"BAKIT ngayon ka lang tumawag sa akin?" halata sa boses ni Mommy ang labi inis sa akin. Isang linggo na kasi akong nasa Amerika, pero ngayon lang ako tumawag sa kanila.
Araw ng linggo sa Pilipinas kaya kasama niya si Belinda.
"Tsk! Dapat masaya kayo dahil walang nagpapasakit ng ulo n'yo?"
Huminga ako ng malalim si Mommy. "Bakit ganyan ka magsalita? Galit ka ba sa akin dahil pinadala kita diyan sa Amerika?"
"What do you think? Si Belinda sana ang pinadala n'yo rito dahil siya naman ang bukang bibig ni Lolo at Tita Shonie rito. Pati ang mga katulong siya ang hinahanap." Sabay irap ko.
Hindi ko talaga kayang itago ang inis ko kaya alam nila kung galit ako. Hindi kasi ako katulad ni Belinda na kayang kimkimin ang galit.
Nagkatinginan si Mommy at Belinda. "Nagseselos ka ba sa kakambal mo?"
"Kailan pa ako nagselos sa kanya?" Inis kong sagot.
Yumuko si Belinda. "I'm sorry," sagot ni Belinda.
"Ganyan ba talaga kabait? Humihingi ng sorry kahit wala naman ginawang kasalanan? Tsk! Samantalang ako kahit kasalanan ko na hindi ako hihingi ng sorry"
"Bella, kahit galit ka sa akin ay i-update mo pa rin ako sa mga nangyayari sa iyo diyan sa Amerika."
"Gusto kong umalis sa poder ni Lola. Gusto kong maging independent dito sa Amerika."
"Alam mong hindi kita papayagan sa gusto mo dahil magagawa mo rin ang ginawa mo rito sa Pilipinas," wika ni Mommy.
"So, wala na kayong tiwala sa akin?" Inis kong sagot.
Inaasahan ko na sasabihin iyon sa akin ni Mommy, pero masakit pa rin pala kapag narinig mo ng personal.
Hindi kumibo si Mommy sa akin.
"Kung gano'n, hindi na ako tatawag sa inyo. You can contact Tita Shonie or Lola because you are close to them." Sabay putol ko ng video call namin.
Muli silang tumawag para sa video call pero in-off ko na ang laptop ko at ang cellphone ko para hindi nila ako makausap.
Psh! Bahala sila hindi ko sila kakausapin.
Lumabas ako ng kuwarto upang mag-jogging. Gusto kong ma-experience mag-jogging sa lugar na ito.
"Where are you going?" tanong sa akin ni Tita Shonie. Nakasandal pa siya sa labas ng dingding ng kuwarto.
Tumingin ako sa kanya. "Mag-jogging ako. Hindi ba halata sa suot ko?"
Pailalim niya akong tinitigan. "Mag-jogging ka ng alas-sais ng gabi?"
"Bakit bawal ba? May nagjo-jogging nga ng tanghali, gabi pa kaya?" Sarkastiko kong sagot.
"Hindi ka puwedeng lumabas," sagot ni Tita Shonie.
"Hindi n'yo ako mapipigilan." Humakbang ako para lampasan siya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Isusumbong kita sa Mommy mo."
Inalis ko ang kamay ni Tita sa pagkahahawak ng kamay niya. "Go ahead! Samahan pa kita, Tita." Ngumisi ako sa kanya at saka pumihit patalikod sa kanya.
"Ang tigas ng ulo mo!" sigaw niya.
Tinaas ko ang kamay ko. "Thank you, Tita. I love you." Pang-aasar ko pa.
Siguro iisipin ng ibang tao na masamang tao ako at walang galang sa matatanda. Well, bahala silang mag-isip. Nirerespeto ko ang mga taong dapat respetuhin pero kapag katulad ni Tita Shonie na lantaran pinapamukha niya sa akin na hindi niya ako gusto. Bakit naman ako magiging mabait sa kanya.
Dahil mas mahaba ang araw sa Amerika kaya halos maliwanag pa rin ang alas-sais ng hapon. Tumakbo ako papunta sa park. Napansin ko rin na hindi lang ako ang nagjo-jogging sa ganitong oras dahil nang makarating ako sa park ay nakita ko ang mga tao nag-jogging. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga Filipino na nagsu-zumba. Day off kasi ngayon ng mga Filipino na kasambahay kaya maraming akong nakitang Filipino sa park.
Nang mapagod ako sa pagtakbo ay umupo ako para magpahinga. Umiinom ako ng tubig habang nakatingin sa nagsasayaw sa gitna nang may biglang umupo sa tabi ko.
"Kanina ka pa rito?"
Tinaas ko ang kanang kilay ko nang makilala ko ang tumabi sa akin.
"Sinusundan mo ba ako?"
Ngumiti si Steven. "Bakit naman kita susundan gold ka ba?" Sabay tawa niya.
"Sus! Sinusundan mo talaga ako."
"Malapit lang ang bahay ko rito."
"Hindi ko tinatanong at lalong hindi ako interesado."
"Hays! Ang sungit mo talaga. Magkaklase na nga tayo ang sungit mo pa rin."
Nakataas ang kilay kong tumingin sa kanya. "Ang daldal mo para kang babae." Tumayo ako upang umuwi. Mas gusto kong umuwi kaysa makasama si Steven.
"Wait lang! Sungit!" sigaw niya.
"Ang ingay talaga niya!"
Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako maabutan ngunit mukhang sanay siyang tumakbo dahil naabutan niya ako at hinarangan ang dadaanan ko. Pareho naming hinabol ang hininga nang huminto kami.
"A-Ang bilis mo naman tumakbo," sabi niya.
Nameywang ako sa kanya. "Ano ba kasi ang kailangan mo?"
"G-Gusto ko lang naman may makasamang kumain ng pizza. Promise, hindi na kita kukulitin kapag sinamahan mo akong kumain."
"Sige na nga!"
Ngumiti siya sa akin. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Hinila ko ang kamay ko. "Close ba tayo?" Sabay irap ko sa kanya.
Napakamot pa siya ng ulo. "Sungit talaga!"
Magkasabay kaming naglakad dalawa habang walang tigil ang bibig ni Steven na kakakuwento. Hindi ko alam kung ganito talaga siya kadaldal kapag ako ang kasama niya. Tuwing nasa school ay masyado siyang seryoso dahilan para maraming magkagusto sa kanyang estudyante na iba't-ibang lahi.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin habang may hawak siyang menu list. Pizza lang ang kakainin namin pero para kaming nasa sosyal na restaurant. Ang laki at ang ganda ng loob. Malinis din kaya hindi ako nagtataka kung bakit marami ang customer rito.
"Meron ba ditong Pepperoni? Sa Pilipinas kasi iyon ang gusto kong flavor."
Tumango siya. "Yes, meron Pepperoni."
"That's good."
"Alam mo ba na Filipino ang may-ari ng branch na ito?"
"Really?" Muli kong pinagmasdan ang paligid. "Kaya pala napansin kong maraming Filipino na customer."
"Yes, at kapag natikman mo ay siguradong babalikan mo ang lugar na ito."
Matagal ka na ba rito sa Amerika?"
"Wow! First time mo na magtanong tungkol sa akin. Dahil sa first time mo ay sasagutin kita. Matagal na ako rito mula nang maka-graduate ako ng vocational course sa Pilipinas."
"Ibig sabihin marami ka ng alam na lugar dito sa Amerika?"
Tumango siya. "Why do you ask?"
"Tulungan mo nga akong makahanap ng trabaho dito sa Amerika."
Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Are you kidding me?"
Umiling ako. "Gusto kong maging independent student. I want to be a working student."
"I thought you lived in your Grandma's house."
"How did you know? hindi ko naman sinabi sa iyo?"
"You didn't tell me, so I made a way for me to find out."
"Tsk! Stalker!"
"Hindi importante kung nalaman ko ang bagay na iyon. Ang gusto kong malaman bakit kailangan mong umalis sa poder ng Lola mo?"
"Hindi kami close ng Lola ko at nasasakal ako habang nasa poder nila. Gusto kong maging malaya at gawin ang gusto ko. Tulungan mo akong maghanap ng trabaho at maghanap ng titirahan."
"You're crazy."
"Ma'am, Sir, these are your orders," sabi ng waiter.
"Hindi kita matutulungan sa bagay na 'yan. Nasa maayos na ang buhay mo ngayon 'wag mo ng pahirapan. Mas makakapag-focus ka sa pag-aaral kung hindi ka pagod sa pagtatrabaho at pagod sa pag-iisip kung paano pagkakasyahin ang kinikita mo."
Hindi ako kumibo. Siguro hindi si Steven ang tao na makakatulong sa akin para gawin ang plano ko.
Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. "I have an offer for you."
Tumingala ako sa kanya. "What is that?"
"Be my girlfriend."
Tumawa ako ng malakas. "Sinasabi ko na nga ba may gusto ka sa akin." Sumeryoso ako. "Mas gugustuhin kong maghirap sa pagtatrabaho kaysa maging girlfriend mo."
Ilang segundo siyang nakatingin sa akin pagkatapos ay ngumiti. "Nagbibiro lang ako. Sinubukan ko lang kung papayag ka."
"Sorry, hindi ako easy to get." Bigla kong naalala si Rafael.
Naging easy to get pala ako sa isang lalaki.
"Hindi mo ba nagustuhan ang pizza?"
"H-Ha?"
"Ilang segundo kang nakatulala."
"S-Sorry! Iniisip ko kasi kung nai-lock ko ang cabinet ko kanina," alibi ko.
"Bakit may nakatago ba na ginto sa cabinet mo?" Natatawang sabi niya.
Umiling ako. "Nakatago sa closet ko ang tatlong bote ng johnnie walker at tatlong pack ng yosi ko. Ayokong makita nila iyon baka itapon."
Tumawa siya. "Bakit nakatago sa cabinet mo?"
"Umiinom akong mag-isa bago ako matulog," sabi ko, habang kumakain ng pizza. Wala sana akong balak sabihin iyon kung hindi niya ako pinansin.
"Ang lalim pala ng nararamdaman mong lungkot."
Hindi ako kumibo sa halip ay binilisan ko na lang ang pagkain para makauwi na kami.
"Thanks for the food."
"Welcome until next time," sagot niya.
"Wala ng next time 'wag ka ng umasa. Ayokong mawalan ng saysay ang pag-jogging ko." Nauna akong naglakad sa kanya at nang tatawid ako ay may biglang sumulpot na kotse.
"Bella!"
Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Steven. Sumubsob ako sa dibdib niya dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa akin.
"S-Steven…"
Nagkatitigan kaming dalawa ni Steven. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng magtama ang mga mata namin. Ngayon ko lang napansin na kapag seryoso si Steven ay sobrang guwapo. Ngayon alam ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "T-Thank you!" Sabay talikod ko sa kanya at naglakad ng mabilis.
"Where have you been?" tanong sa akin ni Lola.
Lumapit ako sa kanya para magmano. "Nag-jogging ako sandali."
"Sinabi ng Tita Shonie mo na alas-sais ka pa umalis para mag-jogging pero alas-diyes na ng gabi."
"Oras lang naman po ang gabi pero sa labas parang hapon pa lang, maliwanag pa rin at maraming tao sa labas."
"Ganyan ka ba talaga sa Mommy mo?"
Bahagyang umangat ang kanang kilay ko. "Ang alin po?"
"Ang hilig mong sumagot wala ka ng respeto sa matanda."
"Hindi naman ako sumasagot. Pinaliwanag ko lang naman po ang gusto kong sabihin."
Tumalikod siya sa akin. "Ayoko ng maulit ito." Sabay hakbang niya palayo sa akin.
Umiling ako habang naglalakad pabalik ng silid ko.
Kailangan ko na talagang makaalis sa poder nila.
NAGISING ako nang marinig ko ang boses ni Tita Shonie na kumakatok sa pinto ng silid ko. Wala sana akong balak buksan kaya lang baka bigla nilang kunin ang duplicate ng susi ng silid ko. Hindi ko pa naman matandaan kung nakapag-double lock ako kagabi.
Gulo-gulo ang buhok ko nang bumangon ako para buksan ang pinto.
"Hello! Good morning!" sabi ko.
"Bella, kumilos ka na dahil may pupuntahan tayong birthday party."
"Anong oras po?
"Ngayong hapon kaya kumilos ka na."
"Ngayong hapon?" Sinilip ko ang relong pambisig ko. Alauna na pala ng hapon.
"Alauna na ng hapon at alas-tres ng hapon magsisimula ang party ng bata."
Tumango ako. "Sige, Tita, hintayin n'yo na lang ako nila Monica sa sala."
"Hindi sasama si Monica."
"I see … kaya pala ako ang sinama n'yo," bulong ko.
Umangat ang kanang kilay niya. "Are you say something?"
Umiling ako. "Nothing, Tita! Maliligo muna po ako."
"Hihintayin ka namin sa baba bilisan mo." Tumalikod siya at umalis.
Nang umalis na siya ay pumasok ako sa kuwarto upang maligo.
"Hays! Nakakainis!"
Sa lahat ng party na ayaw kong puntahan ay ang party ng mga bata. Masyadong boring sa akin ang ganong party. Ngunit wala akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanila.
Alas-dos ng hapon ay nakabihis na ako. Nakaangat naman ang kilay ni Lola sa akin nang lumabas ako ng kuwarto ko.
"Why didn't you put makeup on your face?" tanong ni Lola.
"Lipstick and eyebrows are okay," sagot ko.
Nagkibit-balikat siya. "Okay, let's go!"
"Where's Tita Shonie?" tanong ko. Alam ko kasi ay kasama siya.
"Hindi siya sasama sa atin."
Tumango ako at sumunod kay Lola. Nagpanggap lang siyang kasama para sumama ako, pero ang totoo ginising nila ako para may kasama si Lola.
Hindi kami nag-imikan ni Lola habang papunta kami sa birthday party.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" Basag ni Lola sa katahimikan.
"Okay naman po," tipid kong sagot.
"Galingan mo sa pag-aaral kapag mataas ang nakuha mong mga grades ay papayagan na kitang maging independent."
Bigla akong lumingon kay Lola. "Totoo po ba 'yan?"
Tumango siya. "Pinag-usapan namin ng Mommy mo ang gusto mong mangyari, kaya pagbibigyan ka namin basta maging mabait ka lang."
Sa unang pagkakataon ay ngumiti ako sa kanya. "Thanks! Lola."
"Ayusin mo ang pag-aaral para magawa mo ang gusto mo."
Tumango ako. Ipapakita ko sa kanila na kaya kong magsipag sa pag-aaral. Nagsimula na kaming mag-usap dalawa tungkol sa naging buhay namin sa Pilipinas. Bagamat tungkol kay Mommy at Belinda ang tinatanong niya ay okay na rin para sa akin dahil hindi ko namalayan na nakarating na kami sa venue ng party.
"Nandito na tayo," sabi niya.
Lumabas si Lola at bitbit ang dala niyang regalo ako naman ay sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa loob ng malaking bakuran napansin ko agad na karamihan sa bisita ay mga bata. May mascot at clown din na para magpasaya ng mga bata.
"Happy birthday, Little boy!" sabi ni Lola.
Ngumiti ako sa bata. "Happy birthday! Cutie."
"Thank you so much," sagot ng bata.
"Silva, thank you so much for attending my son's birthday. Please come and eat," sagot ng Nanay ng bata.
Kahit hindi ko itanong kung Filipina ang Nanay ng may birthday ay halata sa itsura niya. Hindi na ako nagtataka kung style Filipino pa rin ang pagkaka-organize ng party ng bata.
Iniwan ko si Lola na nakikipag-usap sa iba niyang kakilala. Kumuha ako ng pagkain at kumain ako na mag-isa. Nang mabusog ako ay tumayo ako para kumuha ng tubig. Ngunit bigla kong naisip na magyosi kaya pumunta ako sa likuran ng bahay para humithit ng yosi.
Mag-isa lang ako roon sa likod ng bakuran para hindi malaman ni Lola na nagyoyosi ako. Ayoko rin naman maamoy ng mga bata ang usok ng sigarilyo.
"Finally! I found you, Bella!"
Natigilan ako sa paghithit ng sigarilyo nang marinig ko ang boses na iyon. Nagsitayuan ang balahibo ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko magawang lumingon sa kanya.
Shit! Totoo ba ito? Nandito siya?
Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango.
Rafael Velasco Arkillar.
Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw at lalong hindi ko siya kayang itulak.
"Why did you leave without letting me know?"
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Nakayuko ako lang ako.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat niya ito upang magkatitigan kami. Mas lalong nagulo ang puso ko nang makita ko siya ng harap-harapan.
My goodness! Kailangan ko yata ng alak.
"I-I need alcohol."
Iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
Ngumisi siya sa akin. "Sure, after I kiss you." Yumuko siya pagkatapos ay siniil niya ako ng halik.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Siguradong malalasahan niya ang kinain ko at yosi ko, pero kahit gano'n nararamdaman ko pa rin ang dila niyang nais pumasok sa bibig ko. Ipinikit ko ang mga mata ko saka hinawakan ko ang leeg niya at tumugon ako sa halik niya.
Hindi pa rin siya nagbabago. Masarap pa rin siyang humalik.
Hindi na ako nagpakipot pa dahil natangay na ako ng mga halik niya. Hindi naman niya malalaman kung saan ako nakatira dahil hindi naman ako kilala ng magulang ng may birthday.