Kabanata 7

2495 Words
KABANATA 7 MYCA’S POV Our day ended after the fishing activity. Nakarami kami ng huli ni Ace at nawala ang inis ko dahil natuwa ako sa dami ng huli namin. Hindi ko tinignan man lang si Ian hanggang sa dumating kami sa hotel. Kinabukasan naman ay maaga akong bumaba sa opisina ko para tignan ang summary of feasibility report ng isang staff ko sa Palawan. At ang akala kong mapayapang araw ay muli na namang dumilim nang makatanggap ako ng tawag kay papa na gusto niyang samahan ko si Farish sa isang mall. Of course he wants us to have a date. At ang lalaking iyon naman ay tuwang-tuwa dahil nagmessage pa sa akin na manonood kami sa sinehan. Wala akong nagawa kundi ang pumayag dahil si papa ang may gusto. Kaya naman ay pagsapit ng alas nuebe ay umalis na ako ng resort papunta sa mall na sinasabi ni Farish. “Mabuti at pumayag ka,” salubong niya sa akin. He gave me a bouquet of roses. Tinanggap ko iyon kahit na labag sa aking kalooban. “Let’s get this over with. Pumili ka na ng panonoorin natin at para makauwi na ako agad.” Hindi naman siguro halata na excited akong umuwi agad. “Maglibot-libot muna tayo. Ang aga pa para matapos ang date natin.” Nagngising aso siya. Inirapan ko siya at hindi na lang nagreklamo. Sumunod ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad. Kung saan-saan na rin dumako ang tingin ko dahil may mga nakikita akong damit at bag na bagong labas lang. Natetempt akong bumili pero plano kong sa Paris na dahil ngayong buwan ang labas ng mga bagong disenyo ng paborito kong designer brand. Maddie Fashion will always win the trend. “Birthday ni mama sa makalawa. Alam mo ba iyon?” tanong sa akin ni Farish. Tumango naman ako. Nasabi nga sa akin ni mama kanina sa tawag. Mukhang gusto niya rin na bumili na ako ng regalo para kay tita pero ayoko kasi makikita ni Farish kung ano ang bibilhin ko. “Gusto ko sana siyang regaluhan ng isang alahas pero hindi ko alam kung ano ang magandang piliin. Pwede mo ba akong samahang mamili?” He is asking a favor. Hindi naman masama ang ideya na iyan kaya pumayag na ako. Magtitingin-tingin na lang din ako para sa sarili ko. Ang huling bili ko pa naman ng bracelet ay noong limang buwan pa. “Welcome, ma’am, sir,” bati ng isang staff sa amin. Nginitian ko siya. Tumuloy kami sa pagpasok. Maraming taong nandito. Nasilaw na agad ang mga mata ko sa mga alahas na nakikita ko. Kumikinang pa ang mga ito. Nakakatempt na talagamg bumili. “You want to pick a set of jewelry?” baling ko kay Farish. “Yes.” Lumapit kami sa isang staff at sinabihan ni Farish na ilabas niya ang pinakamahal at bagong labas nilang mga alahas. Nagpalinga-linga naman ako habang hinihintay na dumating ang staff. Farish excused himself when he received a call. Lumapit naman ako sa bracelet section at tinignan ang lahat ng nakadisplay doon para maghanap ng magugustuhan kong bilhin. Lahat ay magaganda. My eyes were then fixed to that specific beauriful bangle. “Ma’am, ito po, baka gusto niyong isukat? I’m sure this will look good in your wrist,” ani ng tagabantay dito at ipinakita sa akin ang isang pure silver bangle, ang tinitignan ko kanina. Nagandahan ako agad dahil sa maliliit na mga dahon na nakapalibot at nakabitin sa gilid niyon. Sa pinakagitna ay mukhang pwedeng palagyan ng pangalan. Mayroon pa nung isang flower sa pinakagilid niya kaya nagagandahan ako sa pulseras na iyon. “You can also ask us to put your name here in the middle,” dagdag pa ng staff at itinuro ang tinitignan ko kanina. Tama ako. Namamangha kong hinawakan ang bracelet. Ang ganda talaga. Sinubukan ko itong sukatin at tamang-tama lang sa kamay ko. “May kapareha ba itong disenyo?” tanong ko dahil naiisip kong bigyan nito si mama at Allison. “Wala po, Ma’am. Couple bangles po iyan kaso may nagmamay-ari na nung isa. Iyan lang din ang pinakahuling natitirang pulseras na ganyan ang disenyo dahil isa iyan sa mga unique product namin.” Couple bangles pero isa lang ang binili nung bumili? Nakakapagtakha naman. Baka nawala lang kaya ganoon. They let people buy only one pair of couple bangles? Hindi kaya awkward naman kung mahanap ko ang kapareha nito na suot ng isang taong hindi ko naman kilala? But then never mind about the other pair ‘cause this is beautiful. I will buy this one. I was so busy checking it on my wrist that I didn’t notice someone has stood beside me. Nagagandahan talaga ako sa pulseras na ito at kumikinang sa tuwing nasisinagan ng ilaw. Bibilhan ko na lang ng ibang pulseras si mama at Allison. I will buy this one for real. It’s beautiful plus my name can be engraved on its middle. That’s a bonus. “Miss, bibilhin ko na ito. Palagay na lang ng name ko… pero wala ba talagang ibang kapareha nito?” tinanong ko pa ulit para maging sigurado. Umiling ang staff at ngumiti nang malungkot. Sayang naman. “Do you want that design so bad?” Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita si Ian. Akala ko pa naman ay hindi ko siya makikita agad! Inasahan ko pa naman na huli na naming pagkikita kahapon! “Bakit ka nandito?” tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya. Nasagot ang tanong ko nang may dumating na isang babae at inilingkis ang kamay niya sa braso ni Ian. She tried to kiss him but Ian asked her to behave first. Sinabi na lamang ng babae na may gusto siyang bilhin na isang hikaw pero hindi siya pinansin ni Ian at nasa akin lang ang buong atensyon niya. Maybe he is here to buy her a gift. Tsk. He is spoiling his girl, huh. “Hindi na mahalaga kung bakit ako nandito. I am asking you if you want that design,” sagot niya sa akin. “Eh ano naman sayo kung gusto ko nito?” Hindi siya nakasagot. “Bibilhin niyo ba ito kaya mo tinatanong?” tanong ko ulit. Umiling siya. “This is a couple bangles but the other pair is already sold to another person. Kaya kung bibilhin niyo ito ng girlfriend mo ay hindi rin kayo matutuwa. Isa lang ang natitira at ako pa ang nauna,” pagpapatuloy ko. He suppressed a smile. Tumikhim siya nang makitang sinamaan ko siya ng tingin. “Ilan ba ang bibilhin mong ganyan ang disenyo?” tanong niya pa rin. Hindi ko alam kung bakit niya itinatanong ito sa akin. Baka interesado talaga siya sa pulseras na ito. “Tatlo. Pero mabuti sana kung ito at ang kapareha nito. Para couple bangles.” Pero sinagot ko pa rin siya. “Okay. We will do it just for you,” seryoso niyang sambit. Napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Sabi ng staff ay may nag-mamay-ari na nung isang bangle kaya paano niya iyon magagawa? “Kaya mo bang gumawa ng pulseras na ganito ang disenyo?” Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi nakatakas sa kanya ang pangmamaliit sa tono ng boses ko. Of course I know that he is just trying to get my attention. Akala mo naman ay kaya talaga akong bigyan ng tatlong pulseras na may ganitong disenyo. “Of course I can.” “Ian, why are you wasting your time on this woman? I thought we are going to enjoy each other today?” singit ng kasama niyang babae. The girl is wearing a scandalous dress. Halos kita ko na ang buong kaluluwa niya. Ganitong mga babae ang gusto ni Ian? Sabagay hindi naman siguro siya pipili ng kung sino-sinong babae lang. Umirap ako at tinalikuran ko sila at hinarap ang staff. Ibinigay ko sa kanya ang pulseras para mapalagyan ko na ng pangalan ko. She told me to wait for one hour because she still needs to contact one of their artisans. Saka naman daw ako magbabayad kapag tapos na. I filled out the form she gave me. Umalis naman ako agad pagkatapos at sinabing babalikan ko na lang dahil natandaan kong kasama ko si Farish at hindi pa kami nakakapili ng ireregalo niya sa mama niya. “Where were you?” tanong agad ni Farish sa akin pagkalapit ko sa kanya. “Namili lang ako ng pulseras. Dumating na ba ang pagpipilian mo?” sagot ko sa kanya. Ipinakita niya sa akin ang apat na set of jewelries. Halos lumuwa ang mga mata ko sa laki ng mga diyamante. Never mind the price of this jewelry set. Hindi naman ako ang gagastos kaya ayos lang kahit alin dito ang magustuhan ko. “Tita will surely love this one. Ito na lang ang bilhin mo…” suhestiyon ko at itinuro sa kanya ang may pinakamalaking diyamante. The pair of earrings and even the necklace is beautiful. Kahit sinong magsusuot nito ay masasabing napakarangya ng buhay dahil halata talaga ang laki ng presyo sa itsura pa lang. Kumikinang iyon lahat at tila inaakit ang mata ng sino man. “Good for any occasion?” “Oo. Sa tingin ko naman ay maganda kung ito ang susuotin niya sa mismong birthday niya. She will surely get the attention of all the guests.” Maganda ang napili ko para sa regalo niya. Bagay pa iyon sa mga katulad ng mama niya na nasa mid 40s na. Hay buhay! Kung gagastos ako ng pera baka sa resort ko na lang din igulgol lahat. “Okay. Wrap this for me. I will buy it,” baling ni Farish sa tagabantay. “Uupo lang ako,” paalam ko sa kanya dahil kailangan niya pang asikasuhin ang bayad. Tumango naman niya sa akin. I draw near the sofa and sat down as I wait for Farish and my bangle. Inilabas ko ang cellphone ko para makapag-update sa social media accounts ko. I took a selfie of myself and posted it on my i********: account. Nagulat ako nang magnotif sa akin na nifollow back ako ni Ian! He even reacted to my latest post. Kinabahan ako agad at naisip na baka iniisip niya na stalker niya ako dati. Kasi mas nauna ko siyang i-follow noon. Another notification and I saw him commented on my photo. Inilinga ko ang ulo ko para tignan kung nandito pa rin ba sila nung babae niya. ang kaso hindi ko siya nakita sa bracelet section kaya iniisip ko na umalis na sila rito. “How fearless,” pagbasa ko sa komento niya habang nangingiwi. Mayroon pang kasamang tumatawang emoji. It’s true that I am not smiling from this shot. But I don’t think I look that fearless at all. Umirap ako sa kawalan. I saw the staff from the bracelet section. She is carrying a wrapped box and then asked another staff to put it inside a bag. Akala ko ay akin na iyon pero dumiretso siya sa likod ko pagkatapos malagay sa bag ang nakabalot na box. “Mr. Tessimond. Your request is done and wrapped,” narinig kong sambit nung staff sa bandang likod ko. Lumingon ako dahil sa nabanggit niyang pangalan. I saw Ian sitting on the other sofa while reading some sort of magazine. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina ay dahil nasa bandang likod siya. Wala siyang kasama at prente lang na nakaupo. Nag-angat lamang siya ng tingin sa staff at tinanguan ito. Umayos ako ng upo. Sa kanya siguro iyon. Baka para sa girlfriend niya. “Hello, Ms. Fortezo. Here are your bangles. Thank you for visiting our shop, please do come back next time.” Nagulat ako nang nasa harapan ko na ang staff na kausap ni Ian kanina. She handed me the bag she is holding a while ago. Sa akin nga iyon. Tumayo ako agad at inilabas ang card ko para magbayad. “Naku, bayad na po ito, Ma’am.” Agad niyang ipinahawak sa akin ang bag at nginitian ako bago umalis. “Teka! Hindi pa ako nagbabayad!” Napatingin sa akin ang ibang customers. Nahiya naman ako kaya sinundan ko na lang ang staff kanina. Ngumiti siya nang malapad pagkalapit ko kung saan siya nakatayo. “May kulang pa po ba, Ma’am?” tanong niya sa akin. “I didn’t give you my card earlier kaya paanong bayad na ito?” I asked confusedly. “Bayad na po iyan kasi regalo daw po iyan sa inyo ng may-ari ng main branch nitong jewelry shop.” Para akong nagkaroon ng question mark sa ulo ko. “Sino ba ang may-ari nito? Hindi ko kilala at hindi ko natatandaan na birthday ko ngayon.” “You can talk to him po. Akala ko ay magkakilala kayo? You were talking to him earlier as if you two know each other that well. Aren’t you close to his highness?” His highness? Sino ba ang kausap ko kanina? The reality dawned on me when I remember that she might be talking about Ian. Iniwan ko roon ang staff at pumunta kung saan nakaupo si Ian. Mabuti at nandoon pa siya at nagbabasa pa rin ng magazine. My heart raced when I saw the book cover and the person who is featured on it. Frencillio Ian Tessimond “Ikaw ba ang may pakana nito?” sambit ko at inangat ang hawak kong bag kung saan nakalagay ang pulseras. He raised his gaze to me. Medyo napaatras ako nang makita ang walang ka-emo-emosyon niyang mga mata. Unang beses ko siyang nakitang ganito kung tumingin. “Bakit? Ayaw mo ba? I asked you earlier if you want it.” “Bakit mo naman ito babayaran kung nagtanong ka lang naman sa akin?” Hindi ko pa matanggap na siya nga ang tinutukoy na may-ari nitong jewelry shop nung staff kanina. “Walang ibang ibig sabihin ang ginawa ko,” aniya at muling tumingin sa kanyang binabasa. “Baka ang kapalit nito ay date na naman?” sambit ko dahil naalala ko ang nangyari kahapon. It seems like he loves to bargain with other people. Ibabalik ko ito sa kanya kung date ang kapalit nito. “That is my way of saying sorry for what I did yesterday. Kung ayaw mong tanggapin ay bahala ka kung anong gagawin mo dyan. Basta sorry sa nangyari kahapon. I thought that will be our last meeting or probably today so I am grabbing this opportunity to say sorry for what I did.” He sounds so serious. Napaawang ang bibig ko. Hindi ako nakapagsalita. He is harmless though. Walang ibang ibig sabihin ang ginawa niya. Nagso-sorry lang siya sa ginawa niya kahapon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ibang emosyon sa huling sinabi niya. I should be happy that we will not see each other again. Or am I fooling myself?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD