"BEAUTIFUL!" paulit-ulit na sinasabi ni Steven habang nanonood siya ng telebisyon. Hindi ako nakatiis lumapit ako sa kanya. "Anong pinapanood mo?" Napansin kong action movie naman ang pinapanood niya. Kumuha siya ng chicharon na binili pa namin sa filipino store. "Ang ganda 'di ba?" tanong ulit niya. Kumunot ang noo ko. "Hindi ko na umpisahan ang pinapanood mo kaya hindi ko masasabi na maganda siya. Tumingin siya sa akin. "Ikaw ang sinasabihan kong maganda." Napayakap ako sa sarili ko. "Subukan mong may gawing masama sa akin puputulin ko ang kaligayahan mo." Sumimangot siya sa akin. "Sinabihan lang kitang maganda 'wag kang feeling." "Abah! Halata na naman na gusto mo ako." "Oo nga gusto kita pero hanggang doon lang 'yon." "See, umamin ka rin." Sabay irap ko sa kanya. "Wala ka