NAGMAMADALING nagligpit ng kaniyang mga gamit si Erin. Malapit na kasing magsimula ang practice game ng basketball nina Caleb. At simula nang mapalapit sila sa isa't isa, walang laro na hindi siya nanood. Pactice man o totoo. Nalulungkot kasi ang binata kapag hindi siya nakakapunta. Siya na raw ang inspirasyon nito sa lahat ng bagay. "Sama kami sa'yo, Erin, ha?" sabi ni Marissa. "Para naman maambagan kami ng kasikatan mo." "Sira! Anong kasikatan ang sinasabi mo diyan?" natatawa niyang sabi. Dinunggol siya ni Adelle ng braso nito. "Sikat ka naman na talaga, eh. Simula nang maging kayo na ni Caleb, ang dami nang nakakilala sa'yo rito sa campus. Ang sabi pa nga ng iba, nahihilera ka na raw sa mga campus sweetheart." "Hala siya! Lukaret ka talaga." Lalong natawa si Erin. "Una, hindi po