BELINDA'S P.O.V "Si Bella ba 'yon?" Nilingon ko si Monica at saka tumango ako. "Oo, si Bella." "Psh! Ang lakas naman ng loob niyang magpakita pagkatapos niyang lumayas. Mabuti na lang at hindi siya nagpumilit na pumasok sa loob ng bahay?" Huminga ako ng malalim. "Nag-usap kaming dalawa tungkol kay Rafael." "Si Rafael 'yung lalaki na hinahanap si Bella?" Tumango ako. "Gusto kong bumalik na siya sa Pilipinas kaya kinausap ko si Bella na sabihin na ang tunay niyang pangalan ay Belinda." Seryoso ang tingin ni Monica sa akin. "May gusto ka ba kay Rafael kaya mo gusto siyang makuha?" Tumango ako. "Yes, gusto ko na siya noong una ko siyang nakita sa masquerade party namin. Hinanap ko siya noon pero bigla siyang nawala. Pagkatapos nalaman kong basketball captain na siya sa team ng kaibigan