CHAPTER 5

2212 Words
NAKATAAS ang kanang kilay ko nang lumabas ako ng kuwarto ko. Nakita ko kasi ang pinsan kong si Monica na kausap si Lolo. Sobrang sweet nilang dalawa at niyayakap pa niya ito. Nilampasan ko sila at nagkunwari akong hindi ko sila nakikita. "Hi! Bella!" Matamis pa siyang ngumiti sa akin. Napilitan akong ngumiti sa kanya. "Hi! Monica." Lumapit ako kay Lola para halikan siya sa pisngi. "Do you know what time it is?" Pagtataray na tanong ni Lola sa akin. Tumingin ako sa wall clock. "Yeah, 11:00 o'clock in the morning." Nakita kong palihim na tumawa si Monica. Ang sarap niyang sabunutan. "Did you know that your cousin will accompany you to the university?" "Ngayon pala 'yon nakalimutan ko." Ang totoo hindi ko naman talaga nakalimutan na aalis kami ni Monica. Sinadya ko talagang tanghali na lumabas ng kuwarto dahil sa hangover ko. Mag-isa kasi akong umiinom ng alak kagabi. Nakita sa mukha ni Lolo ang galit sa akin. "Huwag mong dalhin dito ang ginagawa mo sa Pilipinas." Tumango ako. "Yes, Lola." "Cousin, kumain ka muna bago tayo umalis, puwede pa naman mamaya na tayo umalis." "Thanks, Cousin." Pagtalikod ko sa kanilang dalawa ay pinaikot ko ang eyeballs ko. Alam ko naman kasing pinaplastik lang nila ako. Dumiresto ako sa kusina para kumain. Nang makita ako ni Yaya Moring ay pinaghanda niya ako ng pagkain. "Paborito mo ang pagkain na niluto ko," sabi pa niya. Inilagaya niya sa harapan ko ang mga pagkain na niluto niya kaninang umaga. Ngunit napansin kong puro paborito ni Belinda ang pagkain. Hindi na lang ako umimik. Inisip ko na lang na nalilito siya dahil kahit ang boses namin ni Belinda ay magkapareho. Magkaiba lang kami ng mga salitang binibitawan at kung paano kami makipag-usap sa tao. Nang matapos akong kumain ay nagpalit na ako ng damit. Nakita ko si Monica na naghihintay sa akin sa labas ng pintuan. "Aalis na ba tayo?" tanong ko sa kanya. "Oh, susi ng kotse. Ikaw na ang magda-drive ng dating kotse ko. Binili nila ako ng bago kahapon." "Sa akin na ba 'to?" Tumango siya. "Yes, sa iyo na raw 'yan." "Dahil sa akin na ang luma mong kotse. Ako na ang may karapatan sa kanya. Thank you sa kotse mo," sarcastic kong sagot. Inirapan niya ako sabay talikod sa akin. "Sundan mo ang kotse ko bilisan mo." Sumakay siya sa bago niyang kotse at ako naman ay sumakay sa luma niyang kotse. "Infairness naman sa kotse niya mabango." In-start ko ang kotse niya at sinundan ko siya. Habang sinusundan ko siya ay binibilisan naman niya ang pagpapatakbo. Sinasadyang bilisan para ipamukha sa akin na maganda ang kotse niya. "Siraulo 'to!" Pinaharurot ko ang kotse ko at para maabutan ko siya. Nagulat pa siya nang nasa harap na niya ako. Nang sinusubukan kong lapitan siya ay bigla siyang natakot at bumagal ang takbo. Marahil ay natatakot siya na magasgasan ang bago niyang kotse. Huminto siya at lumabas ng kotse niya. Huminto naman ako at binuksan ko ang bintana ng kotse. Ngumisi ako. "Bakit ka huminto?" Galit na galit siyang nakatingin sa akin. "Gusto mo bang gasgasan ang kotse ko?" Umiling ako. "Of course not! Ang sabi mo kanina sundan kita. Ang bilis ng takbo kaya hinabol kita. Hindi ko alam ang lugar kaya natakot akong maiwan," alibi ko. Kung hindi siya huminto ay baka magkatotoo ang hinala niya. Balak ko talagang gasgasan ang bago niyang kotse ganyan ako ka-maldita. Ayokong mainis sa tao ang gusto ko sila ang maiinis sa akin. "Sundan mo lang ako sa likod 'wag kang haharap sa akin dahil baka magasgasan ng bulok mong kotse ang bago kong kotse." "Hindi naman siya bulok baka bulok lang ang gumagamit noon?" Pang-aasar ko. Halos patayin ako ng tingin niya dahil sa galit. "Isusumbong kita kay Lola kapag umuwi tayo." "Hindi pa ba kumpleto ang sinabi mo kanina? May gusto ka pa ba idagdag?" Sumigaw siya sa labis na pagkapikon at nag-martsa papunta sa kotse niya. Tumawa ako. "Akala nila siguro ay kaya nilang putulin ang sungay ko." Bumagal na ang takbo ng kotse ni Monica kaya kumalma na rin ako. Alam ko sa sarili kong maldita ako pero kahit kailan hindi ako nagsisimula ng gulo. Kalahating oras lang ay nakarating na kami sa bagong school na papasukan. Tama si Tita Shonie. Bagong school pa lang siya at hindi siya kilala. Gayunpaman, napansin kong marami ang estudyante. "Maraming mga Filipino mga estudyante rito, mura kasi rito kumpara sa mga kilalang university kung baga ito ang pinaka-low class." Sabay tawa niya. "It's okay, high class student naman ang beauty ko kaya okay lang." Pailalim akong tinitigan ni Monica. "Ang sweet mo talagang pinsan. Ayaw mong malalamangan ka." Prangkang sagot ko. "Si Belinda kasi ang close ko at hindi ikaw." "I know, she's not here, and I'm here, so there's nothing you can do." "Follow me!" Pagbabago niya ng usapan. Tinuro niya sa akin ang office of registrar para mag-enrol at pagkatapos ay nagbayad ako sa accounting nila ng buo. Tiningnan pa talaga ni Monica kung nagbayad ako dahil si Lola ang nagbigay ng pera pambayad sa tuition. "Bukas hindi na kita sasamahan dito alam mo na ang papunta rito." Tumango ako sa kanya. "Yes, don't worry kaya ko ng pumasok bukas ng mag-isa." "Good, umuwi ka na mag-isa may dadaanan pa ako." Sumakay siya sa kotse niya at umalis. Umiling ako habang nakatanaw sa kanya. Sumakay ako ng kotse at umalis na sa university. Dumaan ako sa pinakamalapit na shopping Mall para bumili ng simcard. Pagkatapos ay bumili rin ako ng mga gamit na kakailangan ko sa pag-aaral. Dumaan ako sa park at doon ako nagpalipas ng oras. "Hi! Can I sit down?" "Sure." Umusog ako upang makaupo siya at pagkatapos ay muli kong pinagmasdan ang mga tao sa paligid. “Excuse me, are you Filipina?" Saka ko lang pinagmasdan ang babae na umupo sa tabi ko. Nasa edad trenta na siya, kahit makinis at maputi ang balat niya ay mahahalata mo na Filipina siya. "Yes, Why?" Huminga siya ng malalim."Mabuti naman at may nakakausap na akong kalahi ko rito kanina pa ako naghahanap ng makakausap." Pilit akong ngumiti sa kanya pagkatapos ay tumingin ako sa paligid. Maraming mga foreigner pero may mga Filipino naman akong nakikita sa paligid. Sa halip na kausapin ko siya ay tumayo ako. "Miss, ako nga pala si Stella." Tinitingnan ko ang kamay niyang nakalahad. Marahil ay gusto niyang makipag-shake hands sa akin. "My name is Bella," tugon ko sa kanya. Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya. "Wait!" tawag niya sa akin. Lumapit siya sa akin. "Gusto mo ba ng Ice cream? Ililibre kita." Sinusok ko ang mga kamay ko sa suot kong pantalon. "Sorry, Miss. Kailangan ko ng umalis baka hinahanap na ako ng amo ko. Tumakas lang ako nang lumabas sila," pagsisinungaling ko. Ayokong tarayan siya kaya gumawa na lang ako ng kasinungalingan para maniwala siya sa akin. "Okay, sorry!" Kumaway ako bilang tugon sa sinabi niya. Nang makauwi ako ng bahay ay alas-sais na ng hapon. Pagbaba ko sa kotse ko ay nag-aabang na sa akin si Tita Shonie at Lola. Hindi maipinta ang mga mukha nila. Lumapit ako kay Lolo. "Good evening, Lola and Tita." "Where have you been?" tanong ni Lola. "Bumili ako ng mga gamit na kailangan ko sa school." Napawi ang inis nila sa sinabi ko lalo nang ilabas ko ang mga pinamili ko. "Bakit hindi ka nagpaalam sa amin? Tandaan mo obligasyon ka namin dito,"wika ni Tita Shonie. "I'm sorry, ngayon pa lang ako bumili ng bagong sim card kaya hindi ako nakapagpaalam." Binitbit ko ang mga pinamili ko papasok sa loob. "Totoo ba ang sinabi ng pinsan mo na tinakasan mo siya?" Habol na tanong ni Lola. Huminto ako at humarap sa kanya. "Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko ang totoo?" Natahimik si Lola sa sinabi ko kaya muli akong tumalikod sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kuwarto. Hindi na ako nagulat sa ginawang pagsisinungaling ni Monica para pagtakpan ang kalokohan niya. Noong mga bata kami ay madalas na siyang magsinungaling para pagtakpan ang kalokohan niya. "Hays! I'm tired." Humilata ako sa kama at tinitigan ang kisame. "Hays! Ang boring na talaga." Kung nasa Pilipinas ako baka ganitong oras ay nasa harap na ako ng mga alak kasama ang mga kaibigan ko at nagsasaya. Ngayon, nandito ako at nakahilata sa kama. Bigla kong naalala ang alak na itinago sa aparador. Bumangon ako upang lumabas para kumuha ng tubig sa kusina. Nang nasa kusina ako ay naabutan ko silang tatlo na kumakain. Hindi nila ako pinansin kaya hindi ko rin sila pinansin. Alam kong ayaw nila akong kasabay sa pagkain kaya ayoko rin silang kasabay kumain. Ni-lock ko ang pinto ng kuwarto ko at uminom ako ng alak mag-isa hanggang sa maubos ko ang laman nito. Nakatulog ako sa sobrang hilo dahil sa dami ng alak na ininom ko. MAAGA akong nagising kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil sa alak na ininom ko. First day ko ngayon sa school kaya kailangan kong maging maaga dahil hindi ako pamilyar sa lugar kaya kailangan kong hanapin ang room na papasukan ko. Pagpasok ko sa loob ay napansin ko ang mga estudyante na iba't-iba ang lahi may mga lalaking lumapit sa akin upang magpakilala sa akin. "Hey! Miss. Beautiful!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi ako lumingon kahit alam kong ako ang tinatawag niya. Ako lang naman kasi ang naglalakad. Alam kong maganda ako pero hindi ako lilingong sa iyo. Nagulat na akong may biglang may humawak sa balikat ko at nang tingalain ko ay nakita ko si Steven. Matamis ang ngiti niya sa akin. "It's nice to see you again." Kumunot ang noo ko. "Ikaw?" Tumango siya. "The one and only handsome Filipino estudent here." Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Huwag mo ngang hawakan ang balikat ko." "Ang Sungit mo talaga." Sinabayan niya ako sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay napansin kong kilala na siya ng mga estudyante sa school. "Matagal ka na bang nag-aaral dito?" "Isang taon pa lang kaya sa akin ka makipagkaibigan." "Hindi ko kailangan ng kaibigan." Nilampasan ko siya ngunit hinabol niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya. "Ituturo ko sa iyo ang classroom mo." "Sandali lang! Huwag mong hilahin ang kamay ko!" "Guys! Meet our new classmate. Bella Sungit," sabi niya nang pumasok kami sa loob ng isang room. Siniko ko siya dahil sa paraan ng pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti naman ako sa mga classmate ko. "Hi! Everyone!" "Welcome to our family," sabi ng isang babae na Filipino rin. "Family?" Pag-uulit ko. Tumango sila. "Dito sa school na ito may iba't-ibang family. Nagiging magka-close ang mga magkababayan." Tumango ako. "That's good." "Kaya nga ako sumali sa family na ito para hindi ako maubusan ng english," sabat ng isang babae. Halos sampu ang miyembro kasama ako at lima rin kaming mga babae. "Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa founder natin." "Sino?" tanong ko. "Si Steven." Sabay-sabay nilang sabi. Kumindat sa akin si Steven nang lingunin ko siya. Umirap ako bilang tugon sa kanya. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa kanya dahil nagkaroon ako ng instant friend sa school. Mabuti na rin iyon at may makakausap ako." Nagsimula ang unang klase sa amin sa pagpapakilala. Halos fifty percent ng mga kaklase ko ay mga Filipino kaya parang nasa Pilipinas pa rin ako. Ang akala ko kapag unang araw ay walang lecture, gano'n kasi sa Pilipinas ang mga school. Ang una at pangalawang araw ay hindi pa kumpleto ang mga estudyante samantalang dito ay nagtuturo na ang mga professor namin. "Oh!" Sabay abot sa akin ni Steven ng vegetable burger at softdrinks. Kakatapos lang magturo ng huling professor namin kaya nakatambay na kami sa stadium para panoorin ang mga nagba-basketball at naglalaro ng tennis. "Thank you, magkano 'to?" Tumabi siya sa akin. "Libre ko na 'yan sa iyo. Unang araw pa lang pinapakita mo na sa amin ang husay mo sa pag-aaral." Kinagat ko ang vegetable burger at tumingin sa naglalaro. "Nandito ako para magtapos ng pag-aaral." "Alam ko." Kumunot ang noo ko nang tumingin sa kanya. "Anong alam mo?" Ngumiti siya. "Alam kong gusto mong magtapos ng pag-aaral. Hindi ka naman mag–e-enroll dito kung ayaw mong magtapos ng pag-aaral." "Psh! Wala kang kuwentang kausap." Tinuon ko ang inis ko sa burger na kinakain ko. Tumawa siya ng malakas. "Bakit ba ang sungit mo? Dapat maging masaya ka dahil nandito ka sa America at nag-aaral. Ang ibang estudyante ay pangarap na makarating rito para mag-aral." Huminga ako ng malalim. "Ipinatapon ako rito ng Mommy ko dahil pasaway ako." Tumawa si Steven. "Hindi halata sa itsura mo na sakit ka ng ulo." "Psh! You don't know me." "Bella…" Tumingala ako sa kanya. "Bakit?" "Can we be friends?" "Okay, I have no choice." Ngumiti siya. "Thank you." "Bukod sa pag-aaral anong dahilan mo kung bakit ka pumunta ng Amerika?" tanong ko sa kanya. Bigla naging seryoso ang mukha niya. "It's a long story." Nagkibit-balikat ako. "Ilang tao pa naman ako rito kaya siguradong malalaman ko rin ang kuwento mo." "Wala ka bang sinalihan na sport?" Pag-iiba niya ng usapan. "Volleyball ang sinalihan ko. Ikaw ba?" "Basketball." Natahimik ako nang bigla kong naalala si Rafael dahil basketball player siya. Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD