Chapter 14

1189 Words
Isang maaliwalas na Lunes ng umaga. Mula Maynila ay bumiyahe ang mga piling grupo mula sa Montreal Foundation, kasama si Mikaela, patungo ang mga ito sa malayong probinsya ng San Marcelino. Ang kanilang misyon na magbigay ng tulong sa lugar, kung saan inihanda ni Mikaela at ng kaniyang grupo ang mga ipamimigay na relief goods. Bukod doon ay may libreng check-up at gamot din silang ibibigay para sa mga taga San Marcelino. Kasama nila ang mga volunteer doctors na siyang masusing titingin sa kalusugan ng mga mamamayan doon. Bago pa man simulan ang pamimigay, ay inayos na ng grupo ni Mikaela ang mga grocery bags at bigas. "Ready na po ba ang lahat? Puwede na po ba tayong magsimula?" tanong niya sa kaniyang mga kasamahan. "Yes, Ma'am Mikaela, handa na kami!" sabay-sabay na sagot naman ng mga volunteer. "Okay, simulan na po natin," nakangiti at excited na sabi niya. Nagkani-kaniyang puwesto na ang lahat at inihanda ang mga sarili sa pamimigay ng mga relief goods, sinamahan na rin nila ng gatas at vitamins para sa mga bata at matatanda. Isang malaking truck ang dala nila na siyang nagsakay ng mahigit kumulang pitong daang plastic bag ng mga relief goods. Nilinga ni Mikaela ang paligid ng basketball court na iyon. Puno ng mga tao ang lugar at napakahaba na nang pila. Natutuwa siya at marami na naman silang matutulungan. May mga nakapila para sa medical at may mga nakapila rin para sa mga relief goods. - "Fiero, nasaan na si Isabel? Pupunta kami sa basketball court ngayon para pumila sa ipamimigay na relief goods," sabi ni Imang. "Hindi makakapunta si Isabel, nasa eskuwelahan siya ngayon at mamayang hapon pa ang uwian nila," sagot ni Fiero. "Ganun ba? Eh si Aling Wilma na lang. Tawagin mo ang inay mo para sabay na kaming pumunta roon." "Wala si Inay, may importanteng inasikaso, maaga pa lang ay lumuwas na ng bayan." "Naku, paano na 'yan wala palang makakapunta sa inyo? Sayang naman, malaking tulong na rin ang makukuhang bigas at groceries para makalibre sa pagkain ng ilang araw." "Teka... bakit hindi na lang kaya ikaw ang pumunta, Fiero? Si Inggo na lang din ang papupuntahin ko para may kasama kang pumila," suhestiyon ni Imang. Napaisip si Fiero, may punto naman si Imang sa kaniyang sinabi. Talagang nakakapanghinayang kung palalampasin niya ang ganitong pagkakataon. "Sige, Ate Imang, tawagin mo si Inggo at kami na lang ang pipila sa court." "Mabuti pa nga, iniinda ko nga itong tuhod ko, inatake na naman kasi ako ng rayuma, hindi ko rin matatagalan ang tumayo ng matagal. Hinatayin mo at papupuntahin ko rito ang damuhong lalaking 'yon, wala na namang ginawa kung hindi himasin ang mga manok niya." Habang naglalakad pabalik sa kanilang bahay ay panay pa rin ang daldal ni Imang. Inilalabas nito ang inis sa kaniyang pasaway na asawa. Nag-antay naman si Fiero sa pagdating ni Inggo. "Inggo!" malayo pa lang ay malakas na tawag ni Imang sa kaniyang asawa, ngunit sa sobrang abala ni Inggo sa kaniyang mga manok ay hindi nito dinig ang pagtawag sa kaniya ni Imang. Nadatnan ni Imang na kinakausap pa nito ang manok nitong panabong na pinangalanan pa nitong Apollo. Kinokondisyon kasi ito ni Inggo para ilaban sa tupada sa fiesta ng kanilang baranggay. Nainis si Imang sa kaniyang asawa dahil sa pagbabalewala nito sa kaniya. Kahit masakit ang mga tuhod ay nagawa pa rin nitong lumakad nang mabilis at sugurin ang kaniyang asawa. Kasalukuyang kinakausap ni Inggo ang manok at binibilinan kung ano ang mga diskarte na dapat nitong gawin sa laban. "Ito ang sinasabi ko sa'yo, Apollo. Oras na bitawan ka, sugurin mo na agad ang kalaban, tantiyahin mo rin muna ang lakas niya, kapag sa tingin mong dehado ka, tumakbo ka na lang pabalik sa akin. Di bale ng tawagin ka nilang duwag, huwag ka lang maging pulutan sa inuman." Parang nakakaintinding kinakausap nito ang kaniyang alaga. Nanggigil naman sa inis si Imang kaya walang pasabing binatukan niya si Inggo. Nagulat ito at muntik pang mahulog sa kaniyang kinauupuan. Mabuti na lamang at hindi nito nabitawan dahil sa gulat ang alaga nitong manok. "Ano ka ba naman, Imang! Bakit ka ba nambabatok?" yamot na sabi ni Inggo. "Ikaw nga Inggo, huwag mong ubusin ang pasensiya ko sa'yo, kapag ako talaga nainis ay gagawin kong tinola 'yang alaga mo," pananakot ni Imang sa kaniya asawa. "Huh! Huwag naman ganu'n, ang mahal na nang nagastos ko rito kay Apollo." Niyakap ni Inggo ang alagang manok at inilayo kay Imang. "Ayon, lumabas din sa bibig mo ang gusto kong marinig. Mabuti pa 'yang alaga mo, nayayakap mo, hinihimas at ginagastusan, samantalang ako na asawa mo hindi mo magawang lambingin. Kahit nga pambili ng panty hindi mo ako mabigyan. Ang luluwag na ng garter ng panty ko tapos butas na ang mga pundiya, hindi mo man lang naisip na kailangan ko rin ng panggastos sa mga pangangailangan ko. Mas mahalaga pa talaga sa'yo ang manok na 'yan kesa sa akin," panunumbat ni Imang. "Huh! Maluwag lang pala ang panty mo? Tsh! Akala ko naman makalaglag panty itong kagwapuhan ko kaya sa tuwing nakikita mo ako ay nalalaglag ang panty mo, maluwag lang pala ang garter? Napakamot ng ulo si Inggo. Naningkit ang mga mata ni Imang. "Ugh! Manalamin ka nga, Inggo. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo d'yan! May makalaglag panty sa kagwapuhan ka pang sinasabi. Feeling mo talaga ang gwapo-gwapo mo. Kahit nga anong luwag ng panty ko sumisikip kapag nakikita ka. Pati itong pempem ko gustong magtago sa takot sa'yo!" "Weh! Sinungaling, ang bilis mo ngang papasukin ang alaga ko eh!" Isang malakas na batok na naman ang natanggap ni Inggo kay Imang. "Tumigil ka na nga, ipasok mo na 'yang manok mo sa kulungan bago ko pa gawing adobo 'yan. Puntahan mo si Fiero, sabay na kayong pumunta sa court. Pumila ka para makakuha ng relief goods." "Huh! Bakit ako? Akala ko ba ikaw ang pipila roon?" Kakamot-kamot ulo na tanong ni Inggo. "Di ba sinabi ko, ikaw na nga ang pumunta, hindi ka ba nakikinig? Masakit ang paa ko kaya ikaw na lang. Tama lang 'yan para may kasabay na pumila si Fiero." "Pambihira naman, Imang! Sa ganda kong lalaking ito papipilahin mo ako sa relief goods?! Paano na ang reputasyon ko rito sa baranggay natin? Ako na tinaguriang kilabot ng mga kababaihan sa San Marcelino, pipila para sa libreng bigas at delata? Ayoko nga, ikaw na lang!" mariing tanggi nito. "Ayaw mo talaga?" inis na tanong ni Imang. Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Inggo. "Ayaw!" tugon nito. "Ito gusto mo?" Binilog ni Imang ang kaniyang kamao at inambahan ng suntok si Inggo. Kumaripas naman ito ng takbo palabas sa kanilang bakuran at dumiretso sa bahay nila Fiero. "Fiero! Halika na bilis baka abutan ako ng dragon!" sigaw nito. "Sumunod ka na lang, magkita tayo sa court!" Kumaripas ito nang takbo palayo. Naguguluhang tinanaw na lamang ng tingin ni Fiero ang palayong kaibigan. Lumabas siya sa kanilang tarangkahan at nilakad ang patungo sa court. Hindi siya nagmadali dahil alam naman niyang hindi na rin niya aabutan si Inggo. Mabilis pa kasi sa ipo-ipo itong kumaripas ng takbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD