siya dahil baka madisgrasya pa sila kapag nagpilit siya kung kaya't nagpasya siyang dumito muna at umuwi na lamang sila ng maaga kinabukasan. "Are you sure?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Shawn. "Mas gugustuhin ko na lang na masermunan tayo nila Mama at Papa keysa naman sa sumuong tayo sa ulan. Mas delikado iyon baka maaksidente pa tayo," malungkot na sagot niya rito. "Mas mabuti pa nga iyon," sagot naman nito sa kanya. "Come, let's fix our bed then." Sumunod siya kay Shawn sa kwartong iyon at pinanood ang binata na ayusin ang higaan nila. Shawn made his bed on the floor samantalang siya sa kama. Mas convenient iyon sa kanya. Mabuti na lang din at alam nito ang limitasyon nila. Matapos makapaglinis ng katawan ay nauna na siyang nahiga at nagbalak na matulog. Nakahiga na rin si Shawn sa ginawa nitong higaan sa sahig. "Good night, sweetheart," wika sa kanya ni Shawn. Napangiti siya at sinilip ito sa higaan. Nakatingin lamang ito sa gawi niya. She looked at him. Nakatingin lang din ito sa kanya habang nakangiti. "Good night, sweetheart," sagot niya rito. "Pwedeng humingi ng kiss?" nakangiting tanong nito sa kanya. Nag-isip siya sandali bago tumango dahilan para bumangon ito at lumapit sa kama at dumukwang upang gawaran siya ng halik sa labi. "Good night," wika nito sa kanya pagkatapos ay muli siyang hinalikan na tinugunan naman niya. "Good night," sagot niya rito matapos ang halik na pinagsaluhan nila. Muling naghinang ang kanilang mga mata at muling nagsalo ng mga halik. Hanggang sa ang masuyong halik na pinagsasaluhan nila ay nauwi sa mapusok, mapanghanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD