HINDI na kinaya ni Belinda ang sakit niya dahil ilang araw mulang nang umuwi ako ay binawian na siya ng buhay. Sobrang nagluluksa kami ni Mommy sa pagkawala niya pero hindi ako puwedeng magtagal sa probinsiya dahil kailangan ko tuparin ang huling habilin ni Belinda. Isang taon lang ako magpapanggap. Pagkalipas ng isang taon kaming dalawa na ni Steven ang magkakasama. Inis na inis ako nang buksan ko ang pinto ng silid ni Belinda. Nandito na ako sa malaking bahay nila. Napag-alaman kong isang model si Belinda kaya gano'n na lang ang galit sa akin ng baklang si Teroy sa pagtuturo sa akin ng pagrampa at paglalakad. Pagbukas ko ng pinto ng silid ay nagulat ako sa nakita ko. Nabitawan ko pa ang cellphone at tumayo ang balahibo ko. Nangunot ang noo ng asawa ni Belinda. "What's wrong?" Ilang