"CALEB!" hiyaw ni Erin sa sobrang pagkagulat nang wala siyang ibang makita kundi puro kadiliman. Funny, but she's scared of darkness. "I'm just here, my princess," ani Caleb. Hindi niya maaninag ang mukha nito pero parang napakalapit lang ng boses sa kaniya. Nakadikit ba ang bibig nito sa tainga niya? "'Wag mo akong iwan, please. Takot ako sa dilim." Napahawak siya sa braso nito at saka pinakawalan ang hiningang kanina pa pala niya pinipigilan. Naramdaman ni Erin ang paghigpit ng yakap ni Caleb. "Don't worry. I'll take care of you." Napakalambing ng boses nito. Hindi pa rin siya makagalaw. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya katulad na lang ng takot sa dilim at pagkailang dahil sa magkadikit nilang katawan ni Caleb. Darn, she felt his hard manh*od again. Lalo na ngayon na nakala