JANE'S POV: "GOOD MORNING!" Matamis kong bungad kay Mommy at Daddy. Nasa harap kami ng hapagkainan para kumain ng breakfast. Tumingin sa akin si Mommy. "Where are you going? Bakit ganyan ang suot mo?" Pinagmasdan ko ang sarili. "Am I sexy?" "Psh! Nagdamit ka pa halos lumabas na ang kaluluwa mo. Tinalo mo pa ang mga bayarin babae sa suot mo na 'yan." Iritang sabi ni Mommy. Ngumiti ako. "Ganito na po talaga ang mga sinusuot ng mga kababaihan sa panahon ngayon, kung sexy ka ipakita mo sa maraming tao." Kinuha ko ang kubyertos ko at naglagay na ako ng pagkain sa plato ko. "Magsuot ka ng disente wala ka ng tinago." Binaling niya ang tingin kay Daddy. "Lando, pagsabihan mo nga ang anak mo!" sabi pa ni Mommy. "Hayaan mo na ang anak mo sa mga sinusuot niya dapat nga maging proud ka kasi s