Chapter 7

969 Words
[Yami's pov] "waaaah!" bulahaw ni Shia sa akin Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya. Masikreto rin ang babaeng ito. Tsk! "baka naman kaibigan lang talaga" sabi ko "Yami! Ang ganda nung babae!" umiiyak na sabi ni Shia "palagay mo ang lalaki ay kakaibiganin lang ang ganoon?" Naramdaman kong may tumabi sa akin. Sino pa ba? E di ang aking fake boyfriend. "what's her problem?" bulong ni Nigel sa akin "niloko raw ng manliligaw niya" bulong ko pabalik Inabutan ko ng tissue si Shia dahil lumalabas na ang sipon niya sa iyak. "Shia, lalaki lang iyan hindi dapat iyakan" nakairap kong sabi "kapag ikaw niloko ni Nigel at umiyak sa harapan ko. Pagtatawanan kita Yami" masungit na sabi ni Shia As if naman iiyakan ko si Nigel. "hoy huwag mong lasunin ang isip ng girlfriend ko!" natatawang sabi ni Nigel saka umakbay pa sa akin "loyal ako diyan" Napairap naman ako kay Nigel. Tignan natin yang loyal mo kung bumalik si Alona. Hahaha! Tatawanan kita Nigel! "waaah! Nakakainis ka Yami! Bakit ang swerte mo kay Nigel!" nagpapadyak si Shia habang sinasabi iyon Nagkibit balikat na lang ako. Nang makaramdam ako ng gutom ay tumingin ako kay Nigel. "tsk! Alam ko iyang tingin na iyan. Gutom na naman ang dragon mo" iiling iling na sabi ni Nigel pero kusa na siyang tumayo at umorder ng pagkain Iyan ang gusto ko kay Nigel. Libre ang pagkain ko. Hahaha! Biglang nagpoker face si Shia ng may tumabi muli sa akin. Nagulat ako ng makita ang malaking eye bags ni Kenji. "Shia naman let me explain!" sabi ni Kenji Nagulat ako sa natuklasang kong rebelasyon. Nagpalipat lipat tuloy ako ng tingin sa dalawa. "so ikaw pala" seryosong sabi ko kay Kenji Namula naman ang mukha ng dalawa sa sinabi ko. "kaibigan ko lang talaga si A----" napatigil si Kenji ng dumating muli si Nigel "who?" Nagtataka namang umupo si Nigel sa tabi ko. "tignan mo na!" gigil na sabi ni Shia kay Kenji "hindi niya masabi!" "aissh! kaibigan ko lang talaga siya!" paliwanag muli ni Kenji Naramdaman ko may sumisiko sa akin at sumenyas si Nigel na iwanan na namin ang dalawa. Pasimple namin iniwanan ang dalawa. Nakasalubong namin si master pero masyado itong seryoso at hindi man lang kami napansin. "mukhang tayong dalawa na naman ang magkakasama ngayon" sabi ni Nigel "I think so" sabi ko Pumunta kami sa tambayan ng school prince. Nakakapanibago dahil wala ang iba. "nag-aalala na ako kay master. He is acting weird lately" sabi ko kay Nigel "paano mo nasabi?" nakangising sabi ni Nigel "laging ang lalim ng iniisip" sabi ko "tulad kanina hindi man lang tayo napansin" Napangiti na lang si Nigel. *** [Kenji's pov] "Shia..." tawag ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako nililingon >____________< Nasa tapat kami ng mga underwear. "regaluhan mo ng boxer shorts para maiba naman" palusot ko Lalong namula ang mukha ni Alona. Hahahaha! "just kidding" sabi ko kay Alona "naman e!" namumulang sabi ni Alona "kainis ka!" Tinalikuran niya ako saka humakbang muli siya pabalik kung saan kami galing. O____O "Alona!" tawag ko at agad na iniharap sa akin Sh*t! Bakit nandoon sina Yami sa tapat ng balak bilin ni Alona. Kita ko na hawak ni Yami ang damit at tinapat ito kay Nigel. "mabuti pa iba na lang ang bilhin mo...katulad ng relo! Mahilig di ba si Nigel magrelo" sabi ko kay Alona Kumunot naman ang noo ni Alona pero I have the feeling na nacoconvince ko na siya. "tsk! Fine" sabi ni Alona at naunang pumunta sa side kung saang may mga relo. "you really think Nigel will like this?" tanong ni Alona habang nakatingin sa mga relo "of course" sabi ko at sumilip kung nasaan sina Yami Buti na lang ay palabas na sila ng department store. Bumili si Alona sa mga nagustuhan niya doon. "excited na ako makita si Nigel!" masayang sabi ni Alona *sigh* Nagpaalam rin pagkatapos namin kumain si Alona. Natapos ang pagkikita namin na hindi ko nasabi ang tungkol kay Yami at Nigel. Aaargh! Bakit ba ako ang namomoblema e problema ito ni Nigel! Ayoko lang masaktan si Alona dahil parang ko na rin siyang kapatid. At ayoko ring masaktan si Yami dahil sa...magkasabay kaming lumaki! "welcome back master!" nakangiting bungad ni Yami *dug dug dug dug* What's wrong with my heart? "yeah" sabi ko na lang at mabilis na nagtungo sa aking kwarto Bakit tuwing nakikita ko si Yami ay nagiging abnormal itong t***k nito? Aaarghh! Mababaliw na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD