CHAPTER 6

2369 Words
RAFAEL'S POV: "BELLA!" napabangon ako dahil napansin kong wala sa tabi ko si Bella. "Where is she?" Nilamukos ko ang mukha ko sa inis. Wala akong kahit anong saplot sa katawan nang bumangon ako. Agad kong hinanap si Bella sa banyo baka sakaling naliligo siya ngunit wala siya. "Son of a b***h!" Napamura ako sa sobrang inis. "I failed to get her." Ang akala ko hindi na niya ako matatakasan dahil planado ko ang lahat. Tinawagan ko ang information upang malaman kung may lumabas sa kuwarto ko na babae. "Yes, Sir. Kanina pa siya lumabas," sabi sa information. Kulang na lang ay madurog sa mga kamay ko ang cellphone sa labi na inis. Naisahan na naman niya ako. Nagmadali akong maligo para puntahan ang pinsan kong si Andy. Tiyak may alam siya tungkol kay Bella dahil kaibigan niya ito. Kumatok ako sa hotel room niya. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng hotel room niya at lumabas ang girlfriend niya. Halatang bagong ligo na ito dahil basa ang buhok. "Hi! Where's my cousin?" tanong ko. "Naliligo pa si Andy." "Can I come in?" tanong ko. Tumango ang babae at pagkatapos ay binuksan niya ang pinto. Umupo ako sa may gilid kung saan may maliit na sofa. "Andy! Nandito ang pinsan mo bilisan mo diyan!" sigaw ng girlfriend niya. "Oo! Bibilisan na!" sagot ni Andy. Huminga ako ng malalim at inikot ang mga mata sa loob ng silid. Napansin kong nakakalat ang box ng condom sa lamesa. Napansin naman ito ng girlfriend niya kaya nagmadaling tinapon sa basurahan. "Pasensiya ka na nagmamadali kasi kami kagabi hindi namin naitapon ng maayos." Pulang-pula ng mukha ng girlfriend ni Andy habang sinasabi sa akin 'yon. "It's okay, malibog naman talaga ang pinsan ko." Umiwas ng tingin sa akin ang girlfriend niya saka tumalikod at naglinis siya ng kama. Huminga ako ng malalim. Kung hindi ko lang gusto si Bella, hindi ako magsasayang ng oras para hintayin si Andy na matapos maligo. "Hey! Cousin!" Nakangiting sabi ni Andy nang lumabas ng banyo. Nakasuot lang ito ng roba at pinupunasan ang buhok ng puting towel. Naamoy ko rin ang ginamit niyang sabon. At least hindi siya amoy sperm tulad noon. "Where's Bella?" Nagsalubong ang kilay ni Andy. "Oh? Ang akala ko kasama mo kagabi? Napakahina mo naman iniwan ka na nga namin para masolo mo siya." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya buong gabi kaming magkasama ni Bella. "Tell me where she lives?" "Kahit puntahan mo siya sa bahay niya hindi mo na siya maabutan." "Why?" "Pumunta na siya ng Amerika. Ngayong araw ang flight niya. Kahapon nag-drop out na siya school." "Are you sure? Bakit hindi mo sa akin sinabi?" "Hindi mo naman kasi agad sinabi sa akin na type mo ang kaibigan ko. Kung gusto mo siya puntahan mo sa Amerika." "Gusto kong makausap ang Mommy niya, sabihin mo sa akin kung saan siya nakatira. "Iyon ang pinakamaling desisyon na gagawin mo. Baka ikaw pa ang pagtuunan ng init ng ulo mommy niya. Galit na galit sa amin ang mommy ni Bella dahil bad influence daw kami." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi ng pinsan ko. Paano ko muling makikita ang unang babae na nagpatibok ng puso ko. "Okay, thank you." Tumalikod ako sa kanya at umalis. "May praktis tayo mamaya sa basketball." Humarap ako sa kanya. "Hindi na ako aattend ng basketball." Kumunot ang noo ni Andy. "Why?" "Dahil magda-drop out na ako." "What? Are you sure?" Hindi makapaniwalang tanong ng pinsan ko. Bagong transfer pa lang kasi ako sa school nila kaya nagulat siya sa sinabi ko. "Dahil ba kay Bella?" Tumango ako. "Matagal ko ng plano na mag-drop out kaya lang bigla ko siyang nakita kaya pinagpaliban ko ang pag-alis. Ngayon, wala na siya I think itutuloy ko na ang umalis." Tumalikod ako sa kanya ay lumabas ng hotel room niya. Sumakay ako sa kotse upang umuwi sa bahay namin. "Good morning, Sir. Rafael!" Sabay yuko ng isa sa katulong namin na sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Good morning, Tina." "Sir, Ang sabi sa akin ng Daddy n'yo kapag dumating kayo puntahan n'yo raw po siya sa visitors room." Tumango ako. "Okay, thank you." Kapag nasa loob ako ng bahay namin ay hindi na ako isang college student dahil ang gusto ni Daddy ay maging responsible man ako. Matured dapat ang pag-iisip kaya madalas tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan namin. Dahil ako ang nag-iisang lalaki sa pamilya kaya pasan ko ang responsibilidad na hawakan ang mga negosyo namin. Anim na taon gulang pa lang ako ay pinakilala niya sa akin ang buhay ng negosyo. Imbes na paglalaro sa kalsada o panonood ng telebisyon ang inaatupag ko noong bata ako ay kasama na ako ng magulang ko sa mga meetings nila. Lumaki ako na puro negosyo ang umiikot sa akin, kaya noong labing tatlong gulang ako ay pinahawak na ako ng maliit na negosyo ni Daddy. Nakabukas ang pinto ng visitors room ni Daddy. Gayunpaman ay kumatok ako sa pinto ng dahan-dahan upang malaman niyang may tao na papasok sa loob. "Come in!" narinig kong sigaw niya. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Daddy na nagbubotones ng suot niyang puting polo habang ang magandang babae ay tumakbo papunta sa banyo at binalot niya ang hubad niyang katawan ng damit niya. Seryoso ang mukha kong tumingin sa kanya. "Hindi ba't ang babae na 'yon ang bagong katulong natin?" Tumango si Daddy. "Yes, batang-bata at fresh pa kaya gusto ko siya." "Bakit lahat ng bagong katulong natin ay ginagawa mong parausan." Inis kong tanong sa kanya. Simula nang ipagpalit siya ni Mommy sa ibang lalaki ay naging babaero na si Daddy. Wala na siyang seryosong relasyon. "Hindi ko siya pinilit siya ang pumasok sa visitor room ko kapalit ng malaking halaga." Magsasalita pa sana ako nang lumabas ang katulong namin sa banyo. Nakayuko siya habang palabas. "Alliyah!" tawag ni Daddy. Nakayukong lumapit ang katulong namin sa kanya. "Y-Yes! Sir?" Naglabas ng cheke si Daddy. "Ito ang five hundred thousand kapalit ng unang performance mo. Susunod mas gagalingan mo pa para may bonus ka." Hindi pa nakontento si Daddy. Pinisil nito ang puwet ng babae at saka siniil ng halik. "Alliyah!" sigaw ko. "S-Sir!" Nakayuko siya nang lumapit sa akin. "Magbalot-balot ka na ng damit mo at magpahatid ka na sa driver sa piyer." "Rafael, bakit mo naman paalisin si Alliyah?" Hindi ko sinagot ang sinabi ni Daddy sa halip ay tinitigan ko ng matalim ang katulong namin. "Alliyah, huwag mong sarain ang buhay mo." Yumuko ang katulong namin. "Thank you, Sir." Pagkatapos ay nagmadali itong lumabas ng silid. Tinaas ni Daddy ang paa niya sa lamesa. "Hays! Bakit ba masyado kang seryoso sa buhay mo. Wala ka bang girlfriend kaya ka ganyan?" wika ni Daddy. Nagsindi siya ng sigarilyo at binuga ang usok nito. "You are wasting Five hundred thousand for your woman." "And what about you? You wasted two million pesos in just one night." Nakipagtitigan ako sa kanya. "I'm with my friends." Tumawa siya Daddy. "Oh! You have a friend now, why didn't you tell me?" "Kaya mo ba ako pinapunta rito dahil sa two million pesos na sinayang ko kagabi?" Tumayo si Daddy. "Nope, gusto ko lang malaman kung nag-enjoy ka kagabi kasama ng kasama mong babae sa pad mo?" Kuyom ang kamao ko sa inis. "Are you stalking me?" "Of course not, binalita lang sa akin ng hotel manager ko ang ginawa mo kagabi. Don't worry, hindi kita pakikialaman sa gusto mo. Enjoy your life!" Sabay ngiti ni Daddy. "Pupunta ako ng Amerika bukas." Seryosong tumingin sa akin si Daddy. "Bakit? Pupuntahan mo ba ang Mommy mo na walang kuwenta?" "I want to see my sister, " alibi ko. Ang totoo gusto kong sundan si Bella sa Amerika. "Bakit kailangan mong magmadali? Pumapasok ka pa sa school, at may mga meetings ka pa na dapat puntahan." "Nandiyan ka naman, mas maganda siguro kung ikaw ang gagawa lahat, para mawalan ka ng oras maghanap ng babae." "Stress reliever ko sila." "Whatever! Pupunta ako sa Amerika bukas na bukas din." Sinuksok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at lumabas ng visitors room. Paglabas ko ay lumapit ang mayordoma namin. "Sir. Rafael, umalis na po so Alliyah. Mag-hire ba tayo ng bagong katulong?" Tumango ako. Ayoko naman na mahirap ang mga natitirang katulong namin dahil malaki ang bahay namin. "Huwag kayong tatanggap na bata at maganda. Huwag kayong tumanggap na katulong na magiging alay kay Daddy." Hindi na lingid sa mayordoma namin ang ginagawa ni Daddy sa mga naging katulong namin na nagustuhan nito. Kahit hindi niya pinipilit ang mga katulong na gusto niya. Hindi ko pa rin gusto ang ginagawa ni Daddy niya. Ginagamit niya ang pera niya para makuha niya ang babae at sumunod sa lahat ng gusto niya. "Yes, Sir!" Sabay yuko niya. Tumango ako at naglakad papunta sa kuwarto ko. Nang nakahiga ako sa kama ko ay muli kong naalala ang ginawa naming pagtatalik ni Bella. Kahit hindi niya aminin alam kong gusto niya ako. "She's a virgin," bulong ko. Parang laging nagpa-flash back sa akin ang unang naging pagtatalik namin sa kotse. "I need to see her no matter what." Bumangon ako para tumawag sa hotel. Gusto kong makuha ang cctv camera sa loob ng bachelor pad ko. Gusto ko itong panoorin lalo na ngayon miss na miss ko siya. "TALAGANG sineryoso mo ang sinabi ko sa iyo." Natatawang sabi ng pinsan kong si Andy. Hinatid niya ako papuntang airport alam ko na rin kung saan lugar sa Amerika hahanapin si Bella. "Huwag kang tumawa naiinis ako sa iyo." Sabay simangot ko. "In love ka na nga kay Bella." Sabay tawa niya. "Sa dami ng babae bakit kay Bella ka pa nagkagusto? Dadaan ka sa butas ng karayom bago mo mapaamo ang babae na iyon dahil para siyang tigre laging galit. Ang tagal na namin siyang kaibigan pero wala pa akong nakitang lalaki na naglakas loob na manligaw sa kanya." "Mas gusto ko nga yung babae na pa-hard to get." Humalakhak si Andy bagay na kinainis ko. "Bakit ka ba tawa nang tawa." "Natatawa ako sa iyo. Iniisip ko pa lang na hahawakan mo ang kamay niya baka may black eye ka na." Natahimik ako. Walang kaalam-alam si Andy na hindi lang kamay ang nakuha ko sa kanya maging ang virginity niya ay nakuha ko na. Ilang beses kaming nagtalik kaya hindi ko siya makalimutan. "Good luck sa iyo sana magtagumpay ka na mahanap si Bella sa Amerika, at kapag nakita mo siya ikumusta mo kami sa kanya." "Thanks!" Nagkuwentuhan kaming dalawa habang papunta kami ng airport. Nang makarating ako sa airport ay naghintay lang ako ng ilang minuto ay umalis na ang eroplano na sinasakyan ko. Mahaba-habang biyahe ito kaya natulog na lang ako. Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakauwi na ako sa bahay na tinutuluyan ng Mommy ko. Nang ipagpalit niya si Daddy sa ibang lalaki ay sa Amerika na sila tumira. Hindi na siya bumalik sa Pilipinas dahil na rin siguro sa takot niya kay Daddy. Kasama ni Mommy si Ate Stella. Ang panganay kong kapatid na babae. May dalawang kapatid na ako kay Mommy, pero mga bata pa ito. "Mabuti naman at dumalaw ka rito sa amin?" Masayang sabi Mommy. Seryoso akong tumingin sa kanya. "Hindi ako magtatagal dito." "Hindi ka rito mag-stay?" Malungkot na sabi ni Mommy. Napansin ko ang anak ni Mommy na lalaki na nakasilip sa pinto. Nasa edad trese na ito. "Magkikita kami ni Ate Stella ngayon. Naghihintay lang ako ng tawag niya." "Oh, I see, akala ko dito ka sa amin tutuloy hinanda pa naman namin ang kuwarto na tutulugan mo." Bakas sa mukha niya ang lungkot. "Don't worry, bago ako bumalik ng Pilipinas ay mag-stay ako sa inyo ng isang gabi." Lumiwanag ang ngiti ni Mommy. "Thank you, Rafael!" Sabay yakap niya sa akin. Para akong istatwa nang yakapin ako ni Mommy. Hindi ko alam kung paano mag-react sa kanya. Mula nang umalis siya ay nawala na ang amor ko sa kanya. Masyado akong nasaktan sa paghihiwalay nila ni Daddy. Ilang beses akong nakiusap sa kanya na kunin niya ako pero hindi niya ako pinili mas pinili niyang kunin si Ate Stella. "I-I'm sorry!" Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Tumingin ako sa cellphone. "Nag-chat na si Ate Stella, nasa park na siya pupuntahan ko lang siya. Good bye!" Dumiretso ako sa paglalakad at hindi na lumingon. Malapit lang ang parke na tinutukoy ni Ate Stella sa bahay nila Mommy kaya nilakad ko na lang ito. Pagdating ko sa parke ay wala si Ate Stella. Tinawagan ko siya. "Where are you?" tanong ko. "Nasa parke lang sandali pupuntahan kita." In-off niya ang tawag ko. Ilang saglit lang ay nakita ko si Ate na papalapit sa akin. Nakangiti siya nang lumapit sa akin. "Sorry, kung naghintay ka may sinundan kasi akong magandang babae." "Psh! Tomboy ka ba?" Binatukan niya ako. "Ouch!" "Gago! Naawa kasi ako sa kanya dahil babae na iyon. Isa siyang Filipina na kasambahay dito sa Amerika. Napansin kong malungkot siya. Gusto ko sana siyang tulungan kaya lang bigla siyang umalis." "Nakuha mo ba ang pangalan at address kung saan siya nakatira?" Umiling si Ate Stella. "Hindi ko nakuha ang address ng niya pero ang pangalan niya ay Bella. Bella? Bigla akong lumingon kay Ate Stella. "Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" "Bella ang pangalan niya?" Paniniguro ko. Tumango siya. "Yes, Bella ang pangalan niya. Ang ganda niyang babae hindi siya bagay maging katulong siguradong kukursunadahan siya ng amo niya. Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi ni Ate Stella. Ipinakita ko sa kanya ang picture ni Bella na hiningi ko sa pinsan ko na si Andy. "Ito ba ang babae na nakita mo?" Nanlaki ang mga mata ni Ate Stella. "Oo, siya nga ang nakita ko. OMG! Bakit may picture ka niya? Kilala mo ba siya?" "Siya ang dahilan kung bakit nandito ako sa Amerika, pero bakit siya nagtatrabaho bilang kasambahay?" "Oh, really? Kung alam ko lang na siya ang hinahanap mo dapat hinabol ko siya." "It's okay, at least alam kong nandito talaga siya sa lugar na ito." Mahahanap din kita, Bella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD