Kabanata 1

1282 Words
Makalipas ang limang taon mula nang mamatay ang asawa ni Russel ay inabala niya ang kanyang sarili sa pagpapatakbo sa kanyang negosyo. Kadalasan ay nasa rancho lamang siya at inaabala ang sarili sa pag-aalaga sa mga kabayo niya na sina Juban, Kukoy, Lira at Sulvan. Ini-import niya pa ang mga ito mula sa Thailand. Ang kanyang paborito ay si Kukoy, dahil matulin itong tumakbo. Hindi tulad ni Juban na maiinitin ang ulo tulad niya. Madalas na sumusumpong ito at hindi niya mapatakbo. Ang kanyang rancho ay nasa gitna ng Magsaysay Fiero bayan ng Tarlac. Maganda ang lugar na ito. Binili niya ito sa mag-asawang nag-migrate sa ibang bansa. Nagpatayo rin siya ng mansion nila ni Feya sa lugar na ito. Gusto kasi niyang mamuhay na kasama lang si Feya at ang mga alaala ni Filomena. Ang kanyang namayapang asawa. Lumipas man ang maraming taon ay sariwa pa rin ang alaala ni Filomena sa kanyang isipan. Ang kanilang masayang pagsasama at ang pagiging maalalahanin nito. Naging malungkot ang buhay niya sa pagkamatay ng kanyang asawa. Nawalan siya ng buhay maging ang kanyang anak na si Feya ang napabayaan na niya. Kaya naman minabuti ng kanyang mama na kunin si Feya sa America. Naiwan siya mag-isa sa kanyang rancho at sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo. Ang Feya Shoe Exchange. Minana pa niya iyon sa kanyang namayapang papa. Gumagawa sila ng mga sapatos ng babae at lalake na man-made. May apat na silang stores sa buong Tarlac at lima namang store s sa bawat Super Market sa buong Tarlac. Sa sobrang busy niya sa hindi na niya maalagaan ang kanyang sarili. Mahaba na ang bigote niya, mahaba ang buhok niya at wala siyang pakialam sa itsura niya araw-araw kapag binibisita niya ang stores nila. Kasalukuyan niyang inaayos ang makina ng kotse niya. Bigla kasi iyong tumirik sa gitna ng kalsada. Ito ang kotseng ginamit nila ni Filomena no'ng naaksindente silang dalawa. Marahil luma na ito kaya naman bumibigay na. May mga kotse siyang binili pero hindi niya madalas gamitin. Mayroon siyang Fortuner, Expedition at Mirage pawang Mitsubishi ang brand ng mga iyon. Mayroon din siyang Honda Raider 250 na madalas niyang gamitin kapag nagi-stroll siya sa kabayanan. Kinuha niya ang bag niya nang hindi niya maayos ang makina ng sasakyan. Nagpasya siyang maglakad na lang pauwi sa racho. *** "That's what you get when you let your heart win...wooh! Oooh!" Malakas ang music ni Shine habang tinatahak ang palikong kalsada. Bakasyon niya ngayon kaya naisipan niyang umuwi sa kanilang probinsya. Matagal na panahon na rij mula nang manirahan sila sa Maynila kasama ng kanyang mga magulang. Labing pitong taon siya noon. Hindi niya alam kung bakit siya dinala ng mga magulang niya sa Maynila. Ang tanging bukambibig lamang ng mga ito kapag nagtatanong siya ay hindi niya sinadya ang nangyari. Na-trauma daw siya noon pero hindi niya maalala kung ano ang dahilan. Basta natatakot siya noon na magmaneho ng kotse. Nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay binilhan siya ng kotse ng kanyang daddy. At ngayon lamang niya ito gagamitin para bisitahin ang kanyang abuela. Kinakabahan pa siya at madalas ay nakakaramdam siya ng takot. Kapag may nakikita siyang naaksidente sa daan. Kapag may umiiyak at namamatay. Nanginginig ang buo niyang katawan kapag nakakasaksi siya ng mga gano'n. Hindi mabilis ang kanyang pagpapatakbo. Ngunit may isang lalaki na bigla na lang tumawid. Sunod-sunod ang busina niya. Tumigil siya sa tapat mismo ng lalaki. Kinalabog nito ang hood ng kotse niya. Nagalit pa yata ito sa ginawa niya. Ngunit kasalanan naman nito kung bakit. Nakasimangot siyang bumaba sa kotse niya. "Hindi mo ba nakikita ang sign!" Bulyaw nito sabay turo sa nakalagayan na signage. Slow down. Accident Prone Area. "Nabasa ko! Ikaw po itong biglang tumawid. Wala ka sa linya mo!" Sa tansya niya nasa edad trentay singko ang lalaki hanggang kuwarenta. May bigote ito at napakadumi. Nakasando at short lamang ito. May bitbit itong backpack. Mukha yatang naliligaw ito. "Tssk!" mura pa nito. At tinalikuran siya. "Okay kasalanan ko, miss." Tinalikuran siya nito. Pumasok ito sa arko Magsaysay. Kaya pala ito tuwid dahil doon ito patungo. Pumasok siya sa kotse niya at iniliko ang kotse niya roon. Doon din ang punta niya. Binusinahan niya itong muli. "Kuya!" Sigaw niya. Hindi siya pinansin nito. "Kuya!" Bulyaw muli niya. "Bakit mo ba ako sinusundan? Taga dito ka rin ba? O nawawala ka?" kunot-noong tanong nito. Mabagal ang pagpapatakbo niya ng kotse niya. Upang makasabay dito. "Gusto ko lang mag-sorry." "Wala kang kasalanan. Ako ang tumawid." "Kuya... sakay ka na." Muling kumunot ang noo nito. "No. Thank you!" "O-okay. Ako nga pala si Shine Alonzo. Taga dito rin ako. Ahmm..." Hindi siya nito pinansin pa. Sayang cute pa naman si Kuya. Mukhang masungit lang. Pumasok ito sa malaking gate. Iyon marahil ang bahay niya. Sinulyapan niya ang malaking mansion. Mayaman pala itokaya naman pala isnabero. Siguro may pamilya na ito. Bumaba siya para kunin ang camera niya. Napakaraming view na magaganda. Sayang kung hindi niya makuhanan ang mga iyon. Panay ang shot niya nang biglang sumulpot ang lalaking nakita niya kanina sa lens ng camera niya. Nasa itaas ito ng balkonahe. Wala itong damit pang-itaas. Sumilip siya sa lente at kinuhanan ito ng litrato ngunit pagka-flash no'n ay lumingon ang lalaki. Bigla niyang iniba ang direksyon ng camera niya. At tsaka tinignan ang larawan ng lalaki sa reviewer. Guwapo naman pala ito para nga siyang hunk. Sumakay muli siya sa kotse niya at pinaharurot iyon. Hanggang sa makarating siya sa rancho ng kanyang abuela. Malapit lamang iyon sa kabilang rancho. Maraming mga kahoy sa paligid. Mga namumunga at hindi. May mga bundok din siyang nakita mula sa malayo. Mukhang magandang mag-camping doon kapag gabi. "Iha, nariyan ka na pala!" Sinalubong siya ng kanyang Lola Minda. Nagmano siya rito at niyakap niya ito. "Opo. Salamat 'la. Pumayag kayong dito muna ako magbakasyon habang hinihintay ko ang resulta ng board exam ko. Alam mo 'la may nakilala akong lalaki kanina. Kaso hindi niya sinabi 'yong pangalan niya. Sa unahan ang rancho niya bago dito sa atin." Ngumiti ito. "Baka si Russel iyon apo. Siya ang may-ari sa ranchong iyon." Russel pangalan niya. Sandali siyang hindi kumibo. Mukhang pamilyar ang pangalan na iyon sa kanya. "Halika sa loob iha. Tignan mo 'yong kuwarto mo. Walang nagbago iyon pa rin ang dating ayos mula nang umalis ka rito. Nagpaluto nga pala ako ng paborito mong adobong manok na native. At tinolang manok na may ampalaya." Pagpasok niya ay nakahapag na ang pagkain sa lamesa. Antique na ang karamihan sa mga gamit ni Lola Minda. Siya ang mama ng kanyang Mommy. Nagbabakasyon siya dito tuwing summer. Si Lola Minda ang kinalakihan niyang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Kaya naman malapit siya dito. Hindi tulad ng kanyang mga pinsan na hindi man lang mabisita ang kanilang abuela. May kanya-kanya na kasing mga pamilya ang mga ito. Tanging siya na lamang ang single at nag-aaral pa. Nagtapos siya ng Education major in Mathematics. Elementary students ang tuturuan niya at balak niyang magturo dito sa probinsiya para palagi niyang nakakasama ang Lola Minda niya. Isa pa sawang-sawa na siya sa Maynila. Mahilig din siya sa adventures lalo na sa galaan. Bata pa lamang siya ay photography na ang kinahihiligan niya. Kaya naman dahil doon naging suki rin siya ng mga piictorials at beauty contest noong kolehiyo siya. Nagsimula siyang kumain ng tanghalian. Kasama niya ang kanyang Lola. Nagkuwento ito sa kanya ng mga nangyari habang wala siya. Kung paano siya namiss nito habang wala siya. Pagkatapos ng pananghalian ay nagtungo siya sa kanyang kuwarto. Inayos niya ang mga gamit niya roon. Pagkatapos ay nagpasya aiyang matulog muna bago magtungo sa bundok na nakita niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD