"HINTAYIN mo na lang ako dito sa terrace. Dadalhan na lang kita ng kape," sabi ni Erin kay Caleb habang papunta sa bakuran nila. "Sure," sagot nito habang nakasunod sa likod niya. Parang isang hakbang lang yata ang pagitan nila dahil napakalapit lang ng boses nito. Binilisan ni Erin ang paglalakad para makalayo kay Ethan. Natatakot kasi siya na baka marinig nito ang malakas na t***k ng puso niya. "Ano nga pala ang kapeng iniinom mo?" "Iyong matapang. Iyong kaya akong ipaglaban." Bahagya itong nilingon ni Erin at tinawanan ng nang-uuyam. "Yay. Ang corny mo..." Ngumiti lang si Caleb. At natunaw na naman ang bato niyang puso. Gustong-gusto niya talagang nakikita ang napakaguwapo nitong mukha, nakasimangot o nakangiti man. Feeling ni Erin, gumaganda ang paligid kapag nakakasilay siya kay