"CONGRATS! Bella!" Paulit-ulit kong naririnig sa mga kaklase ko sa na kasabay kong nagtapos sa college. Makikita sa mukha nila ang labis na saya dahil tapos na kami sa kolehiyo. Ngumiti ako sa kanila. "Thank you!" "Makakauwi na rin ako sa Pilipinas. Pag-uwi ko ay bitbit ko ang diploma ko," wika ni Olga. "Hindi ka ba babalik dito sa Amerika?" "Siyempre babalik ako. Plano kong dito maghanap ng trabaho. Gusto kong matupad ang pangarap ko na magkaroon ng sariling bahay dito, dahil gusto kong dalhin dito ang pamilya ko." Ngumiti ako sa kanya. "Good luck!" "Good luck din sa iyo, Bella!" Tumango ako sa kanya at pagkatapos ay naghiwalay na kaming dalawa. Lahat ng mga nagtapos na ka-batch ko ay masayang- masaya maliban lang sa akin. Kahit sabihin na proud na proud sa akin ang Mommy ni Steve