Kabanata 6

2073 Words
KABANATA 6 MYCA’S POV We waited for Ace to finish. Mukhang na-enjoy niya ang ginagawa niya dahil medyo tumagal siya sa baba. He seems to be good at this. Baka dati na siyang diver o nakahiligan na niya ang pag-s-scuba diving kaya nagagawa niyang tumagal nang ganun na lang. I think he have surpassed my previous record. I don’t think I will be able to hold on that longer. Malaki kasi ang nagagamit ko sa gas ng tank ko kaya hindi ako nakakatagal na manatili sa pinaka-ilalim. Pero siya ay mukhang ilang taon na itong ginagawa. “Nandito na si Sir, Ma’am,” pagbibigay alam ni Chid nang matulungan nilang umahon si Ace. Umaliwalas naman ang mukha ko. Nakapagpalit na ako at medyo tuyo na ang buhok ko kaya naman ay lumapit ako kay Ace. Inabot niya ang tuwalya kay Wil. “You didn’t mention that you are good at diving, Ace. Tumagal ka pa sa baba,” ani ko na may halong pagkamangha. Napakamot siya sa kanyang batok. Isinabit niya lang ang tuwalya sa kanyang leeg at hinarap ako nang buo. “One of my hobbies is diving actually. I just enjoyed the whole view underwater then I tried to save more of my gas so I have stayed longer than I have expected. Akala ko ay mas mahuhuli ka sa pag-ahon,” sagot niya sa akin. Umiling ako agad. “Kahit pa inaasahan kong magtatagal ako ay hindi ganoon katagal tulad sayo.” “Sus, baka nga mas magaling kang sumisid kaysa sa akin.” He flashed a smile. Napakurap ako. Nakakasilaw naman ang mga ngiti niya. Tumikhim ako at patagong ngumiti. I guess I really need to try my best and ask him out. Wala na akong kilala pang ibang lalaki na komportable ako sa kanya kapag kausap ko. Pero hindi kaya umayaw si Ace? “Ian, did you enjoy it?” baling niya sa pinsan niya na tahimik kaming pinapanood. “Yeah. Maybe I will come back next time to try it again…” medyo wala sa sarili niyang sagot. Natahimik si Ace. He glanced at me. Ngumiti ako nang hilaw. Inangat niya ang kamay niya at sinimulang patuyuin ang buhok niya gamit ang tuwalya. “Should we continue to our next activity? Total ay nandito rin naman tayo ay mas magandang mangisda tayo tulad ng gusto ni Ian,” sambit ni Ace. Tumango ako agad. Anything they want. Nandito lang naman ako para samahan sila at ayain si Ace kung may pagkakataon ako. Inutusan ko agad si Chid na lumiko na at tumigil sa bandang kaliwa kung saan magandang mangisda. May ibang mga turista na nandito sakay ang isa pang yate. Maraming mga babae ang nandoon at lahat sila ay napalingon sa amin nang tumigil ang yate namin sa tapat nila. They are actually preparing for a fishing contest. We offer that here to encourage the customers join the contest and enjoy themselves. At syempre, may reward ang may maraming mahuhuli. “Hi, girls!!!” pagpapapapansin ni Ian sa mga babaeng mukhang kanina pa siya tinitignan. He even winked at them, There are ten girls and eight men on the other yacht. Mukhang taken na ang karamihan sa kanila dahil nang tumili ang mga babae sa kilig ay nagalit ang iba sa mga lalaking kasama nila. Napailing na lamang ako. In fairness, hindi naman siguro magpapapapansin ang isang ito kung alam niyang pangit siya. I don’t say that he is handsome but mostly, men like him who wants girls attention has something to be proud of… at least for their appearance. Pero hindi ba masyadong mayayabang ang mga ganoong tao? Oh Myca, kaya kailangan mong mag-ingat o awatin ang sarili sa mga ganyang klaseng tao eh. They are no good for you. “Ma’am, sasali ka ba sa pangingisda? Ihahanda ko ang paborito mong pamingwit,” agaw ni Wil sa atensyon ko. Hindi ako nakasagot agad dahil pinapanood ko kung paano magpacute ang mga babae kay Ian na tuwang-tuwa naman sa kanyang natatanggap na atensyon. Hindi dapat ako naaapektuhan. Wala dapat akong pakialam kung maisipan pa ni Ian na bumaba sa yate namin at doon sumali sa kabila dahil mukhang sanay na sanay na talagang kasama ang kahit sino at maraming babae. “HI, IAN! YOU ARE MORE HANDSOME IN PERSON!” sigaw ng isa sa mga babae. My eyes rolled automatically. Mukhang single ang isang iyan dahil walang sumita sa kanya sa mga lalaking kasama nila. Bagay sila ni Ian. Paano ko nasabi? I just feel so. “Ma’am, galit ka po ba sa akin?” Napatingin ako kay Wil nang magsalita siya. Agad akong humingi ng pasensya sa kanya. Akala niya siguro ay siya ang iniirapan ko. “Take out my favorite fishing rod. I want to enjoy myself and accompany Ace. Iyon naman ang ipinunta ko rito,” sagot ko sa kanya. Umalis si Wil para gawin ang utos ko. Nagpapalit pa si Ace kaya umupo na muna ako para hintayin siya. kahit na naririndi na ako sa mga tili nila ay pinigilan ko ang sarili ko na hindi bugawin si Ian dito sa yate namin. “Hey! You seem so proud of yourself, man! I challenge you for a fishing competition!” narinig kong hamon sa kanya ng isa sa mga lalaki. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanilang gawi. Some of them are looking at me. I gave them my cold look and waited for Ian’s reply. Iyan ang napapala niya. Ang hilig talaga sa mga babae ng isang ito! “You are one kind of a playboy and a daring man. You are with your girlfriend yet you are trying to steal our girls’ attention!” singit naman ng isa pang lalaki. Nagpalinga-linga ako. Ilang beses ko pang tinitigan si Ian at sinuri nang maayos ang magkabilang gilid niya para tignan kung may kasama ba siyang babae na hindi ko lang nakikita pero saka ko lang napagtanto na mukhang ako ang tinutukoy nila nang maalaala na ako lang naman ang babaeng nandito sa yate namin. Unless they can see a ghost woman! Napataas ang kilay ko. Did just they mistook me for Ian’s girlfriend? YUCK! “Oh you are wrong. She is not my girlfriend yet,” Ian replied using his arrogant tone. Napatayo ako dahil sa kanyang sinabi. I was alerted. Did I haer him wrong? Ano daw? Yet? YET?! Hindi ko PA siya girlfriend?! “Aba, ang hangin mo ah. Mangarap kang sasagutin kitang shokoy ka,” inis kong sambit para kunin ang atensyon niya. I will defend myself. Hindi ako natutuwa na napagkamalan akong mukhang syota ng isang shokoy! Nilingon niya ako habang nakangising aso. “Magpapaligaw ka ba?” tanong niya sa akin. I flipped my hair and glared at him. “HINDI!” agad kong sagot. “Eh bakit sinabi mong mangangarap akong sasagutin mo ako? Hindi ka naman pala magpapaligaw.” Narinig ko ang bungisngis nina Chid at Wil sa palapag. Nilingon ko sila at Sinamaan ng tingin. Natahimik naman sila. Ibinalik ko kay Isn ang tingin ko at mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. He put his hands on his pocket. Bihis na rin kasi siya. “I will accept that man’s challenge if you will let me date you once,” bigla niyang hamon sa akin. Unti-unting naging seryoso ang kanyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko. At balak pa niya akong idagdag sa mga babaeng kinokolekta niya! “No way. Bakit ako papayag sa gusto mo? I won’t date anyone I don’t like!” mariin kong untag. Tumawa ang mga lalaking nasa kabilang yate. Rinig ata nila ang sinabi ko dahil malakas ang boses ko. Medyo nahiya ako dahil mukhang si Ian ang pinagtatawanan nila. Pero agad nawala ang hiya ko nang maisip na deserve naman niyang mapagtawanan. Isa pa, bakit ako hindi matutuwa na napapahiya siya? “Walang rason para makisakay ako sa mga trip niyong mga lalaki. Hindi naman ako magkakabenefit kung idi-date mo ako. I’d probably have high blood pressure,” dagdag ko sa sinabi ko pero niliitan ko ang boses ko para hindi na kami marinig ng ibang tao sa kabila. “Alright.” He then faced the other people on the other yacht. “Myca said