[Yami's pov]
*aaaachhhoooo*
Kainis! Mukhang sinipon pa ako.
"okay ka lang ba?" tanong ni Nigel
Ngumiti naman "okay lang" sabi ko
"ano ba kasi ginawa mo at sinipon ka?" tanong ni Nigel at inabutan ako ng gamot sa sipon
"baka antukin ako nito" sabi ko
"mas mabuti na magpahinga ka muna bago tayo magdate" nakangiting sabi ni Nigel
Ngumiti ako saka ininom ang gamot.
Nandito kami sa isang bench sa park habang ang iba ay masayang naglilibot ay ako naman ay bahing ng bahing. Nang makaramdam ako ng antok ay sinandal ako ni Nigel sa kanyang balikat. "tulog ka muna" nakangiting sabi ni Nigel saka kinuha ang libro niya sa bag.
Nabalot na ako ng kadiliman pagkatapos.
***
[Nigel's pov]
Mukhang nakatulog na si Yami. Hindi ko naman pinaglalaruan si Yami. Sa halip ay tinutulungan ko siya para pahalagahan siya ni Yuukito.
I know Yuukito is inlove with her pero in denial pa ang kaibigan ko. Maybe his parent also know that.
Di ba may kasabihan na malalaman mo lamang ang halaga ng isang bagay kung gamit na ito ng iba.
I'm doing them a favor.
Saka I'm already inlove to another girl. Hinihintay ko lang ang kanyang pagbabalik.
Hinanap ko ang picture sa aking paboritong libro. Mga ilang beses ko na ring nabasa ang librong ito. Napakasentimental nito dahil bigay ito ni Alona. The only girl for me.
"kailan ka ba babalik?" bulong ko habang nakatingin sa babaeng nasa litrato
Tila nagising naman si Yami at nagulat siya sa larawang hawak ko. Alam ko na naging salbahe ako ng makita niya ito. I treasure this picture kaya siguro ganoon ang naging reaksyon ko. Dagdagan mo pa na sobrang miss ko na ang babae sa picture.
"she's Alona" sabi ko kay Yami
Tila nagulat siya sa sinabi ko
"And I love her" nakangiting sabi ko
Nakita ko na ngumiti rin pabalik sa akin si Yami. "nasaan siya?" tanong niya
"nasa States siya" sagot ko saka napasimangot "tutol ang magulang niya sa relasyon namin kaya ayun pwersahan siyang dinala doon"
Naging malungkot ang mga mata ni Yami sa sinabi ko. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya saka ginulo ang buhok niya.
Napakunot ako ng noo ng may napansin kakaibang lalaking nakashades sa hindi kalayuan
*smirk*
As expected.
Time to start the show.
"mukhang okay ka na" nakangiting sabi ko "pwede na ba natin simulan ang date?"
"I'm feel better na" nakangiting sagot niya
Inalalayan ko siyang tumayo. Hinila ko siya sa streetfood side ng park.
"kakain tayo nito?" tuwang sabi ni Yami "matagal tagal na rin ako hindi nakakain nito"
Napangiti naman ako. Maliit na bagay ay napapaligaya ang babaeng ito. Hay Yuukito...kailan ka kaya magigising?
"say aaaah" sabi ko kay Yami at inakmang isusubo ang isang kikiam
"aaaah" tuwang sabi naman ni Yami
Siguro kung wala akong Alona hindi malabong mainlove rin ako sa kanya.
Marami rami rin kaming nakain dahil halos maubos namin ang tinda ng tindero.
"tara sa magboat ride naman tayo" sabi ko kay Yami saka siya hinawakan sa kamay
Kita ko na napatayo ang lalaking kanina pa kami na pinapanuod.
Inakbayan ko si Yami habang naglalakad kami papunta ng boat.
"kuya sasakay po kami" sabi ni Yami sa lalaking nagrerent ng boat
Agad ko inabot ang bayad ng hindi makapaghintay na sumakay si Yami.
"huwag kang malikot Yami baka tumaob iyan" saway ko sa kanya dahil tuwang tuwa siya pagkasakay ng boat. Mukhang first time niyang sumakay rito
Nang medyo kumalma siya saka ako sumakay ng boat. Sinubukan ni Yami magsagwan pero hindi kami umaandar.
"ako na" prisinta ko saka inabot ang sagwan sa kanya
"yippppieee!" masayang sabi ni Yami habang tuwang tuwa sa scenery habang nasa kalagitnaan kami ng lake
Pero napakunot ang noo niya ng may makita sa likod ko.
=_____=
Mukhang nakita na rin niya si Yuukito.
"why he is here?" kunot noong bulong ni Yami
"act like you don't see him" sabi ko
"alam mo?" gulat na tanong niya
Tumango ako saka ngumiti
"protective master huh" nakangising sabi ko
*ting*
"come near" nakangising sabi ko kay Yami
Naguguluhan man ay sumunod pa din si Yami
Binaba ko ang sagwan sa gilid.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Yami
"h-h-hoy a-a-anong ginagawa mo?" utal na sabi ni Yami
Nilapit ko lalo ang mukha ko kay Yami mula sa view niya alam ko iba ang iniisip niya sa ginagawa namin
*tugssh*
"kyaaaa"
Muntikan mahulog si Yami ng may bumangga sa bangka namin buti na lang ay agad ko siya nahawakan.
Tinignan ko ng masama ang lalaking bumangga ng aming bangka. Patay malisya naman siya nagsagwan palayo.
"anong problema ni master?" inis na sabi ni Yami at ang sama ng tingin sa lalaking nagsasagwan palayo
Napailing na lang ako. Si Yuukito talaga.
"ayos ka lang Yami?" tanong ko kay Yami
Tumango naman siya saka ngumiti.
***
[Yami's pov]
Hindi ko akalaing mabait pala itong si Nigel. Pero huwag kayong mag-alala hindi ko siya type. I can say pwede kami maging magkaibigan. He is like a brother to me.
Ilang oras man kami nagkasama ay nakita ko kung paano siya mag-alaga. Hay...sana bumalik na si Alona para maging tuluyang masaya nasi Nigel.
"anong iniisip mo?" tanong ni Nigel "natutunaw na iyang ice cream mo"
Ngumiti ako saka kinain ang ice cream.
"hinihiling ko lang na maging masaya ka na" sabi ko "na sana bumalik na siya"
Nilagay na naman niya ang kamay niya sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko. Malimit niyang gawin iyon. Minsan iniisip ko tuloy kung mukha ba akong aso.
Hinatid niya ako sa sakayan ng taxi. Sinaulo pa nga niya yung plate number kung sakali raw may nangyari sa akin.
Masaya akong pumasok ng mansyon ni master. Nakita ko na naman siyang nakaupo sa sofa at malalim ang iniisip.
"I'm back master" nakangiting bungad ko kay master
Tinignan niya lang ako.
"how's your date?" seryosong tanong niya
=_____=
As if hindi niya alam e nakabuntot siya buong araw sa amin ni Nigel. Magdidisguise na lamang e yung halata pa. Tsk!
"good" nakangiting sabi ko
Lihim naman bumulong si master.
"may sinasabi ka master?" tanong ko
"wala!" inis niyang sabi at padabog na umalis