"TAMA ba 'to?" Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang salita na iyon habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin na walang saplot. Napapansin kong habang tumatagal ang pagsasama namin ni Rafael ay bumabalik naman ang pagmamahal ko sa kanya. Marahan kong hinaplos ang kiss mark sa itaas ng dibdib ko. Sa sobrang pagkasabik ni Rafael ay nagkaroon ako ng kiss mark. "Psh! Sobrang libog pa rin niya hanggang ngayon." Kinuha ko ang facial toner ko at sinimulan ko ng mag-skincare. Nang matapos kong gawin iyo ay lumabas ako ng banyo. Nakatihaya si Rafael habang natutulog. Pagkatapos niyang mag-blower ng buhok ay nakatulog na siya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Marahil sa sobrang pagod niya kaya hindi na niya nagawang magsuot ng damit. Pinagpawisan ang mukha ko nang dumako ang mga mata