11

609 Words
Luther's POV; Sunod sunod ang mura ko ng magsimula ng manlamig ang mga kamay ko ng hawakan ko yung baril ko at---. "K-Kuya...B-Bakit?" "T-Tama na K-Kuya." Nang marinig ko ang boses na yun imbis bitawan ang baril ko mas hinigpitan ko ang hawak bago madiing pinikit ang mga mata ko. "Patawarin niyo ako...patawarin niyo ako mama..Laila...patawarin mo ako Lucy."bulong ko hanggang sa---. 'Smile ka kuya.' 'Iloveyou Kuya.' Napamulat ako ng mata ng may parang bumulong sa tenga ko. "L-Laila."bulong ko bago luminga linga hanggang sa---. "Kaya mo na bang iputok yan?"ani ng isang boses na nanggagaling sa taas ng puno. "Harmony."ani ko ng makita ko siya sa taas. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko imbis sumagot umismid lang ito na kina tsk hanggang ngayon galit pa din siya sakin? Pero hindi ko maiwasang matuwa dahil kahit galit siya o ano sinunsundan niya pa din ako kahit saan kahit hindi niya ako iniimikan. Tinutugtugan niya pa din ako ng plawta niya tuwing gabi kaya mas humihimbing ang pagtulog ko. "Damn."mahinang mura ko ng pagtaas ko ng baril ko pumutok na yun na kinatalon ko na dahilan para mabitawan ko ito at makaramdam ulit ng takot. Sa putok ng baril o sa pakikipaghabulan sa bala walang problema pero pag ako na ang puputok pakiramdam ko naninigas na ang mga daliri ko at---. "Ang takot hindi sinasantabi...nilalabanan yan."rinig kong sambit ni Harmony na kinatingin ko. "Isipin mo na lang ang mga taong walang takot na hinarap ang kamatayan nila mapanatili lang nilang safe ka."dagdag ni Harmony na kinatigil ko. 'L-Luther i-ihingi mo na lang a-ako ng t-tawad kay L m-mukhang hanggang d-dito na lang t-talaga ang m-misyon ko.' 'K-Kuya*sob*n-natatakot ako' 'L-Luther A-anak p-patawarin mo s-si mama.' Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko bago damputin ulit ang baril ko at---. 3rd Person's POV; Hindi maiwasang mapahanga ang dalaga ng makita niya ng pasayawin ni Luther ang lata ng beer sa ere ng hindi nabubutasan. "Astig."bulong ng dalaga ng bumagsak yung lata ng hindi manlang nayupi maliban sa mga gasgas sa gilid ng lata. Nang tingnan niya ulit ang binata nakita niyang hinagis nito ang hawak na baril at walang kaano anong sinalo nito gamit ang kaliwang kamay bago mabilis na kinasa at sunod sunod na pinatamaan ang shooting board ni walang pumalya. --- "Ohmygosh Luther matalas ito bakit ka naglalaro nitong Dart!"kinakabahang tanong ng ginang ng makita ang anak na may hawak na dart habang nakaupo sa sofa at mukhang bumbwelo para tirahin ang dart board na binili ng ama para sa opisina niya. "Mama!tingnan mo oh ang galing tumama lahat sa gitna hihi galing"tuwang tuwa na sambit ng kapatid na babae habang tinuturo ang tatlong dart na nakabaon sa gitna ng Dart board na kinaputla ng ginang. "Hon anong problema?"ani ng asawa nitong si Luke bago yakapin ang asawa na naiiyak na nakaupo sa sofa. "Luke si Luther---." "Hon pinalaki nating mabuting bata si Luther sapat na sigurong rason yun para mapanatag---" "Luke hindi mo ako naiintindihan si Luther yung dugong dumadaloy sakan--."bago matapos ang sasabihin ng ginang mabilis siyang niyakap ng asawa at halikan sa noo. "Hindi mahalaga kung anong klaseng tao ang ama niya ang mahalaga kung panong paraan natin binuo ang pagkatao niya...Aila,anak natin si Luther mabuting siyang bata at kung ano mang kakaibang nagagawa niya na hindi ordinaryo para sa iba...dapat tayo ang mas nakakaunawa dahil anak natin siya."ani ni Luke bago haplusin ang pisngi ng asawa. "Balang araw ang kabutihang yun ang magiging tunay niyang kalakasan hindi ang mga bagay na nakuha niya sa tunay na ama o kahit na sino man."dagdag ni Luke bago sipatin ang anak na lalaki na nakikipaglaro sa nakakabata nitong kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD