Madiin akong napahawak sa ulo ko habang nakapikit pa rin, putcha! Parang ilang besses na pinupokpok ng martilyo ang ulo ko. Sobrang sakit talaga. Nakapikit pa rin ako habang kumapa-kapa sa inuupuan ko, masakit at mahapdi rin ang mata ko.
"Ba't d**o?"
Pero wait...'d-di ba dapat patay na ako? 'Di ba sumabog 'yong barkong sinasakyan namin? Don't tell me, nabuhay ulit ako?
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, ngunit agad ding napapikit ulit dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko at sakto talaga sa mata ko. Gumapang ako sa parteng 'di ko na ramdam ang init sa balat ko, bago ko binuksan ulit ang mata ko. No'ng una malabo pa hanggang sa unti-unting luminaw. I gasp.
"Teka, where the hell am I?" Inikot ko ang tingin ko, "What the f*ck is this place? Mapuno masyado" Tiningnan ko ang kamay ko.
"What the h*ck my nail polish, and my dress is like basahan" super dungis ko! Eww. Mabilis akong napapikit at napasapo sa ulo ko nang bigla na lang ulit umikot ang paligid ko.
"Tanginang buhay," mariing bulong ko.
Napahawak ako sa punong malapit sakin, para sa suporta ko sa pagtayo habang 'yong isa kong kamay nakasapo pa rin sa ulo ko. Sumandal muna ako saglit dahil hinang-hina na talaga ako, feeling ko literal na umiikot ang mundo. Pumikit ulit ako sandali bago bumuga ng hangin, I need to gain my energy.
Nang maramdaman ko ng medyo nakakabawi na ako. Tumayo ako ng dahan-dahan at paika-ikang naglakad. Ngayon ko lang napansin na may sout pala akong balabal. Hindi naman ganoon kakapal, but sa pagkakaalala ko naka-black gown ako. I dont remember, wearing a cloak biglang pumintig ang tenga ko ng makadinig ako ng lagaslas ng tubig.
'WATER!!'
Napalunok ako ng dahil biglang natuyo ang lalamonan ko. Dali-dali kong hinanap ang pinanggalingan ng tunog, nang makita ko ang lawa, lumuhod ako sa gilid at ginawang pansalok ang dalawa kung palad. Napapikit ako habang, dinadama ang paghagod ng malamig na tubig sa lalamonan ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, ba't parang uhaw na uhaw ako. Maybe, dahil matagal ako nawalan ng malay, maybe 2 days. Oh yeah, I need to find my phone, I need to call Tristan and I need to go home, I'm sure, my mens were now in the panic state, and I have so many paper woks to do.
Wala sa sariling napasulyap ako sa lawa. Linaw naman ng lawa dito. Gano'n na lang ng pamimilog ng mata ko ng ma-realize ko na lawa pala 'yong ininom ko. Yuck!
"Pwee~" pilit ko pang sinusuka ang ininom ko kanina, goodness dami-dami pa naman ng ininom ko. Ano pa nga ba aartehan ko, ehh nalunok ko na. Dumukwang ako sa tubig upang silipin ang sarili ko sa tubig.Agad akong napatili ko at napaupo ako sa damohan.
WHAT THE F*CK? WHO THE HELL IS THAT GIRL!
No that's not Blaine! Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahan ulit na sumilip sa tubig. Pero yung babaeng puti parin yung buhok ang nakita ko.
Hinawakan ko yung buhok ko ganon din sya.
Hinawakan ko yung mukha ko pero ganon ulit sya.
WAIT!!!
DONT TELL ME !!!
AKO TALAGA 'YAN?!!
NOOOOOO!!
"Relax Blaine, imposible 'yon" sabi ko sa sarili ko. Napatango-tango pa ako sa sinabi ko
'Yeah right, imposible yun'
Dahil sa pagtango-tango ko biglang natanggal yung tali ko sa buhok. Halos gumimbal sa boung pagkatao ko ng makita kong puti na ang buhok.
"OHH GOD!!" wala sa sarili kong bulas
What happen to my hair? Bat puti?
Shit nasa ibang katawan ba ako?
Ohh s**t, stupid Blaine!
Pumikit ako ng mariin.
"No b-baka nagpaku-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng may mga alaalang rumagasa sa utak ko.
I-Im really inside the other's body?
Dito na s'ya lumaki sa.... GUBAT?! WHAT THE H*CK! Patay na rin parents n'ya, kaya s'ya na lang mag-isang bumubuhay sa sarili.
Shes a flower manipulator like her parents. She's a---wait this body has a power? Pfft
"Really? Insane tss" naiiling kong bulong
She's a type of girl- yeah a girl, because this body owned by a 17 years old girl. Exciting, RIGHT?
She knows everything, cook, clean, and everything that a typical girl should do
She doesn't know how to read and write. LIKE WHAT THE F*CK. That's why she's afraid to go beyond the boundary
"Hi!"
Inangat ko ang tingin ko, agad akong napahugot ng hininga dahil sa nakikita ko. A girl with a f*****g tail! She's sitting on a big rock na nasa harapan ko. Nakanganga kong binaba ang mata ko sa buntot niya. Oh god, this is crazy!
"Hello, okay ka lang po?" Napaangat ulit ang tingin ko sa mukha niya.
Ngayon ko lang din napansin na nagpipigil hininga na pala ako, habang nakangangang natitig sa batang babaeng may buntot. Habol hininga ako habang nakatitig pa rin sa kanya, s**t pati paghinga nakalimutan ko na. God, hindi ba ako nag-iilusyon?
Ang mga mata niyang kulay sky blue, may mga brilyante pa sa gilid, siguro nasa 11 years-old pa siya. Her white long and wavy hair with a blue and pink highlights, and her tail is also white, while she's wearing her sweet smile.
"Hi ako po si Melodia, ikaw po sino ka?"
Napakurap-kurap ako saglit. Sinuyod ko ulit siyang tingin bago lumunok.
"S-serina ka?" 'Yon na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Ha? Hindi naman po nakakagulat na makita mo ang isang tulad ko, lalo na sa ganitong lugar. Hindi mo po ba alam ang lahi ko?" inosenteng tanong niya. Napakagat ako sa labi ko at saka napaiwas ng tingin. Mabubuko pa akong hindi taga-dito.
"H-hindi naman sa gano'n, ngayon lang kasi kita nakita dito," saad ko napatango-tango naman siya.
"Ngayon lang din po kasi ako nakapunta dito, mahigpit kasi ang pagbabantay ng mga tauhan ng palasyo sa gubat na ito. Eh, ikaw po? Pa'no ka napunta dito? Buti po 'di ka nahuli, malupit ang hagupit ng kaparusahan sa mga mahuhuli."
"Ha?"
"Sabi ko po mabigat ang kaparusahan sa mahuhuling tatapak sa gubat na ito"
"Gubat naman ito ah, ano ba pinagkaiba nito sa ibang gubat?"
"Ate, this is the holy forest. Marami ang mga banal na hayop ang nabubuhay sa loob ng gubat na ito, Isa na roon ang golden deer na pinangangalagaan ngayon ng mga opisyal dahil sa nalalapit na hunting season," mahabang paliwanag niya. Hunting season? Golden deer? The heck.
Nanatili akong tahimik habang may mga sinasabi pa siya, pero 'di ko na binigyan ng pansin.
"Eh ikaw po, pano ka nakapasok sa gubat?"
Nabalik ang atensyon ko sa kanya bago nagkibit-balikat. Malay ko ba sa may-ari ng katawan na 'to. Aish makauwi na nga.
Dahan-dahan akong tumayo at tumalikod. "Aalis na ako, paalam." Hindi ko na hinintay ang sagot niya
Napagdesisyonan ko nang maglakad pabalik sa bahay ni Maxime. Hell yeah, Maxime nga pala name nya. Maxime Mc'Kentry to be exact, Maxime na rin siguro ang gagamitin kong pangalan.
Malayo palang tanaw ko na ang maliit na bahay ni Maxime. Pagpasok ko, sumalubong sakin ang maliit na mesa, sa gitna ay may maliit na lampara. Lumapit ako sa isang pinto, kita ko do'n na may maliit na kamang gawa sa kahoy wala syang kutson tanging banig, kumot at unan lan ang meron. Sa ibaba no'n may aparador na gawa sa kahoy, halatang sirang-sira na.
"What kind of life is this?" Wala sa sarili kong tanong. Bumalik ako sa kusina at umupo. Inilibot ko ang tingin ko, halos sirang-sira na ang gamit sa loob ng bahay.
Oh gosh.
Napahilot nalang ako sa sentido ko at do'n inaalala ang lahat, bago ako napunta sa katawang ito.
(Flashback)
I was known for being the most riches woman alive, in the whole world. Kaya palaging full ang sched ko para sa mga parties at business trip. No time for the other things only my business and my organisation.
I am Blaine Aila Webster 28 years old beautiful, smart, and kind? Maybe?
But I'm a gangster. A gangster Empress to be exact. Nasa yate kami no'n imbitado ako sa gathering na magaganap. Sinandal ko ang ulo ko tapos ay pinikit ang mga mata ko.
Ngunit agad akong napamulat dahil sa malakas na tili ng isang babae.
"THERE'S A BOMB!!" she shouted horribly. Mabilis akong napatayo at tumakbo papunta sa edge ng barko, but before I could reach the steel...its already too late.
Isang malakas na pagsabog ang narinig ko bago dumilim ang lahat.
(End of flashback)
Napadiin ang pagpikit ko sa mata dahil sa naalala ko. Ito ba ang sinasabi nilang reincarnation? So posible na ang may-ari ng katawan na to ay patay na rin? I heavily sigh. Siguradong gutom ang ikinamatay ng katawan na 'to o di kaya konsimesyon.
Tumayo ako at naglakad papasok sa kwarto, mas mabuti kung itulog na lang 'to. Agad akong humiga sa banig. I'm sure the back pain later, will be bearable but not tomorrow. Hindi ako sanay sa ganitong higaan.
Gosh, kung alam ko lang na mangyayari to sakin. Titira nalang ako sa isang kubo tss
Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan kong kainin ako ng antok.
Nagising ako ng medyo madilim na. Hindi naman siguro delikado dito? Wala naman, kasi base sa ala-ala ni Maxime. So far wala pa namang hayop na lumusob sa kanya dito, para lapain s'ya.
Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko na ang sakit sa likoran ko. Oh, Jesus help me! Dahan-dahan akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto, muntik pa akong napatili sa gulat ng biglang umapoy mag-isa ang lampara.
"Hmm maybe it's automatic" mahinang wika ko nanliit 'yong mata ko ng may nakita akong basket sa ilalim ng mesa. Fruits?
Yumuko ako para makuha 'yon, gano'n na lang ang laki ng ngiti ko nang makita kong may mga prutas ang loob basket. Naghila ako ng upuan saka umupo at nilantakan ang mga prutas.
Napatakip ako ng bibig ng napadighay ako. "Sa wakas nabusog din" bulong ko habang hinihimas ang tyan ko.
Tumayo ako at pumasok ulit sa kwarto. Ano kaya magiging buhay ko dito? But isa lang ang masasabi kung sure ako, 'yon ay 'di 'yon magiging madali.
Nagising ako na tirik na tirik na ang araw, ba't parang may naamoy akong mabaho. Inamoy-amoy ko ang paligid ko, wala naman ahh, inamoy ko ang sarili ko agad akong napangiwi.
"Oh god Maxime, are you really a girl?" naiinis na tanong ko saka bumuga ng hangin. Padabog akong tumayo at lumapit sa sira-sirang aparador.
"Tss how can she manage to survive with this kind of life? This is hell," maktol ko bago kinuha ang limang piraso ng damit.
Napa-roll eyes nalang ako habang pinagmamasdan ang mga mga damit na saktong hanggang sakong ko ang haba, may iba't ibang disenyo at kulay ang bawat damit, may White, Blue, Green, Yellow and pink pang anim nya itong sout kong damit kulay krema. Hinagis ko sa ibabaw ng kama blue dress bago lumabas at dumiretso sa malapit na batis. Kagat labi kong pinagmasdan ang batis. Yes, malinis as in sobrang linis. But is it safe there, to take a bathe? Pero kung may masamang tao man ang dumating. I wouldn't think twice to kill that bastard.
Napabuntonghininga naman ako bago luminga-linga sa paligid. Nang masiguro kong walang ibang tao. Nagsimula ko nang i-unbuttoned ang damit ko. Napatigil ako at napasinghap ng may nadinig akong takbo ng mga kabayo, and thanks to my fast reflexes, I just found myself in the top of the branch of a tree.
Awtomatiko akong napatingin sa kabilang bahagi ng batis may dumaan do'ng mga taong nakaka-armor, lahat sila nakasakay sa kabayo. Andami nila, hanggang sa papalayo na sila ng papalayo.
'Who the hell are those mens?--Nevermind.'