14

972 Words
3rd Person's POV; "Bakit ka nakatingin?"tanong ng dalaga ng makitang titig na titig sakanya ang binata. "Hindi ka ba gaganti dahil sa nangyari?"tanong ng binata na kinatigil ng dalaga. "Kung gaganti ako maibabalik ba nun ang buhay ng mga ate ko?"sagot ng dalaga bago marahang haplusin ang kulay asul niyang buhok. "Minulat kami ni papa bilang anino ng mga Aragon ngayong nawala kami para na lang kaming hangin na kung saan saan nakakarating...para magkaroon ng silbi mas pinili naming mag sistensya sa mga taong halang ang kaluluwa."Ani ng dalaga. "Harmony."tawag ng binata bago kuhanin ang kaliwang kamay nito na kinatingin ng dalaga. "Patawad."bulong ni Luther bago halikan ang likod ng palad kung saan ang marka ng mga Lacson. "A-Anong g-ginagawa mo?"nauutal na tanong ng dalaga bago hilahin ang kamay na hawak ng binata. "Sira na ba ang ulo mo bakit---." "Kailangan kita Harmony."putol ng binata na kinatigil ng dalaga. "Hindi bilang Aragon.. kailangan kita bilang ikaw hindi bilang isa sa miyembro ng Death Squad o isang Lacson."dagdag ni Luther habang matamang nakatingin sa mata ng dalaga. --- "Ate sila ba ang tagapagmana ng mga Aragon?yung mga aalagaan natin pag nasa legal age na tayo?"bulong ng batang babae habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa malawak na field habang napalalibutan ng mga maid at black in men. "Hindi sila."sagot ng batang babae na nasa edad simpung taong gulang na kinatingin ng batang babae. "Sila ang mga Aragon diba?"tanong ng batang babae na kinailing ng kausap na dalagita bago hilahin ang batang babae kung saan. "Hindi ko pa pala sila pinapakita sayo."ani ng babae bago sila lumabas ng garden. Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa likod ng mansyon na kinagulat ng batang babae. "Hindi ko alam na meron pang isang mansyon dito at---."tinakpan ng dalagita ang bibig ng kapatid at nagtago kung saan ng may grupo pa ng mga bata ang lumabas na nakakadena ang mga paa nito at braso habang may dala na kung ano anong deadly weapon na kinalaki ng mata ng batang babae. "Sila ang tunay na mga Aragon."bulong ng dalagita habang nakatingin sa mga batang napapalibutan ng ilan sa angkan ng mga Lacson at daan daang black in men na nakayuko. "Hindi ko maintindihan ate bakit sila nakakad---." "Balang araw maiintindihan mo din pero sa ngayon kailangan na nating bumalik dahil bawal tayo dito."bulong ng dalagita habang nakatingin sa mga batang walang buhay na naglalakad papasok sa isang underground facilities na hindi kalayuan sa palasyong pinanggalingan. --- "Ano bang problema mo ha?!"sigaw ng lalaking may asul na mga mata bago sunggaban ito at matumba sa sahig na dahilan para magkagulo ang mga black in men habang ang mga batang kasama nito ay matamang nakatingin lang sa dalawang batang kasalukuyang pinipigilan ng mga black in men. "Anong nangyayari?"bulong ng batang babae habang nakasilip sa poste na hindi kalayuan sa mga bata. "Bitawan niyo ako!"sigaw ng batang lalaki na kinalaki ng mata ng batang babae lalo na ng damputin nito ang patalim at balewalang sinaksak ang mga tauhang tinatangkang pigilan siya. "Ohmygosh."gulat na gulat na sambit ng batang babae habang nakatingin sa batang puti ang buhok na galit na galit na sinugod ang mga sariling bantay. "Masyado kang mainit."walang buhay na sambit ng batang lalaki na nakaupo sa natumbang puno katabi ang isa pang batang lalaki na kumakain ng chocolate. "Bakit hindi ba totoo?kinalimutan kana ng mama mo diba kaya nga magpasalamat ka na lang andit---f**k!"mura ng batang lalaki ng walang kaano anong saksakin siya ng batang lalaki. "Anong klaseng mga bata sila?"gulat na gulat na sambit ng batang babae habang nakatingin sa grupuhan na nasa gitna ng field. --- "Umuwi na tayo."ani ng binata bago iabot ang kamay nito sa dalaga. "U-Uuwi?"tanong ng dalaga na kinangiti ng binata. "Mister h-hindi kasi pwede m-may responsibilidad ako at---." "Naiinitindihan ko naman yun Harmony iba na ang mundo mo sakin pero sana wag mo ng uuliting hindi magpakita ulit sakin."putol ng binata na kinalambot ng ekspresyon ng dalaga. --- "Kuya Daimos hindi mo ba talaga magagawan ng paraan yung tatlo?"tanong ng binatang si Trigger habang naiinis na binato ang small knife sa pader. "Kung sina Kuya Phantom ang tinutukoy mo...wala."sagot ng binatang nag aassemble ng baril sa gilid. "Alam mo namang hindi magkakasundo ang mga yun lalo na si Kuya Phantom walang sinusunod ang gagong yun maliban kay Kuya L."nakangiwing sabat ni Jedal na may hawak na beer. "Pero nasa iisang Organization sila diba?"tanong ni Trigger na kinatingin ng dalawa. "Anong Organization?"tanong ni Daimos na kinaismid ng binata. "May nasabi sakin minsan yung personal butler ko minsan ng nagkagulo sa underground dahil sa tatlong Aragon at mukhang silang tatlo yun dahil sating magkakapatid sila lang naman ang may mga illegal transactions at hindi magkasundo sundo."sagot ni Trigger habang pinaiikot ikot ang patalim sa kamay niya. "Damn it!nasaan si kuya Hector!"napatingin ang tatlong binata ng walang kaano anong pumasok ang duguang si Killua habang hila hila ang kasintahang si Lucky na ni walang galos ni isa. "What is it?"walang buhay na bungad ni Hector ng buksan nito ang kabilang pinto kung nasaan ang opisina niya. "Kuya holloween na ba?"tanong ng kakambal nitong si Hellion na nakakapit sa kasintahang si Ara na nag aalalang nakatingin sa dalawang bagong dating. "Inisa isa na tayo kuya Hector ano ng plano mo f**k it."nanggigil na tanong ng binatang si Killua na kinatingin nila ng bumukas ulit ang pinto at pumasok ang binatang si Luther na may benda sa ulo. "Wala tayong dapat gawin."sabat ng binatang si Luther bago umupo sa pang isahang sofa. "Anong wala kuya?!binubulabog na tayo nina papa walang gagaw---." "May plano na tayo diba?ang kailangan lang natin mag antay."putol ni Luther bago tingnan ang binatang si Hector na naglalakad palabas ng opisina habang hawak ang laptop. "Tungkol sa Ignite org. guys may bad news ako."panimula ni Hector bago tingnan ang mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD