RAFAEL'S POV: "DAD?" Halos magsalubong ang kilay ni Daddy habang nakatingin siya sa akin. Napansin kong wala na siyang hawak na tungkod ngayon. "What's wrong with you, Son?" Nilapitan ko siya at ngumiti. "Hindi na ba masakit ang tuhod n'yo? Hindi n'yo na ginagamit ang tungkod niyo?" Pagbabago ko ng usapan. Bihira lang akong dalawin ni Daddy sa kumpanya dahil alam niyang kayang-kaya ko itong hawakan. Marahil ay nakarating na sa kanya ang nangyayari sa akin kaya sumugod siya sa opisina ko. "Huwag mong baguhin ang topic natin. Anong nangyayari sa iyo bakit mo pinababayaan ang sarili mo?" "Sino naman ang nagsabi sa inyo na pinababayaan ko ang sarili ko?" alibi ko. Tinitigan niya ako saka tinapik ang balikat ko. "Hindi ka pa ba pagod?" "Dad…" "I know what you are fighting for." Hu