she accepts your challenge. She is good at fishing and she even said that she can win even if four of you will try to compete with her all at once.” My eyes widened at his lies! Mukhang naangasan at nagalit ang mga babae sa kabila kaya naman ay pumili sila ng apat na lalaki sa kanila at hinamon ako. “What the hell are you saying, Ian? Wala akong sinabing ganoon!” I panicked. Nilapitan ko siya habang nanggigigil sa galit. Nagagawa niya pang magsinungaling sa ganitong paraan. He is putting me into trouble! He smirked. “Ayaw mong tanggapin ko ang hamon nung isa sa kanila. So I’ve come up with the idea of you taking my place instead. Magaling ka naman siguro sa pangingisda kaya kayang-kaya mo sila.” Nalaglag ang panga ko. Hindi ko magawang bigkasin ang gusto kong sabihin sa kanya. This playboy is unbelievable! “Bawiin mo ang sinabi mo sa kanila! Nakakainis kang shokoy ka!” Itutulak ko na sana si Ian dahil sa sinabi niya. Pero may biglang humigit sa akin papalayo sa kanya. “Anong nangyayari dito?” Dumating si Ace. “Nanghahamon ang mga tao sa kabila. Tatanggapin ko sana ang hamon nung isa sa kanila pero ayaw ni Myca kaya sinabi kong siya na lang ang lalaban sa kanila,” sagot ni Ian. “It’s because you are asking me to date you! That is your condition!” pagtatanggol ko sa sarili ko. “Ian what the hell are you doing? Don’t try to play dirty. Don’t use your playboy move on Myca. Alam mong kaibigan siya ni Tatiana at babae siya kaya irepeto mo siya. Huwag mo siya itulad sa ibang mga babae mong agad na susunod sa mga gusto mo.” Ace sounds angry. “I am not treating him like any of my girls.” Kumunot ang noo ni Ian. “Hindi ko naman siya hinahawakan. I am only asking for a date.” Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Badtrip na ako kanina at mas lalo akong nagalit ngayon. The nerve of this shokoy! “Bawiin mo ang sinabi mo. I am not going to compete with anyone. Sumama ako rito para mag-enjoy at lakad namin ito ni Ace. Hindi ako nakikipagbiruan sa kahit sino. Don’t ruin this day, please.” Halata ang pagbabanta sa aking tono. Tinalikuran ko silang dalawa at lumayo sa kanila. Kinuha ko ang pamingwit ko at ang balde. Pumwesto ako sa kabila para hindi maharap ang ibang mga turista. Kinalma ko ang sarili ko. Hindi na dapat ako nagpapaka stress sa mga ganitong eksena. Pero hindi rin naman siguro ako masstress kung wala si Ian dito! “I am sorry about that. Pagpasensyahan mo na si Ian. Ganoon na talaga siya.” Tumabi sa akin si Ace at inihanda rin ang pamingwit niya. “Playboy?” He nodded. “Maaatim ko naman na makipaglandian siya sa ibang tao pero hindi ang isali ako sa mga babae niya.” Narinig ko ang buntong hininga niya. “Hindi na niya uulitin iyon. Pinagsabihan ko na siya.” I nodded my head and smiled at him. Nagpasalamat ako. But I am still doubtful that Ian will really do that. Pero hindi rin naman siguro siya magtatagal dito dahil noong tinignan ko kung kailan siya aalis ay nakalagay na dalawang araw lang siya rito. Ibig sabihin ay aalis siya bukas. Mapapayapa na ang buhay ko kung ganoon. “Pasensya na talaga, Myca…” “Ayos lang. At saka hindi naman ikaw ang dapat na humingi ng pasensya sa akin.” Si Ian dapat ang gagawa nun. Siya naman kasi ang may kasalanan at may atraso. Pero baka hindi ko rin sagutin si Ian kung hihingi man siya ng sorry sa akin. I even think that he is not that kind of person who will try to acknowledge his own mistakes. Pero nakahingi naman siya ng sorry sa akin kanina ang kaso ay mukhang hindi naman siya seryoso. Marunong naman siyang humingi ng sorry pero hindi ang tigilan ang ugali niyang nakakainis. Ayaw ko naman sa paulit-ulit lang. Nakakainis kaya ang taong hihingi ng tawad tapos uulit na naman, 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD