CHAPTER 9

2447 Words
TATLONG-BESES na akong nagising na katabi si Rafael pero kakaiba ito ngayon dahil nagising akong nakasuot ng damit. Walang nangyari sa amin kagabi o baka may nangyari sa amin at hindi ko lang matanda dahil nalasing ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing kasama ko si Rafael ay nagpapakalasing ako. Hindi naman niya ako pinipilit na uminom at pinagbabawalan pa nga niya ako. Ako lang talagang si tanga ang ayaw paawat. Dahan-dahan ko siyang nilingon upang tingnan kong tulog siya. Nang makasigurado akong mahimbing ang tulog niya ay bumaba ako ng kama. Tatakbo sana ako nang biglang sumakit ang kaliwang kamay ko. "Ouch!" Narinig ko rin dumaing si Rafael Oh my gosh! Gising na siya. Hinawakan ko ang kaliwang kamay ko at nakita kong may nakataling lubid sa kamay ko. Mahaba ang lubid at ang dulo nito ay nakatali sa kamay ni Rafael. Marahil alam niyang ito ang tiningnan ko kaya tinaas pa nito ang kamay niyang nakatali habang nakangiti. Bumangon siya at lumapit sa akin. "Hindi mo na ako matatakasan ulit." "Tanggalin mo ang tali sa kamay ko may pasok ako sa school." Halos mawala na ang mga mata niya habang nakangiti sa akin. "Kailan pa nagkaroon ng pasok ngayong araw dito sa Amerika?" Legal holiday pala ngayon dito. "Hmm… wala ka ng takas sa akin." Sabay kindat niya sa akin. "Hinahanap na ako ng Lola ko ngayon kaya kailangan ko ng umuwi." "Nagpaalam na ako sa kanya kaya safe ka na." "Ano!" inis kong sabi. "Narinig mo naman ang sinabi ko 'di ba? Nagpaalam na ako sa Lola mo. Sinabi kong kasama mo ang boyfriend mo." "Hays! Bakit mo sinabi sa kanya na ang kasinungalingan na 'yan? Siguradong badtrip na sa akin 'yon. Alisin mo ang tali sa kamay ko dahil kailangan ko ng umuwi. "Not yet, ngayon pa lang kita makakasama." Marahan pa niyang pinisil ang ilong ko. "Mauna ka ng mag-shower." Sabay talikod niya sa akin. Halos anim na metro ang haba ng tali sa kamay namin kaya puwedeng -puwede akong maghanap ng matulis na bagay para tanggalin ang tali. "Rafael!" tawag ko sa kanya, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Wala akong nagawa kung maligo habang may nakalagay sa kamay ko. "Are you finished?" tanong niya sa akin nang lumabas ako ng banyo. "Wala akong damit na pamalit." Pilyo siyang ngumiti. "Okay lang naman sa akin kahit nakahubad ka." Matalim ko siyang tinitigan. "Ginagalit mo ba ako?" "Nagbibiro lang naman ako. Hintayin mo akong matapos para sabay tayong kumain." "Anong susuotin kong damit?" Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko sa ibabaw ng kama ang nakatuping damit. "Tingnan mo kung kasya." Sabay pasok niya sa loob ng banyo. Inabot ko ang damit gamit ang mga paa ko para makuha ko siya. Nasa dulo kasi ito ng kama at hindi na aabot ang tali na nakakabit sa amin. Pinahirapan niya talaga ako. Medyo maluwang ng kaunti ang damit sa akin pero okay na rin. Ang hindi kasya ay ang bagong bra na binigay niya dahil malaki ang hinaharap ko kaya hindi na lang ako nagsuot ng bra. "Ouch!" Napahawak ako sa ulo nang bigla itong sumakit. Marahil ay dahil sa hangover. Kahit gusto kong lumabas para uminon ng malamig na tubig ay hindi ko magawa sa halip ay hinintay ko siyang matapos maligo. Pagbukas ng pinto ng banyo ay lumabas si Rafael na nakatapis ng tuwalya. Hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan ang maganda niyang katawan lalo nang tumulo ang tubig sa dibdib niya. "Why?" natatawang sabi niya. "Ha?" tanong ko. Ngumisi siya. "Gutom ka na ba kaya akala mo pagkain ako?" Umiwas ako ng tingin at sabay iling. "Hindi! Bakit mo naman 'yan nasabi?" "Kagat labi ka kasi habang nakatingin sa akin." Namula ang mukha ko sa sinabi niya. "Akala ko kasi hotdog at ilog na may mainit na pandesal ang nakita ko kanina." Tumango siya. "I see… pakakainin na nga kita." "Ikaw, bakit nakangiti ka?" tanong ko. "I'm happy because of you." Nag-blush ang mukha ko sa sinabi niya kaya yumuko ako para hindi niya mahalata. "Let's go!" Sabay hawak niya ang kamay ko. Nakasuot lang siya ng boxer shorts. "Bakit ganyan ang suot mo?" "Gutom ka na kasi kaya mamaya na ako magbibihis kapag tapos ka ng kumain." "Okay, thank you." Ang akala ko nang bumaba kami ng ground floor ay doon kami kakain ng breakfast, pero lumabas pa kami ng bahay at sa bakuran kami kakain ng almusal. Sa harap kasi ng maliit na fountain nakalagay ang maliit na lamesa. "Diyan ba tayo kakain ng breakfast?" tanong ko kay Rafael. Tumango siya at pinisil ang palad ko. "Yes, special breakfast for the special girl like you." "Hmmm.. tingnan ko nga kung gaano ka-special ang breakfast na ginawa mo para atin." "Sure!" Pinaghila niya ako ng upuan at pagkatapos ay tumayo. "Where are you going?" "Magluluto ng breakfast." Umangat ang kanang kilay ko. "Seryoso ka?" Tumawa siya. "Dalawa lang ang katulong ni Ate rito kaya ako na ang kukuha ng mga niluto kong pagkain kanina." Tumalikod siya at pumasok sa loob. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Rafael na may hinihila siyang lagayan ng pagkain. "Mga filipino foods lahat ang niluto mo," sabi ko. "That's our favorite," anito. "Yes! Kahit saan bansa ako makarating hindi ko pa rin ipagpapalit ang pagkain ng sariling atin." "May paborito akong pagkain," sabi niya habang nakatingin siya sa akin. "Nandito ba sa hinanda mo?" Tumango siya. "Yes." Tiningnan ko ang lahat ng niluto niya na apat na klase ng ulam. "Alin dito?" "You." Kumunot ang noo ko. "What?" "You are my favorite food." Umakyat ang kuryente ko sa katawan sa sinabi niya. "Puro ka kalokohan kumain na tayo para matapos na." "Tell me about you?" Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "I don’t share my life with other people." Bahagyang umangat ang kanang kilay niya. "Even me? Tumango ako. "Even you. I want to remind you that we don’t have a relationship, okay. I’m not your girlfriend, and especially we’re not friends. We are just s*x partners." "s*x partner?" "Yes, and that’s the last." Tumawa siya kaya nainis ako. "What's funny?" "Hindi mo kailangan itago ang nararamdaman mo para sa akin." "Tsk! Kung ganito ang magiging takbo ng usapan natin tapusin na natin ang kinakain natin." Muli kong ipinagpatuloy ang kinakain ko. "Marami akong nasayang na pera at oras nang sundan kita rito sa Amerika." Huminto ako sa pagkain pero nakayuko lang ako. "But it was all worth it because I saw you." "I am here in America to finish my studies. I want my Mommy to be proud of me too." I will help you fulfill your dreams huwag ka lang bibitawan ang kamay mo." Isang tipid na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Alam kong imposible ang sinasabi niya. Kung hindi ako lalayo sa kanya baka mabuntis ako ng maaga o kaya mahulog na ako sa nararamdaman ko para sa kanya at hindi na ako makapag-focus sa goal ko. "Kaya mo bang ipangako sa akin na hindi mo ako iiwan?" Umiling ako. "Hindi?" "Why?" "Hindi kasi ako ang babae na hinahanap mo. Mag allergy ako sa relasyon kaya hindi ako iyon." Bumuntong-hininga siya. "Mukhang mahihirapan talaga kitang paamuhin." "Ilang tao ka na ba?" tanong ko. "Twenty three." "Twenty years old pa lang ako. Wala akong napapatunayan sa buhay ko. Hindi ibig sabihin na pasaway ako sa pamilya wala na akong pangarap. Mag-aral ka muna at tatapusin ko rin ang pag-aaral ko." "But we— "Enough! Tapusin na natin itong almusal natin nang makauwi na ako." Bumuntong-hininga siya. "Okay." Wala na kaming imikan nang tapusin namin ang pagkain. Balak sana ni Rafael na gabi na ako ihatid sa bahay ngunit hindi ako pumayag. Siguradong bubugahan na ako ng tatlong dragon na kasama ko sa bahay kapag ganon ang nangyari. "Nandito na tayo," malungkot ang boses ni Rafae nang sabihin niya iyon. "Thank you." Bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya nang hilahin niya ang braso ko. "Bakit— Hinawakan niya ang baba ko at siniil niya ako ng halik. Hindi sana ako tutugon sa halik niya pero ramdam ko ang pagkasabik niya sa akin. Hinayaan kong halikan niya ako at pagapanging ang kamay niya sa loob ng suot kong damit. Naramdaman kong tinanggal niya ang seatbelt ko kung kayat yakap na niya ako. "Bella…" bulong niya sa akin nang huminto kami dahil naubusan kami ng hangin. Nakatitig ako sa kanya. "Let' meet some other time para ituloy ito." Nakapikit siya nang tumango. Halatang nagtitimpi lang siya para kontrolin ang nararamdamdaman niya. Marahan ko siyang itinulak upang makalabas ako ng kotse. Pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng kotse. Huminga ako ng malalim bago tumawid sa kabilang kalsada. Nasa kabila kasi ang bahay ng Lola ko. "Where have you been?" Hindi na maipinta ang mukha ni Lola nang salubungin niya ako. Alam kong magagalit siya kahit nagpaalam si Rafael sa kanya. Nakapameywang pa ito. Kasama niya si Monica at Tita Shonie at bakas sa mukha nila ang galit sa akin. "I'am with my fri— ouch!" Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin ako ni Lola. "You hurt me?" tanong ko. Nang tumingin ako sa mag-ina ay nakangiti sila. Masaya silang nakikita akong sinasaktan. "Hindi lang 'yan ang aabutin mo kung hindi ka sumunod sa akin. Kabago-bago ko pa lang dito sa Amerika sakit na ng ulo ang binigay mo sa akin. Sana lang talaga si Belinda na lang ang dinala rito hindi sana sasakit ang ulo namin sa iyo!" Yumuko ako habang hawak ko ang sinampal ni Lola. Gusto kong sumagot pero alam ko namang mali ako. Lalo na at nakipag-inuman lang naman ako kay Rafael. "Umalis ka sa harapan ko!" Nilampasan ko siya at umakyat sa second floor. Nang tumapat ako kay Tita Shonie at Monica ay hinarangan nila ang dadaanan ko. "Kulang pa sa iyo 'yan matigas ang ulo mo," nakasimangot pa si Tita Shonie. "Ewan ko ba kasi kung bakit n'yo tinanggap 'yan dito." Sabay irap ni Monica. "Tapos na ba akong magsalita? Puwede na ba akong umalis?" Tumalikod ako sa kanila. "Mana ka talaga sa Daddy mo na matigas ang ulo palibhasa ugaling eskuwater ang Daddy mo kaya namana mo ang ugaling eskuwater niya," wika ni Tita Shonie. Huminto ako nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko hahayaan na bastusin nila ang Daddy ko sa harapan ko. Kuyom ang kamao kong lumapit kay Tita Shonie habang nakatingin ng matalim. "Anong gagawin mo lalaban ka na sa akin?" Halos patayin ko na siya ng tingin. "Sabihin n'yo na ang masasakit na salita laban sa akin 'wag lang sa Daddy ko! Sa susunod na bastusin n'yo ang Daddy ko. Hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo!" Nanginginig pa ang panga ko sa galit. Sinalubong ko rin ang matalim nilang tingin sa akin. "Lola! Si Bella!" sumbong ni Monica. Lumapit ako kay Monica. "Ingatan mo 'yang buhok mo baka kapag ako na praning ubos 'yang buhok mo." Tumalikod ako at saka taas noo akong naglakad papunta sa kuwarto ko. Padabog kong ni-lock ang pinto at saka sumandal ako sa likod ng pinto at doon ko binuhos ang sama ng loob ko. Hindi ako umiiyak sa pananampal ni Lola o sa masasakit na sinabi nila sa akin. Umiiyak ako dahil kahit wala na si Daddy ay iniinsulto pa rin nila. Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ko ang nakatagong alak at yosi sa cabinet ko. Hindi pa nawawala ang hangover ko pero uminom na naman ako. Pakiramdam ko kasi ay nawawala ang sakit kapag umiinom ako. GOOD MORNING!" Hinarangan pa ni Steven ang dadaanan ko. "What's good in the morning?" "Ako, guwapo ang nakikita mo." "Tsk! Conceited." Naglakad ako papunta sa first class namin. Nakasunod naman siya dahil magkaklase kami. "Hinintay kita kahapon sa park sasabay sana akong mag-jogging." Hindi ako kumibo sa halip ay mas lalong binilisan ang paglalakad hanggang makarating na kami sa first class namin. Halos nasa loob na ang mga kaklase namin at karamihan sa kanila ay tahimik na nagbabasa ng libro. Hindi ko katabi sa upuan si Steven pero tumabi pa rin sa sa katabing upuan ko dahil nagpalit sila ng babae na katabi ko. "Sino ang naghatid sa iyo na nakasakay sa koste?" Napalingon ako sa kanya. "Nakita mo kami?" Bigla ko kasing naalala na naghalikan kami ni Rafael bago niya ako pinalabas ng kotse. Umiling siya. "Hindi naman lumabas ang nasa loob ng kotse. Ikaw lang ang lumabas boyfriend mo ba iyon" "s*x partner." Sabay irap ko sa kanya. Tumawa siya. "Wow! May s*x partner siya bakit ako ayaw mong maging s*x partner?" Namula ang mukha ko sa sinabi niya. "Tsk! Funny." "Seryosong sagot kasi ang isagot mo sa tanong ko." "Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko na s*x partner ko siya." Napawi ang ngiti niya ng malaman niyang seryoso ako. "Why not me?" mahinang bulong niya. Halos magdikit na ang kilay ko nang tumingin ako sa kanya. "Wala akong time makipalokohan dahil marami akong hindi natapos na assignment." Hindi nagsalita Steven. Naging tahimik na siya ng buong maghapon bagay na napansin ng mga kaklase namin. Nauna kong sumakay ng kotse ko ngunit nang makalabas ako ng school ay nakita ko ang kotse ni Rafael na naghihintay sa labas ng gate ng school. Pikit mata kong nilampasan ang kotse niya. Hindi rin ako bumusina para ipaalam na nakalabas na ako ng school ko. Kailangan ko ng iwasan si Rafael. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko hanggang sa makarating ako ng bahay. Pagdating ko sa loob ng kuwarto ko ay sunod-sunod naman ang tunong ng phone ko. Nakita kong tumawag si Mommy kaya sinagot ko ito. "Why?" "Nagsumbong sa akin ang Tita Shonie mo kaya nagdesisyon akong pumunta kami ng kapatid mo diyan para magbakasyon." Inaasahan ko ng magsusumbong sila kay Mommy. "Kailan ang flight n'yo?" "Bukas ng hapon ang flight namin." "Okay, ingat." "Are you okay? Mukha kang may sakit." Umiling ako. "Wala akong sakit 'wag n'yo akong intindihin." "Okay, goodbye!" In-off ko ang tawag ni Mommy. Kailangan kong makaalis bago dumating sila Mommy. Ayokong makasama sila dahil magmumukha akong kawawa kapag magkakasama sila. Naisip kong tawagan si Steven. "Bakit ka tumawag?" "Puwede mo ba akong sunduin sa bahay?" "What? Bakit?" "Lalayas na ako rito puwede ba akong tumira diyan sa inyo pansamantala?" "Teka? Bakit ang bilis mo naman magdesisyon." "Okay, kung ayaw mo okay lang," "Wait! Bella!" "Tutulungan mo ba ako?" "Basta 'wag mo akong idadamay diyan. Anong oras ba kita susunduin?" "Bukas ng umaga. Hindi ko dadalhin ang koste nila." "Okay, see you tomorrow." "Thanks! Sabay putol ko ng tawag. Hindi ko puwedeng tawagan si Rafael dahil kapag ginawa ko iyon ay baka mahulog na ako sa apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD