[Yami's pov] Sa wakas natapos rin akong maglinis. I'm so proud dahil natapos ko. Napalundag ako ng malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang nakakunot na noong master ko. Itsura niya ay parang may nakaaway siya. "welcome back master?" alinlangang salubong ko sa kanya Mahirap biruin ang taong badtrip baka mamaya ako ang masuntok. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "anong nangyari sa iyo?" tanong niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa "bakit?" tanong ko Hinila niya ako at dinala sa harap ng isang salamin O_____O Nyaaaay! Ang dungis dungis ko! Ito ang resulta sa buwis buhay kong paglilinis ng mansyon. "tss maligo ka na nga at ang baho mo na rin" taboy sa akin ni master Dali dali naman ako nagtungo sa banyo ng aking kwarto. Paglabas ko ay nagul