12

694 Words
3rd Person's POV; "Hindi ako natutuwa sa nalalaman ko Harmony."malamig na sambit ng nangangalang Empress na kinatigil ng dalaga. "Hindi mo kilala ang mga taong nakakasalamuha mo...kaya mas mabuti pang itigil mo na ang kahibangan mo."dagdag ng Empress na kinatigil ng dalaga. "Empres---." "Isa sila sa mga demonyong dapat binubura sa mundo."putol ng empress na kinalamig ng dalaga. "Empress hindi sila masamang tao katulad ng---." "Isa ang taong sinusundan mo sa mga tagapagmanang ng mga Aragon...Aragon na pumatay ng libo libong mga tao para sa kayamanan,impluwensya at kapangyarihan...mga Aragong umubos sa kalahati ng miyembro natin."putol ng empress na kinayukom ng kamao ng dalaga habang nakayuko. "Pag pinagpatuloy mo pa ang kahibangan mo Harmony...kami na mismo ang papatay sa taong kinahuhumalingan mo."sabat ng isa sa mga miyembro na may hawak na Lyre. "At malakas ang pakiramdam ko isa din sakanila ang kasalukuyang humahunting satin."sabat pa ng babaeng may pulang balabal. "Humahabol?"ulit ng babaeng may hawak na Lyre. "Tauhan sa gobyerno ang isa sa mga Aragon."dagdag ulit ng babae na kinagat labi ng dalaga. "E-Empress hindi sila k-katulad ng iniisip mo papatunayan kong hindi sila masamang ta---." "Tigilan mo na ang kahibangan mong ito Harmony...at kung ano man yang nararamdaman mo mas mabuting pigilan mo na dahil may sinumpaan kang tungkulin sa organization."putol ng empress na kinatigil ng dalaga bago mabilis na lumuhod sa harap ng babaeng may puting hood. "Empress nagmamakaawa ako hindi siya masamang tao kaya kong patunayan yun ilang buwan ko na din siyang sinusundan at alam kong iba siy---." "Nagagawa mong lumuhod sa harap ko dahil lang sa lalaking yun?ano ba siya sayo Harmony?"walang emosyong putol ng Empress kay Harmony na kinabato nito sa kinaluluhuran. "Empress kailangan na natin tapusin ang mga Aragon sa mas madaling panahon hindi pwed---." Napatigil sa pagsasalita ang babaeng may hawak ng Lyre ng bahagyang itaas ng Empress ang kamay. "Meron tayong batas na kailangang sundin at kung totoo man ang sinasabi ni Harmony siya ang mismong pupunta dito."ani ng Empress ma kinalaki ng mata ng dalaga bago iangat ang tingin nito. "Empress hind---."bago pa maituloy ng dalaga ang sasabihin iniangat ng empress ang hawak na puting plawta hanggang sa unti unting nakaramdam ng antok ang dalaga ng patugtugin ito ng Empress. --- "Dre anong hinahanap mo?"tanong ng binatang si Hector ng makita si Luther na nakaupo sa harap ng laptop kung nasan nakaconnect ang mga CCTV cameras. "Wala may chinicheck lang ako."bulong ng binata bago tumayo at naglakad palabas ng control room. "Mag iisang linggo na siyang hindi nagpapakita."bulong ng binata na kinabuga nito ng hangin bago bumaba ng hagdan. "Pupunta kana ba?"bungad ni Jedal na mukhang kagagaling ng kusina kasunod si Khairo na hawak ang pisngi. "Anong nangyari sa labi mo Jedal?"tanong ni Luther bago tingnan si Khairo na umismid. "Nagsuntukan kayong dalawa?"tanong ng binata sasagot sana si Jedal ng sumunod na lumabas ang asawa ni Khairo na si Denise na may hawak na first aid kit. "Yang kapatid mo kasi muntikan ng masaktan si Ivolyn nalaman nitong si Khairo ayun nasuntok tapos nitong umaga sumugod dito si Ivolyn si Khairo naman ang sinapak."sagot ni Denise na kinangiwi ng binatang si Luther. "Kuya tumawag si Kuya King...kailangan ka niya sa orphanage."ani ni Trigger habang nakaupo sa sofa at bagyang iwagayway ang hawak nitong phone. --- "Kailangan na nating madala sa ibang lugar ang mga batang ito Luther."ani ni ng binatang si King habang nakatingin sa dalawang batang nasa swing. "Bakit kasi ayaw niyo pang kunin?"tanong ni Luther hahakbang ito para lapitan ang dalawang bata ng harangin siya ni Daimos gamit ang kaliwang kamay nito. "Hindi ko gusto ang tingin ng batang yan."komento ni Daimos ng makitang mag angat ng tingin ang batang lalaki ng humakbang ang binatang si Luther. "Ano bang sinasabi mo--."naputol ang sasabihin ni Luther ng dumampot ng maliit na sanga ng puno si King at ihagis yun sa tatapakan sana ni Luther. "f**k!"mura ni Luther ng makitang mahati yun sa apat bago lumagapak sa lupa. "Isa pa din siyang Aragon."komento ni King bago nakangising nakatingin sa batang lalaki. "Kailangan natin mapasunod yung batang babae pero pano natin gagawin yun kung ayaw niyang sumama?"frustrated na tanong ni Luther habang hinihilot ang sintido niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD