3rd Person's POV;
"A-Aray."daing ng binatang si Hellion habang hawak ang braso niya ng mapabalikwas ito ng bangon.
"Seven!"napatigil ang binata ng salubungin siya ng dalaga ng yakap.
"A-Ara p-pasensya na kas---."
"Tinakot mo nanaman ako!punong puno ka ng dugo pagpasok no dito may hawak ka pang ulo!"sigaw ng dalaga bago hampasin ang dibdib ng binata na kinangiwi nito pero hindi nagreklamo imbis magsalita niyakap na lang nito ng mahigpit ang dalaga.
"Ayos lang naman ako Ara."bulong ng binata bagi tingnan ang kakambal na nakatingin sakanya.
---
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o mabubwisit dahil sa ginawa mo Hellion."panimula ng binatang si Hector ng makaalis si Ara ng magpaalam ito na kukuha ng tubig para sa binata.
"Kuya pwedeng matuwa kana lang?ayokong nabubwisit ka hindi mo ako pinakakain ng ice cream."pambabara ni Hellion habang nakanguso na kinailing ni Pierce at Cason na nasa harap ng laptop na pasipat sipat ng tingin sa kambal.
"Malaking tulong yung ginawa mong pagputol sa ulo ng robot para sa data at program na kailangan ko pero yung gawin mong puching bag ang katawan mo hindi nakakatuw---."
"Kuya kung madali lang labanan ang robot na yun papayagan ko bang magkadurog durog buto ko at uuwi ba akong sugatan dito habang umiiyak sa harap ko si Ara?"nakabusangot na tanong ni Hellion pabalik na kinatingin ng binatang si Trigger.
"Ibig sabihin tama ang nakuhang info ni Kuya Hector hindi basta humanoid ang mga yun."komento ni Trigger.
"Isipin ko pa lang na daan daan ang mga humanoid na ginawa ni Mr.Aragon para sainyo kinikilabutan na ako."komento ng binatang si Lincoln na umiinom ng kape habang nakaupo sa sofa.
"Kuya."napatingin si Hector kay Hellion ng magsalita ulit ito at this time nakatingin na ito sakanya.
"Si Kuya L kaya ang gumagawa ng mga humanoid?"tanong ni Hellion na kinatigil nina Hector at Trigger.
"H-Hindi imposible yun pero---."
"Kung nakokontrol na ni papa si Kuya L siguradong hindi yun gagamit ng kung ano ano para tapusin tayo...si Kuya L mismo ang papatay satin."putol ni Trigger kay Hector na kinatango tango ni Hellion.
"Ibig sabihin hindi din ordinaryong tao yung mga o yung taong nasa likod ng mga taong bakal na yun."komento ni Hellion bago nakangiting kumaway ng makita si Ara na may hawak na tubig at chocolates.
"Imposible."bulong ng binatang si Hector bago kuhanin ang phone nito at idial ang number ni King.
"Kuya King lets talk."bungad ni hector sa kapatid ng sagutin nito ang tawag.
---
"Kuya saan ka galing?"bungad ni Trigger ng pagbukas ng pinto ng penthouse bumungad sakanya ang kapatid na may pasa sa pisngi.
"Sa tabi tabi."sagot ng binata na kinakunot noo ni Trigger.
"Akala talaga namin nakuha kana ni Papa halos apat na araw ka ding nawala."ani ng binata habang sinusundan ang kapatid papasok ng kusina.
"Pinasok ng mga putanginan yun ang ang penthouse ko."sagot ni Luther bago kuhanin ang beer sa loob ng ref at buksan.
"Alam namin nanggaling din dun si Hellion."sagot ni Trigger na kinatigil ni Luther at kinalingon sa kapatid.
"Hindi basta mga tao ang namasok sa penthouse."ani ni Luther sasagot na sana si Trigger ng sumulpot kung saan si Hector.
"Saang impyerno ka naman sumuot kuya Luther?"bungad ni Hector na kinangiwi ni Luther.
"Mukha ba akong demonyo para sumakabilang impyerno?"balik na tanong ni Luther bago laklakin ang hawak na beer at---.
"Lumalablyf kana kapatid?"bungad ng binatang si Jedal bago akbayan ang kapatid na si Hector na nasa pintuan na kinabuga ni Luther ng iniinom na alak.
"Putangina mo Jedal."mura ni Luther habang inuubo na kinangisi ni Jedal na kinatakhan ni Hector at Trigger.
"May girlfriend na si Kuya?"tanong ni Trigger.
"Ayun o may kissmark siya."turo ni Jedal sa pisngi ni Luther na kinakunot noo ng binatang si Trigger.
"May kissmark bang kulay violet?mukha namang nasunt---."
"Malay mo ganyan talaga magmahal ang girlfriend niya nanapak"putol ni Jedal na---.
"Damn!"mura ni Jedal ng may lumipad na saging sa mukha niya.
"Tigil tigilan mo ako Jedal tss."pikon na sambit ni Luther bago lampasan ang mga kapatid na kinatawa ni Trigger at Hector.
"Late blooming ka kuya yung pisngi mo nagviviolet!"sigaw ni Jedal na mas kinatawa nito ng itaas ni Luther ang middle finger niya habang nakatalikod.
"Ano bang ginagawa niyong dalawa dito sa penthouse ko?"tanong ni Hector na kinatingin nina Trigger at Jedal.
"Pinasok kagabi yung penthouse ko ayun abo na."sagot ni Trigger bago tingnan si Jedal.
"Yung akin pinasabog ni Devil aanhin ko pa daw yung penthouse kung saan saan naman daw ako natutulog."sagot ni Jedal na kamuntik ng kinahulog ni Hector mula sa kinauupuang highchair.
"Now I know kung bakit mo nasabi yun kanina kay Kuya Luther relate ka pala."komento ni Hector na kinahagalpak ng tawa ni Trigger habang si Jedal naman ay nakangiwing kinain ang saging na binato ni Luther.