Chapter 6

795 Words
[Yami's pov] Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng friendly date namin ni Nigel. Simula rin ng araw na iyon ay bumalik sa pagiging masungit si master. Dahil excuse kami sa klase ay naisipan ko na lang pumunta ng mall at maggrocery. Mauubos na kasi ang stock ng instant noodles namin sa mansyon. *boogsssh* "sorry Miss" paumanhin ko sa babaeng nabangga ko rito sa mall. Kasi naman Yami tumingin ka dinadaanan mo at hindi iyong kung anu-ano ang iniisip mo "I'm okay" nakangiting sabi niya saka tumingin sa basket ko "you eat all that?" Nahihiya akong tumango. "alam mo mas maganda pa ring kumain ng mga lutong pagkain kaysa sa instant food" sermun sa akin ng babae "oops! Sorry masyado yata ako nangingialam" Ngumiti lang ako. Namula agad ang mukha niya sa sobrang hiya. "sorry talaga miss" sabi niya saka pinalo ang bibig niya. Feeling ko nakita ko na siya kung saan. Sa totoo lang para akong nakikipag-usap sa isang buhay na mannequin. "no its okay. Tama naman talaga ang sinabi mo kaso... Aisssh! Nakakahiya!" sabi ko sabay kamot sa ulo "...hindi kasi ako marunong magluto" O____O____< Bigla niya binalik ang mga kinuha kong instant food. Tinignan ko siya habang isa-isa naglagay ng mga fresh meat sa aking basket. Palipat lipat lang ako ng tingin sa basket ko at sa kanya. Hinila niya ako sa counter. Naku! Sa dami ng kinuha niya mukhang hindi aabot sa budget ko. "don't worry, ako bahala" sabi niya sabay wink sa akin Hinila niya ako kung saan sa mall. Teka parang para sa office yata ito ng may-ari ng mall. "tara dito tayo" nakangiting sabi niya at hinila ako sa papunta sa isang napakalaking kusina "tamang tama! Plano ko talagang magluto ngayon at dahil nandito ka tuturuan na din kita" excited niyang sabi "by the way I'm Ally" dagdag niya sabay lahad ng kamay niya "Y-Y-Yami" utal kong sabi at nagkipaghandshake Tinuruan niya ako ng mga basic. Tulad ng pagpriprito, steam at kung anu-ano pa. "hindi ba masyadong marami ang niluto natin?" tanong ko ng makita ang napakarami naming niluto "ipagbabalot kita tapos yung iba ipapakain natin sa mga staff sa baba" nakangiting sabi niya "I can't wait to see their smiles on my food" Hay. Napakabait naman ni Ally. Hindi pa niya ako lubos na kakilala pero nagtiwala agad siya sa akin at dinala rito. "Ally, saan ka napasok?" tanong ko Hindi naman mukha kaming nagkakalayo ng edad. Ngumiti siya. "ang totoo kahapon lang ako dumating galing States " sagot niya O____O "aaaah..." tanging nasabi ko na lang "papasok ako sa Monday sa Phi University" dugtong niya "and I'm really excited dahil mamemeet ko na rin ang taong matagal ng nag-iintay sa akin. After two years kong pagtitiis! at last!" "same school pala tayo e!" nakangiting sabi ko "pakilala mo sa akin kapag nagmeet na kayo" "oh really? Kyaaa!" tuwang tuwang sabi niya "sure!" Pagkatapos nun ay nagbigayan kami ng number. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Tapos natuto na rin ako magluto kahit papano. "I'm back!" sigaw ko pagkapasok ng mansyon Si master naman ay pabalik balik ng lakad sa living room. "sh*t! nandito na siya!" bulong niya at sinabunutan ang sarili "what should I do? Siguradong g**o ito!" Lumapit ako sa kanya saka siya kinulbit. "master?" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya nararamdaman ang presensiya ko Tsk! Buti pa iwan ko muna siya. Nilabas ko ang luto namin ni Ally kanina. Hmmm...amoy pa lang nakakagutom na. "Y-Y-Yami? Kanina ka pa?" gulat na tanong ni master na mapansin ako "yes master! Kanina pa ako kaso mukhang malalim yata ang iniisip mo. May problema ka ba master?" tanong ko Umiwas ng tingin si master sa akin. "w-w-wala!" iwas tinging sagot niya Lumapit siya at tinignan ang dala ko. Napakunot ang noo niya ng makita ang dala ko. "saan mo nakuha iyan?" tanong niya habang titig na titig sa pagkain "hmm...bigay ng isang kaibigan" nakangiting sagot ko Tumango-tango lang si master. *** [Kenji's pov] O____O Totoo ba itong nakikita ko? S-S-S-Si Alona?!? "hello Ken!" bati niya sa akin "long time no see!" Sh*t! Holy sh*t! Paano na ito? Patay kang Nigel ka! "h-h-h-hi..." kinakabahang sabi ko "mas gumanda ka ngayon" puri ko Namula naman ang mukha niya. "hindi ka pa rin nagbabago Ken! Bolero ka pa rin" nahihiya niyang sabi "si Nigel? Kasama mo?" tanong niya Patay! Hinahanap na niya si Nigel! "Kenji?" napalingon ako sa tumawag sa akin. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Alona. Nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya. Masyado ako nilamon ng takot sa pagkikita nila ni Nigel. "Shia, she's Alona a friend of mine" pakilala ko kay Alona Kumunot naman ang noo niya. "Hi" magiliw na sabi ni Alona Lumapit si Shia sa akin. "hindi pa kita sinasagot nambabae ka na!" inis niyang bulong "I'm not!" depensa ko Inirapan ako ni Shia saka siya nagwalk out. "mukhang wrong timing yata ako" nahihiyang sabi ni Alona habang nakatingin sa papalayong si Shia "hehehe! Pasensiya na Alona!" sabi ko saka hinabol ang selosang babaeng iyon Mga babae nga naman. Hay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD