After two years… KANINA ko pa tinitingnan ang relong pambising ko habang nasa loob ako ng isang coffee shop. Halos kalahating oras na akong naghihintay sa schoolmate kong si Olga. Bumalik siya ng bansa pagkalipas ng dalawang taon niyang manirahan sa Pilipinas. "She's late." Hindi ko na alam kung ilang beses kong sinabi ang salitang iyon dahil mahigit kalahating oras na akong naghihintay sa kanya. "Oh my goodness! Kakalbuhin ko talaga ang bruha na iyon kapag dumating." Pagkalipas ng sampung minuto ay natanaw ko na siyang pumasok sa loob. Malayo pa lang ay nakita kong nakangiti siya sa akin. Marahil ay nakita na niya ako agad. "Hi! Bella!" Hinila ko ang dulo ng buhok niya. "Bruha ka pinaghintay mo ako ng matagal." Ngumiti siya sa akin. "Ouch! Sorry! Hinintay ko pa kasing dumating