RAFAEL'S POV: MABIGAT ang loob ko habang naglalakad ako papunta sa parking area. Wala akong imik habang naglalakad kaya hindi ko pansin ang mga dumadaan at nakakasalubong ko. Grabe! Nakita n'yo ba 'yon lalaki? Huminto ako at dahan-dahan ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan. Mabuti na lang at halos magkatabi lang ang kotse ng isang babae at kotse ko. Sumakay ako sa kotse ko at binuksan ang bintana upang malinaw kong marinig ang pinag-uusapan nila. Nakasandal ang dalawang babae sa likod ng kotse habang humihithit ng sigarilyo. Tila may mga hinihintay pa ang mga ito kaya hindi pa sumasakay sa kotse. "Nakita ko si Ma'am. Belinda ang binuhat ni Sir. Steven. Hindi ba't may asawa na si Ma'am. Belinda?" Panimula ng babae. Tama nga ang narinig ko kanina. Tungkol kay