MABILIS kong pinunasan ang luha ko habang nakatingin ako sa bintana ng sinasakyan kong eroplano papunta sa Amerika. Hindi na nagbago ang isip ni Mommy bagkus ay pinagtulakan niya akong umalis. Alam kasi niyang hindi ko magagawa ang kalokohan ko sa Amerika.
Pangako hindi ako babalik ng Pilipinas nang wala akong napapatunayan sa sarili ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog. Mahaba-haba ang biyahe papuntang Amerika kaya mas magandang matulog na lang. Ngunit habang nakapikit ako ay sumagi sa isip ko ang ginawa namin ni Rafael.
Rafael Arkillar Velasco.
Paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan niya. Sa unang pagkakataon kasi may lalaking nakakuha ng virginity ko. At hindi llang iyon one night stand dahil naulit pa ito. Biglang nag-init ang katawan ko sa tuwing naalala ko ang bawat halik niya.
Piniling ko ang ulo ko. "Hindi ito puwede!" Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ako ng paborito kong musika hanggang sa makatulog ako.
Nang magising ako ay nagsibabaan na ang mga pasahero ng eroplano. Nagmadali kong kinuha ang maleta ngunit sa pagmamadali ko ay naiwan ko ang isang pouch ko kung saan naroon ang valid Id's ko.
Binalikan ko ito sa loob ngunit hindi ko na ito nakita. "Hays! Kahit sa eroplano may magnanakaw, bwiset!"inis na inis akong lumabas sa eroplano.
"Miss. Ito ba ang hinahanap mo?"
Tumingala ako sa lalaking nagsalita. Halos mangalay ang leeg ko dahil sa tangkad niya. Marahil ay nasa 6'3 feet ang taas niya. Sa height kong 5'4 ay nagmukha akong duwende sa kanya. Napansin ko rin ang mga mata niyang hindi na makita habang nakangiti. Matangos ang ilong niya at katamtaman ang hugis ng mukha niya. Nakasuot siya ng kulay puting hoodie jacket at maong pants na straight cut. Napansin ko ang hawak niya ng pouch.
Teka! akin 'yan ah!
"Sir. Sa akin 'yan! Saan mo nakuha 'yan?"
"Sa loob eroplano. Tuwang-tuwa pa naman ako akala ko pera ang laman mga Id's at ang laman." Binuksan niya ang laman ng pouch. "Woa! Nandito pa ang passport mo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kung hindi ko pala ito nakita ay baka hindi na ako makalabas ng United State.
"Akin na 'yan! Pakialamero!" Inagaw ko sa kanya ang pouch ngunit hindi niya binigay sa akin.
"Hep! hep! Miss. Bella, ang lagay ganun na lang?" Sunod-sunod pa niyang tinaas ang kilay niya. Mabuti na lang at bagay sa kanya.
Nakahalukipkip ako ng mga kamay at tinitigan siya ng masama. "Magkano ang kailangan mo? Sabihin mo na dahil kailangan ko ng lumabas."
Nagkibit-balikat siya. "Sabay hawak sa braso ko.
"Ano ba! feeling close ka!"
"Hindi ba tayo close? sige, simula ngayon close na tayo."
Hinila ko ang kamay ko. "Bitawan mo nga ako!"
Masyadong feeling ang tukmol na ito hindi ko nga alam ang pangalan niya.
"Smile ka sa camera! Baka kapag ako nainis hindi ko ito ibigay sa iyo."
Nakasimangot ako habang naglalakad kami palabas ng airport. Hinayaan ko siyang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko mapigilan ang hindi maasar sa kanya dahil masyado siyang kampante habang naglalakad kami palabas. Kumakanta pa siya na akala mo at siya lang ang tao.
"Huwag ka ngang kumanta ang pangit ng boses mo!" Inis kong sabi. Hindi naman pangit ang boses niya. Naiinis lang talaga ako sa kanya.
"Hindi ko ibabalik ang pouch mo kung hindi ka magsasabi ng tao, Miss. Sungit."
Inirapan ko siya. "Hindi sungit ang pangalan ko."
"Yeah, you're Bella, pero mas maganda kung sungit ang itawag ko sa iyo."
"Whatever!" Sabay irap ko sa kanya.
"Nandito na ang sundo ko. Ikaw nasaan ang sundo mo?" tanong niya sa akin.
Tinaas ko ang kanang kilay ko. "Sabay agaw ng pouch ko sa kanya. Mabuti na lang at binigay na niya ang pouch ko. Nilampasan ko siya at saka nagmadali akong naglakad palayo sa kanya.
"Sandali lang, Bella!" habol ang hininga niya nang maabutan niya ako.
"Bakit ba?"
Ngumiti siya at saka nilahad ang kamay niya. "Ako nga pala si Steven."
Tinitigan ko ang kamay niya. "Alam mo na ang pangalan ko kaya hindi ko na kailangan sabihin."
"Hindi ka ba makikipag-shake hands? Bawal magtaray wala ka sa Pilipinas.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay inilahad ko ang kamay ko. "Nice meeting you."
Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay niya sa akin kaya hinila ko ito. "Salamat." Sabay talikod ko palayo sa kanya. Wala pa ang sundo ko kaya kumain muna ako habang naghihintay. Pagkalipas ng dalawang oras ay dumating ang driver na magsusundo sa akin.
"Where's my auntie?" tanong ko sa driver na nagsundo sa akin. Ang driver nila Auntie ay isang Filipino rin na asawa ng mayordoma nila.
"Nasa salon pa sila ngayon."
Sumimangot ako. Alam naman nilang darating ako ngayon pero ngayon pa talaga sila nagpa-salon. Kung sabagay, inaasahan ko na mangyayari ang bagay na ito dahil umpisa pa lang naman hindi na nila ako gusto. Mas gusto nila si Belinda dahil nagkakasundo sila sa maraming bagay lalo sa style ng damit at mga makeup. Tuwing christmas ay palaging maraming regalong gamit kay Belinda samantalang ako ay dalawang rubber shoes lang."
Ipinikit ko ang mga mata ko nang biglang tumunog ang phone ko. Unknown number ang tumatawag sa akin kaya hindi ko 'yon pinag-aksayahan na tingnan sa halip ay sinandal ko ang likod ko sa dashboard ng upuan ko saka natulog. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko kaya nagising ako. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid.
"Nandito na po tayo sa bahay," sabi ng driver.
Hindi ako kumibo sa halip ay binuksan ko ang pinto ng kotse at nauna akong pumasok sa loob. Binitbit naman ng driver ang dala kong malate. Nang nasa terrace ako ay nagsindi ako ng sigarilyo. Kanina ko pa gustong magyosi. Hindi ko lang magawa dahil baka bawal ang humithit ng yosi sa kalsada.
"Bella!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin at saka tinaas ko ang kilay ko. Lumapit siya sa akin.
"How's your flight?" Nakahalukipkip pa ang kamay ng pinsan kong si Monica. Nakasuot lang ito ng maikling manong short na halos kita na ang singit at crop top na damit. Mabuti na lang at summer dito sa Amerika kung hindi baka kabagin na siya sa suot niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang makeup niyang parang laging handa sa party. Full cover makeup ang ginawa niya.
Sabagay sa makeup ka lang maganda.
Tinaas ko ang kanang kilay. "What do you think?" sarcastic kong sagot.
Imbes na mainis siya ay ngumiti siya sa akin. "Hindi ka pa rin nagbabago magaspang pa rin ang ugali mo. No wonder kung bakit ka pinatalsik sa Pilipinas."
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at saka binugahan so siya ng usok sa mukha niya.
"s**t! Bastos!" sigaw niya.
"Hanapin mo ang paki ko?" Pailalim ko siyang tinitigan pagkatapos ay pinatay ko ang yosi ko sa pamamagitan ng pagkuskos sa dingding.
"Yuck! Kadiri."
Ngumisi ako. "Thank you." Taas ang noo kong nilampasan siya at dumiresto ako sa loob ng malaking bahay. Narinig kong sumigaw sa galit ang pinsan ko pero hindi ko siya pinansin.
"Yaya. Moring!" tawag ko sa katulong.
"Bella!" Tuwang-tuwa siya nang lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit
"Dalagang-dalaga ka na. Ang huling bisita n'yo rito ay buhay pa ang Daddy mo."
"Yaya Moring, saan ang magiging kuwarto ko?" Pagbabago ko ng usapan. Ayoko ng mahabain ang pinag-uusapan namin dahil baka magkaiyakan pa kaming dalawa.
Tumango siya. "Sumunod ka sa akin."
Sumunod ako sa kanya. Nang buksan niya ang pinto ng isang silid sa second floor ay nakita ko na ang maleta ko. Marahil ay dinala na ito ng driver kanina.
"Ito ang magiging silid mo? Ang katabi mong kuwarto ay ang kuwarto ni Monica."
Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko. Naramdaman ko na agad ang malamig na pakiramdam. Malawak siya at may sariling banyo. May maliit na study room ay maliit na sofa. Hindi ko lang gusto ang kulay ng kurtina at kombre kama.
"Ang pangit ng kulay ng kurtina at kobre kama ko."
"Hindi ba't paborito mo ang kulay pink?"
"Si Belinda ang may gusto ng kulay pink."
Natampal ni Aling Moring ang labi niya. "Sorry! Papalitan ko na lang ng ibang kulay."
Umiling ako. "Huwag na po, sayang naman kung hindi gagamitin. Hindi naman masisira ang mood ko sa kulay ng paligid ko."
"Okay, sige, dadalhan kita ng pagkain dito. Mamayang gabi pa uuwi sila Madam."
"Kumain ako kanina habang naghihintay sa sundo ko. At sa sobrang tagal kong naghintay ay marami akong kinain kaya busog pa rin ako hanggang ngayon."
"Okay, sige."
"Yaya. Moring, maraming salamat sa pag-aasikaso sa akin. Gusto ko munang magpahinga dahil napagod ako sa biyahe."
Tumango siya at tuluyang umalis. Nang makaalis na siya ay isa-isa kong nilabas ang laman ng bag at maleta, pagkatapos ay inilagay ko sa cabinet. Unang araw ko pa lang sa bahay ng Lola ko pero nararamdaman ko ng hindi nila ako gusto. Siguro dahil matigas ang ulo ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang tumawag sa akin kanina. Philippines ang gamit niyang number at dahil naka-roaming ang sim ko kaya malaya nila akong matatawagan.
Napansin ko ang inbox ko at nakita kong may tigdalawang message na magkaibang number.
"Nakauwi ka na ba, Miss. Sungit?"
"Nakuha ko ang number mo sa valid Id's mo. Hehehe!"
Sumimangot ako nang mabasa ko ang text na iyon. Kahit hindi siya magpakilala alam kong si Steven ang nag-text at tumawag sa akin. Binasa ko naman ang dalawang text na halos isang araw ko ng natanggap.
"You ran away from me."
"Hahanapin kita at kapag nagkita tayo hindi ka na makakatakas sa akin. You know how much I like you."
Bumili ang kabog ng dibdib ko sa text sa akin ni Rafael kaya inalis ko ang sim card ko para wala ng rason para magkaroon sila ng komunikasyon sa akin. Binuksan ko rin ang social media account ko at lahat ng iyon ay naka-deactivated na. Ayokong malaman ni Mommy na nakipagtalik ako sa hindi ko kilalang lalaki lalong magiging masama ang tingin niya sa akin. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay tuluyan na akong natulog.
ALAS-DIYES ng gabi sa Amerika nang magising ako. Madilim na ang loob ng kuwarto ko. Wala sana akong balak bumangon ngunit nakaramdam na ako ng gutom. Bumangon ako saka binuksan ang ilaw. Dumiretso ako sa banyo para maligo, maghilamos, at mag-toothbrush. Hindi na ako nagsuklay o kaya nagpalit ng damit sa halip ay kinuha ko ang isang stick na sigarilyo at lighter pagkatapos ay lumabas na ako ng silid ko.
Pababa pa lang ako ng hagdan sa first floor nakita ko si Lola at si Tita Shonie na abala sa panonood. Sa harap nila ay may alak.
Alam kong nakita nila akong pababa ng hagdan pero hindi nila ako pinag-aksayahan ng oras para lingunin.
Lumapit ako sa kanila. "Good evening, Lola and Tita," bati ko sa kanila. Nagmano ako sa Lola ko at nakipagbeso-beso naman ako sa Tita ko bilang pagbibigay galang sa kanila.
"Bella, how are you?" Ngumiti sila Lola sa akin.
"I'm good," tipid kong sagot
"Kumain ka muna bago natin pag-usapan ang tungkol sa magiging buhay mo rito," wila ni Tita.
Tumango ako sa kanya at tumalikod.
Psh! Ayoko rin sa inyo!
Nakasimangot ako nang pumunta sa kusina. Mag-isa akong kumakain tulad nang nasa Pilipinas ako kaya hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam.
"Infairness naman sa kanila masarap ang luto nila rito."
Dahil mga filipino rin ang kasambahay nila Lola kaya filipino foods din ang luto nila. Hindi ko na kailangan magsalita ng english dahil halos lahat ng nasa paligid ko ay Filipino. Ito ang isang bagay na nagustuhan ko sa bahay ng lola ko. Mas pinili nilang Filipino ang kasambahay nila.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako at nagsindi ng sigarilyo.
"Nagsisigarilyo ka?"
Mabilis kong pinatay ang yosi ko ay sinipsip ang candy ko.
"T-Tita Shonie!"
Nameywang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Huwag mong itago bago pa kita punahin ay nakuhanan na kita ng video na naninigarilyo."
Inirapan ko siya. "Ano po ba ang kailangan n'yo?" Inis kong tanong sa kanya.
"Pinapatawag ka ni Mommy." Pailalim niya akong tinitigan. "Bago ka humarap kay Mommy mag-toothbrush ka muna. Allergy siya sa usok ng sigarilyo." Pumihit siya pataliko at umalis.
"Psh! Arte!" bulong ko.
Naghanap ako ng toothbrush sa kusina. Nasa loob kasi ng kuwarto ko ang toothbrush ko. Hindi naman ako puwedeng umakyat dahil madadaanan ko si Lola.
"Ayun!" Hindi lang isa ang stock nilang toothbrush kung hindi halos sampu ito. Marami rin silang stock na mouthwash kaya kumuha na ako para siguradong hindi ako maamoy ni Lola.
Pagkatapos ng sampung minuto ay lumapit ako kay Lola. Naroon rin si Tita Shonie.
"Lola, Anong pag-uusapan natin?"
Tumingin siya sa akin. "Do you know why your mom sent you here?"
Tumango ako. "Alam ko naman na naging pasaway ako sa kanya kaya gusto niyang alisin ang sakit ng ulo niya."
"Mabuti naman kung gano'n. Ngayon alam mo na kailangan mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo rito?"
Tumango ako ako. "Puwede ba akong mag-request?"
Nagkatinginan si Lola at Tita Shonie. "Ano iyon?"
"I want to rent a house and find a job here. Gusto kong gawin iyon habang nag-aaral ako."
Tumawa sila ng malakas kaya nainis ako. "You can't do anything you want. You won't leave this house until you graduate from college."
"Kapag mataas ang naging grades ko sa loob ng isang taon papayagan n'yo na ba akong umalis?"
Tinaasan ako ng kilay ni Tita. "Bakit ba gusto mong umalis? Hindi ka pa masaya? Wala ka ng ibang iisipin kung hindi ang pag-aaral mo na lang."
"Nagpapasalamat ako sa tulong n'yo sa akin pero gusto kong maging independent. Nandito na rin ako sa ibang bansa bakit hindi ko iyon gawin. Mas ma-appreciate ko ang bawat sentimo ng winawaldas ko kung galing sa pawis ko ang kinikita kong pera."
"Well, kung si Belinda ang magsasabi niyan maniniwala kami pero ikaw si Bella. Sa dami ng pinangako mo sa Mommy walang natupad. Paano kami maniniwala sa iyo?" Pagtataray ni Tita.
Kuyom ang kamao ko sa inis. Hindi talaga nila ako pinagkakatiwalaan.
"Ipakita mo muna sa amin na karapat-dapat ka namin pagkatiwalaan bago mo ulit kami kausapin tungkol sa gusto mong mangyari. Sa ngayon ay nasa poder ka namin at wala ka ng magagawa kung hindi ang sumunod sa amin. Mag-aaral ka ng mabuti at iiwas sa barakada lalo sa mga bad influence," wika ni Lola.
Tumayo ako. "Matutulog na ako." Putol ko sa ibang sasabihin nila.
Inis na inis akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. "Ito ang gusto ni Mommy. Ang hindi ko magawa ang gusto ko habang nasa Amerika ako.
"Nakakainis talaga!"
Papatayin ko sana ang ilaw nang marinig kong kumakatok si Tita Shonie. Ayoko sanang buksan ngunit siguradong mahahalata niyang galit ako sa kanya. Hindi ko naman kasi puwedeng idahilan na nakatulog agad ako dahil wala pang sampung minuto nang matapos kaming mag-usap.
Binuksan ko ang pinto at pilit akong ngumiti. Ilang taon ko na yatang gagawin ang pekeng ngumiti sa harap ni Tita Shonie.
"Bakit Tita?"
"Kausapin mo ang Mommy at si Belinda." Sabay abot niya sa akin ng phone.
"Thanks, Tita."
Binigay niya sa akin ang phone niya.
"Bakit hindi mo tinawagan ang Mommy mo nang dumating ka?"
"Nakatulog agad ako pagdating ko. Napagod kasi ako sa biyahe," alibi ko.
Tumalikod ako sa kanya at kinausap ko si Mommy at Bella. Naka-video call sila kaya nakita ko ang mukha nila.
"Bella, anak, kumusta ka na diyan? Bakit hindi ka namin matawagan?" Bakas sa mukha ni Mommy ang pag-aalala.
"Tinanggal ko ang sim ko at binura ko at nag-deactivate ako ng social media account. Bakit kayo tumawag?"
"Kambal, gusto lang namin malaman kung safe ka na nakarating diyan sa bahay ni Lola," wika ni Belinda.
"Nakakausap n'yo ako kaya ibig sabihin safe ako. May iba pa ba kayong sasabihin?"
"Bella, galit ka ba sa akin?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Mommy sa halip ay pinutol ko na ang tawag niya. Ayokong makipag-usap sa kanya dahil ayokong dagdagan ang inis na nararamdaman ko ngayon.
"Tapos na kayong mag-usap ng Mommy at kapatid mo?" takang tanong ni Tita.
"Bukas na lang kami mag-uusap ulit dahil masakit ang ulo ko," alibi ko.
Bumuntong-hininga si Tita. "Hays! Ang tigas talaga ng ulo mo."
"Good night, Tita."
"By the way, sasamahan ka pala ni Monica sa school na bago mong papasukan. Pasalamat ka na lang talaga ay may bagong university na ginawa rito. Hindi pa sila mahigpit sa mga estudyante kaya pinapayagan pa nila ang mga pasaway na estudyante na mag-enroll sa school."
"Okay, thanks!" Umirap ako nang tumalikod ako sa kanya. Hindi ko talaga kayang maging mabait lalo na kung si Tita Shonie ang kausap ko.
Sa sobrang inis ko ay hindi ako dalawin ng antok. Dahil siguro nakatulog na ako kanina kaya wala na akong maitulog ngayon.
Alauna na ng madaling araw rito at tulog na silang lahat. Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto ko at naghanap ako ng alak sa kusina.
"Bakit kaya wala ng alak rito?"
Pumasok ako sa isang silid at binuksan ko iyon. Pagbukas ko ay napanganga ako sa nakita ko. May minibar na pala sila sa groundfloor at nandito ang iba't-ibang imported na alak. Kumuha ako ng isa at lumabas na ako. Wala akong balak na uminom doon kahit maganda roon. Ayokong mahuli nila akong umiinom. Kumuha ako ng malamig na tubig at baso at chichirya na pulutan pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng silid ko. Nagsindi ako ng sigarilyo at uminom mag-isa. Habang umiinom ako mag-isa ay nanonood ako movie na may halong erotica. Habang nanonood ako ay bigla ko naman naalala ang ginawa namin ni Rafael.
Kinapa ko ang tiyan ko. "Huwag naman sana akong mabuntis katulad ng babae sa movie."
Pinagpatuloy ko iyon hanggang sa makaramdam ako ng antok. Nilagay ko ulit sa box ang alak at binalot ko ng plastik pagkatapos ay nilagay ko sa loob ng aparador ko para hindi nila makita na umiinom ako ng alak. Hinugasan ko ang shot-glass at nilagay ko sa loob ng bag ko. Iniwan ko lang sa ibabaw ng lamesa ang isang pitsel at baso para isipin nila na nauhaw lang ako. Nang maayos ko na ang lahat ay nagsimula na akong matutulog bukas ay panibagong simula ng buhay ko sa Amerika.