CHAPTER 11

2261 Words

"BELLA!" Nakakunot pa ang noo ni Steven nang buksan niya ang pinto ng bahay na tinitirahan namin. Malabo na ang tingin ko sa kanya dahil sa dami ng alak na ininom ko. "S-Sorry! Nagasgasan ko ang sasakyan mo." Nakangisi ako nang itaas ko ang susi ng kotse. "Nakakalungkot hindi pa ako natuluyan." Naglakad ako papasok pero talagang umiikot na ang paningin ko kaya bumagsak ako. "s**t!" sigaw ni Steven bago niya ako nasalo. Naramdaman kong umangat ang katawan ko at pagkatapos ay dinala niya ako sa kuwarto ko. "A-Alam mo ba ikaw lang ang tao na mabait sa akin?" Ilang beses siyang bumuntong-hininga habang nakatingin sa akin. "Anong ginawa mo? Akala ko ba okay na kayo ng Mommy mo?" Namumungay ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. "I'm not okay! Nasasaktan ako!" Sabay hagulgol ko ng iyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD