CHAPTER 8

2730 Words
RAFAEL'S POV: "BAKIT nakahiga ka pa ba diyan?" tanong sa akin ni Ate Shiela nang pumasok siya sa kuwarto ko. Gumamit siya ng duplicate para mabuksan ito. Nakadapa ako habang nakahiga sa kama. Gusto kong matulong dahil napuyat ako sa paghahanap kay Bella. Nag-hired na ako ng maghahanap sa kanya dito sa Amerika para mas mapadali ang paghahanap ko sa kanya. Ngunit lumalabas pa rin ako para maghanap. May ilang school na rin akong pinuntahan para magtanong ngunit wala akong nakuhang sagot. "I'm still sleepy," sagot ko sa kanya. Hinila niya ang comforter ko at hinampas ako ng unan. "Get up! Kailangan nating pumunta sa birthday ng step brother natin ngayon." Bumangon ako at matalim na tumingin kay Ate Shiela. "Sino ang nagsabi sa iyo na pupunta ako sa birthday ng step brother natin? Hindi ako pumunta rito sa Amerika para um-attend ng party. Nandito ako sa Amerika para hanapin ang babae na gusto ko." "Exactly! Kailangan mo talagang pumunta sa party dahil baka nandoon sa party na hinahanap mo?" Tinitigan ko siya ng matalim pagkatapos ay muli kong hinila ang comforter ko. "Ang babae na hinahanap ko ay hindi mahilig um-attend ng ganyan party. May posibilidad ko pa siyang makita sa mga bar kaysa sa childrens party." Muli akong humiga sa kama. Huminga ng malalim si Ate Shiela. Tanda ng pagsuko. "Hanggang ngayon ba galit ka pa rin kay Mommy?" Narinig ko ng buo ang sinabi ni Ate, pero hindi ako umimik dahil tama ang sinabi niya. Hanggang ngayon galit pa rin ako kay Mommy dahil iniwan niya ako ng mga panahon kailangan ko siya. Si Ate Shiela ang sinama niya at hindi ako. "Kung galit ka kay Mommy 'wag mong idamay ang mga kapatid natin sa ina. Wala silang alam sa kasalanan ng magulang nila sa iyo. Sa bahay lang nila ang party, puntahan mo kung magbago ang isip mo." Narinig ko ang mga hakbang niyang palabas ng kuwarto, at nang marinig kong sinirado niya ang pinto at bumangon ako at saka humugot ng malalim na hininga. "Okay, pupunta na ako." Tuluyan na akong bumangon at naligo. Pagkatapos at nagbihis ng damit ngunit hindi ako agad lumabas ng kuwarto dahil hinintay kong makaalis si Ate Shiela. Nang sumapit ang alas-kuwatro ng hapon ay umalis na ako sa bahay ni Ate Shiela. Malapit lang ang bahay ni Ate Shiela sa bahay ng Mommy ko. Puwede siyang lakarin kung gugustuhin. Ngunit sinadya kong magdala ng sasakyan para mabilis akong maalis. "R-Rafael…" May namuong luha sa mga mata ni Mommy nang makita niya akong papalapit sa kanila. Gayunpaman ay hindi ko ito pinansin. "Happy birthday, Little Boy," niyakap ko ang bunso kong kapatid na lalaki. "Thank you, so much my Big brother." Hinalikan niya ako sa pisngi. Ngumiti ako sa kanya. "I have a gift for you." "Really?" Tumango ako at inilabas ko ang regalo na si Ate Shiela ang bumili. Alam kasi niyang hindi ako magsasayang ng oras para ibili ang step brother ko ng regalo. Ang lapad ng ngiti niya. "Wow! Thank you so much!" sabi ng kapatid ko. "Maraming salamat at nakarating ka," wika ni Mommy. "Dahil kay Ate Shiela kaya ako pumunta rito at hindi para sa iyo." Pilit na ngumiti si Mommy. "Masaya pa rin akong makita ka rito." Tumalikod ako kay Mommy at lumayo sa kanya. Pumasok ako sa loob ng bahay niya pero nakita ko ang asawa ni Mommy na nakikipag-inuman sa mga kaibigan nito kung kaya't dumaan ako sa likod bahay. Nakatingin ako sa running water sa may falls nang mapansin ko ang babae na nakatalikod sa akin at humihithit ng yosi. Lumapit ako upang kilalanin. Habang papalapit unti-unti naman bumibilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang babae na nakatayo. Bella.. "Bella!" tawag ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya nang makita niya ako. Dito lang pala kita mahahanap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Bigla ko siyang niyakap at siniil ng halik. Ang bilis ng t***k ng puso ko lalo nang maramdam ko ang malambot niyang balat. Para akong nasa langit ng maramdam ko ang malambot niyang labi. Mas lalo akong nawala sa sarili nang tumugon siya sa akin. Oh! s**t! Naging mapusok ang halik naming dalawa habang ang higpit ng yakap ko sa kanya. Parang ayoko ng matapos ang ginagawa namin. "Rafael!" Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Bella. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa nangyari. "Wait!" sigaw ko. "Rafael!" sigaw nang tumatawag sa akin. Mabilis na tumakbo si Bella palayo sa akin "Sandali lang!" Tumakbo ako para sundan siya ngunit humarang naman si Mommy sa dadaanan ko. Nakakunot ang noo niya. "Rafael, what happened?" Hindi ako tumugon sa kanya sa halip ay sinundan ko ng tingin ang dinaanan ni Bella. "Rafael, sino ba ang hinahabol mo?" tanong ni Mommy. Tinitigan ko siya ng masama."Hayaan muna ako!" Pasigaw ko. Umatras si Mommy. "O-Okay! I'm sorry." Tumakbo ako para sundan ko si Bella hanggang sa labas ng bahay ni Mommy, pero hindi ko na siya nakita. "Damn it!" pasigaw ko. Pumunta ako sa parking lot. Nagbabakasakali akong makikita ko siya. "Bullshit! Bakit ba palagi mo akong pinagtataguan?" Sumandal ako sa kotse ko sa labas ng pagkadismaya. Bumalik ako sa bahay ni Ate Stella at humiga sa kama. Tinawagan ko ang secret agent na inupahan ko upang magbigay ng information. "Sir, baka may cctv camera ang bahay ng Mommy n'yo puwede n'yong itanong sa kanya kung kilala niya ang babae," sabi ng secret agent. "Okay, itatanong ko bukas sa Mommy ko. Thank you." Padapa akong humiga sa kama at tumingin sa kisama. Pagkatapos ay muli kong inalala ang naging pagkikita namin ni Bella. Wala kaming relasyon dalawa pero hindi ko matiis na hindi siya halikan at yakapin siya. "I'm in love with her." Kinapa ko pa ang dibdib ko na tapat ng puso ko. "Kahit saan ka magpunta ay hahanapin kita." Tinawagan ko si Daddy at sinabi kong mag-extend ako ng tatlong buwan ang pagtira ko sa ibang Amerika. Hindi ako babalik sa Pilipinas hangga't hindi ko nakukuha si Bella. "Sinadya mo ba talaga na magbakasyon diyan para mawalan ako ng oras sa babae?" Halata sa boses ni Daddy ang inis nang tawagan ko siya. "May importante lang akong gagawin dito." "Importante o baka naman gusto mo lang talagang makasama ang Mommy mo." "Dad, it's not about Mom." Bumuntong-hininga siya. "Bumalik ka sa Pilipinas kapag natapos sa ginagawa mo diyan." "Thanks, Dad." "Kumusta na pala ang Mommy mo?" Bakas sa boses ni Daddy ang lungkot. "She's happy with her family. Mabait ang naging asawa niya." "That's good, natupad ang pangarap niyang maging masaya." "Huwag na kayong maging malungkot. Mahahanap n'yo rin ang babae na mamahalin at tatanggapin kayo ng buo magseryoso na kasi kayo." "Hays! binata ka na nga. Ako na ang pinapagalitan mo." "Ang tigas kasi ng ulo mo. Sige na, tatawag na lang ako sa iyo ulit." "Okay, bye!" KINABUKASAN ay maagang akong umalis para pumunta sa bahay ni Mommy. Gusto kong makuha ang cctv footage nila kahapon para malaman ko kung saan nakatira si Bella. "Mom, kilala mo ba siya?" tanong ko kay Mommy habang pinapanood namin si Bella na mag-isang kumakain sa table. Tumango si Mommy. "Yes, kasama siya ni Silva." "Alam mo kung saan siya nakatira?" Tumango si Mommy. "Yes, two times na akong nakarating sa kanila." "Can you give their address?" Tunango siya. "Okay, pero bago ko sabihin sa iyo kung saan nakatira si Silvia. Gusto kong malaman kung sino ang babae na 'yan?" Muli kong pinanood si Bella. "That woman is the reason why I am here in America. Siya ang gusto kong makasama habang buhay." Seryoso pa akong nakatingin kay Mommy. "Alam na ba 'yan ng Daddy mo?" "Mukhang alam na rin niya." Ngumiti si Mommy at tinapik niya ako sa balikat. "Good luck, ang bilis ng panahon dati ikaw ang inaalagaan ko. Ngayon, kaya mo ng mag-alaga. Kapag nakita mo siya dalhin mo siya rito. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ka pupunta ng Amerika." Tumango ako bilang tugon sa kanya. Kinuha ko ang kopya ng cctv camera kahapon. Nakita rin kasi sa cctv noong bigla ko siyang hinalikan. Gusto kong ulit-ulit panoorin ang parte na iyon lalo na kapag mag-isa lang ako. Kalahating oras lang ang ginugol ko sa biyahe bago makarating sa malaking bahay na tinutuluyan ni Bella. Nasa may kotse lang ako at naghihintay na may lumabas. Ngunit isang oras na ako ay hindi pa bumubukas ang gate. Lumabas ako ng kotse at naglakas loob na tawagin siya. Napansin ko ang doorbell kaya pinindot ko iyon. Nang tumunog iyon ay nagsitahulan ang mga aso nila kaya siguradong nakatawag ako ng pansin sa mga tao sa loob. Ilang minuto pa ang lumipas ay may dumungaw na maid. “Good evening, Sir. How can I help you?" tanong ng maid nila. "Hi! My name is Justine, Bella's professor. She didn't answer my calls, so I came to talk to her. Is she there?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "You don't look like a professor. You look more like a student. I guess you just want to have a drink with her," sagot ng maid nila. Umiling ako. "No. I'm her professor." "Okay, wait a minute I will tell to Miss. Bella." Huminga ako ng malalim nang umalis ang maid niya. Sana lang talaga may teacher siya na Justine ang pangalan dahil baka hindi siya lumabas. Pagkalipas ng sampung minuto ay muling bumukas ang pinto at lumabas si Bella. Natulala ako nang makita ko siyang nakasuot lang maikling short at lantad sa mga mata ko ang makinis at maputi niyang mga hita. Biglang nag-init ang katawan ko kaya lumunok ako. "B-Bella!" "I-Ikaw naman!" Isasarado niya sana ang gate pero bigla ko siyang pinigilan "Wait! Bella!" "Bakit mo ba ako sinusundan? Hindi ka pa ba masaya? Binigay ko sa iyo ng libre ang sarili ko?" "Nandito ako hindi dahil sa gusto kong kunin ang katawan mo. Nandito ako dahil gusto kong kunin ang puso mo, kaya kahit saan ka pumunta hahanapin kita." Umangat ang kilay niya. "Gusto mo ba ako?" "Hindi kita gusto Mahal kita." "Psh! Ang corny mo! Galawan 'yan ng mga barkada kong gustong maka-score." Tumingin siya sa kotse ko. "Ang ganda ng kote mo." "Pinahiram sa akin ng Ate ko." "Anong oras na?" Tumingin ako sa relo na pambisig ko. "Oras na para mahalin mo ako." "Psh! Nakakakilig na iyon?" Pagtataray niya. Napakamot ako sa ulo. "Ang hirap mo naman pakiligin." "Corny kasi ng banat mo. Ilang beses ko na 'yan narinig." Nakipagtitigan ako sa kanya. "Sa gagawin ko siguradong kikiligin ka." "Ano naman iyon?" Lumapit ako sa kanya na sobrang lapit na halos magdikit ang mga labi namin. Nakayuko ako sa kanya upang magpantay kami. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga samantalang parang sasabog na ang puso ko. Lumunok ako nang dumako ang mga mata ko sa mapulang labi niya, parang inaanyayahan akong halikan siya. Hinila ko ang bewang niya palapit sa akin. "Ganito ba dapat tayo kalapit habang sinasabi mo ang pick up li—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya. Pumikit ako habang dahan-dahan ko siyang hinahalikan. Para akong nakalutang sa ulap nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ang t***k ng puso ko ay sobrang bilis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Tatlong segundo lang iyon pero parang tumigil ang mundo ko. Magkadikit pa rin ang ilong namin dalawa at yakap ko pa rin siya. "I can't leave you," bulong ko sa kanya. "Puwede mo akong ilayo ngayon gabi?" bulong niya sa akin. "Sure, my Queen." Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Walang paglagyan ang saya ko habang naglalakad kami papunta sa kotse ko. Sulit lahat ng effort na ginawa ko makasama ko lang siya. Nang nasa loob kami ng kotse ay muli ko siyang hinalikan at hindi siya tumutol sa ginawa ko. "Gusto kong uminom ng alak." Tumango ako at pagkatapos ay pinaandar ko ang kotse ko. "Bakit tayo nandito ang akala ko sa disco bar mo ako dadalhin?" Inis niyang tanong sa akin. "Mas safe dito sa bahay. Huwag kang mag-alala nandito sa loob ng bahay ang kailangan mo magtiwala ka sa akin." "Wala akong tiwala sa iyo." "Kung wala kang tiwala sa akin bakit sumama ka sa akin?" "Alam kong hindi mo ako kayang saktan." Marahan kong pinisil ang ilong niya at ngumiti ako sa kanya. "Hindi talaga kita kayang saktan. Let's go!" Muli kong hinawakan ang kamay niya at dinala ko siya sa ground floor kung sana may disco-bar room. "Wow! Ang ganda para ka talagang nasa bar," wika ni Bella. "Anong gusto mong inumin?" "Kahit anong brand ng whisky. Mag imported ba kayong yosi?" Kumunot ang noo ko. "Tigilan mo na ang kasisigarilyo hindi 'yan maganda sa katawan. Ayokong mabuyado ng maaga." "Wala akong time para patulan ng trip mo." Lumayo siya sa akin para magpatugtog ng music. Sayaw siya nang sayaw. Habang ako ay hinahanda ang inumin naming dalawa. "Gusto mo bang kumain muna bago natin simulan ang uminom ng alak?" Umiling siya. "Alak lang sapat na." Tumalon-talon siya at sumisigaw habang sinabayan ang nakakaindak na musika. Nakangiti ako habang pinapanood siyang sumayaw. Sigurado na ako sa sarili ko na hindi ko na siya pakakawalan. Nagsimula kaming uminom ng alak dalawa. "Gusto mo ng yosi?" Inabot niya sa akin ang isang yosi. Umiling ako. "Hindi ako nagyoyosi." "Good boy ka naman. Ako, natuto akong magyosi sa mga barkada ko. Ang sabi ng ibang tao bad influence sila sa akin. Ang hindi nila alam masaya ako kapag kasama ang mga barkada ko." Sabay hithit niya ng yosi. "Sinabi sa akin ng pinsan ko na mag-aaral ka rito kaya ka nandito sa Amerika." Pagbabago ko ng usapan. Hugis bilog ang usok ng sigarilyo nang Ibuga niya ito. "Gago talaga si Andy. Kinuwento na pala niya ako sa iyo." "Ako ang nakiusap sa kanya na sabihin kung nasaan ka? Bigla mo akong iniwan pagkatapos ng mangyari sa atin." Tumingin siya sa akin. "Ayokong mabuntis kaya kita iniiwasan. Kung gusto mong makipag-s*x sa akin ngayon kailangan mong gumamit ng condom na hindi butas." Prangka niyang sagot. Lumunok ako. Wala sa isip ko ang sinabi niya pero dahil sinabi na niya parang gustong kong gawin. "Bakit ka tumahimik?" "Be my girlfriend." Tumawa siya ng malakas. "Nababaliw ka na ba?" Sabay tungga niya ng alak. Hindi pa siya nakontento nagsindi pa ulit siya ng yosi. "Hindi ako ang babae na puwedeng maging girlfriend. Hindi ibig sabihin na may nangyari na sa atin gusto kita. Wala kang obligasyon sa akin. Okay!" "Are you sure?" Sinubukan kong hulihin ang tingin niya pero hindi talaga siya makatingin sa akin ng diretso. "Huwag na natin pag-usapan ang commitment may allergy ako diyan. Uminom na lang tayo at mag-enjoy." Nilagyan niya ng alak ang wine glass ko at binigay niya sa akin. Bumuntong-hininga ako. "Hindi ako papayag sa gusto niya at kahit pigilan niya ako ay ipipilit ko ang sarili ko sa kanya. Napansin kong lasing na lasing na siya at halos sumubsob na siya sa lamesa kaya binuhat ko siya papunta sa kuwarto ko. Hiniga ko siya sa kama at ilang minuto ko siyang pinagmasdan. Nang hindi ako makatiis ay hinaplos ko ang mukha niya. Habang ginagawa ko iyo ay pinipigilan ko ang sarili ko na may gawin sa kanya. "Bella, I love you," bulong ko. Hindi ako nakatiis dahan-dahan ko siyang hinalikan sa labi. "f**k!" Napamura ako ng mahina. Tumayo ako at kinuha sa cabinet ang condom ko at lumapit kay Bella. Isa-isa kong tinatanggal ang botones ng polo ko nang biglang magsalita si Bella. "Daddy… I miss you." Huminto ako sa ginagawa ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang palad niya at hinalikan ko ito. "Stop crying, My love." "Daddy, kunin mo na ako please! Miss na miss na kita. Wala na akong kakampi. Ikaw lang ang kakampi ko." Nakaramdam ako ng awa kay Bella habang umiiyak ng tulog, ramdam ko kasi ang lungkot na nararamdaman niya. Humiga ako at tumabi sa kanya, pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. Napansin ko ang tattoo niya sa batok na rosas at nakasulat sa tangkay ng rosas ang salitang— I love you, Daddy. Mas lalo ko siyang minahal ngayon. "Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa ngayon mahal ko." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya habang umiiyak siya at hinanap ang Daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD