[Yami's pov] Sabado ngayon kaya nakatoka akong linisin ang buong mansyon. Inilalaan ko talaga ang Sabado sa paglilinis ng buong mansyon dahil kakailanganin ko ng isang araw para malinis ito. "rise and shine Yami!" masaya kong sabi Agad ako nagtungo ng kusina at nagluto ng umagahan ni master. Laking pasasalamat ko talaga kay Ally dahil kahit prito lang ay kaya ko na! Mukhang nagulat pa nga si master ng makita ang luto ko. Kaya ngumiti lang ako ng malapad sa kanya at doon ay nagsimula na naman siya sungitan ako. "sure ka na ikaw nagluto nito?" tanong niya "yes master! Sure na sure!" "siguro naubos ang gas kaya hindi mo nasunog" komento ni master "hindi ah!" depensa ko "sa dekuryente kaya ako nagluto" Tila hindi naman mapakali si master sa kanyang pagkakaupo. "may problema ka?" tano