"ARE you okay?" tanong ko kay Bella nang nasa loob na kami ng kotse. Mabuti na lang at tumawag sa akin ang kaibigan niyang si Thesa, para sabihin sa akin na sumugod siya kay Jane. Ang akala ko ay tapos na ang tungkol kay Jane dahil nagkaayos na kaming dalawa. Nakayuko siya nang umiling sa akin. "Galit ka ba sa ginawa ko?" tanong niya. Bumuntong-hininga ako at muli akong tumingin sa kalsada. "Oo, galit ako dahil sa iba ko pa malalaman ang plano mo. Paano kung hindi sa akin sinabi ni Thesa? Kahit anong tapang mo kayang-kaya ka niyang saktan dahil nasa loob ng kumpanya." "Gusto ko lang siyang bigyan ng babala, pero napikon ako sa kanya kaya nasampal ko siya. Iyon siguro ang dahilan para saktan din niya ako. Kasalanan ko dahil nagpadala ako sa galit." "Huwag mo ng uulitin ang bagay na 'yon