"Hello! Philippines!" sigaw ko nang makalabas ako ng eroplano na sinakyan ko. Hindi ko sinabi kay Mommy na ngayon ako uuwi dahil gusto ko siyang surpresahin. Pagkatapos ng naging pag-uusapan natin tungkol sa address ng hospital kung saan naka-confine si Belinda ay hindi ko na sila muling kinausap. Naging abala ako para paghahanda ko pabalik ng Pilipinas. Mabuti na lang ay may mga kaibigan akong mapagkakatiwalaan ko. Alam na rin ni Steven na uuwi ako ng Philippines, pero hindi niya rin alam kung kailan. Napansin kong tumingin sa akin ang ibang tao. Marahil ay nag-iisip sila na baka nababaliw ako. Sumakay ako ng taxi upang ihatid ako sa terminal papunta sa probinsya namin. Habang binabagtas namin ang daan ay mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Ang dami kasing mga hindi magandang