3rd Person's POV;
"Tagilid tayo."komento ng binatang si Jedal bago ilapag ang hawak nitong dart.
"Kung sino man ang taong nasa likod ng organization na yun masasabi kong hindi siya basta basta."ani ng binatang si Hector bago naiinis ba itapon kung saan ang hawak nitong chip.
---
"Sila yun."bulong ng dalagang si Harmony habang nakatingin sa mga taong nagtatakbuhan kung saan ng may sunod sunod na pagbangga ang nangyari.
"Empress tauhan ng mga Aragon yan diba?"tanong ni Harmony sa babaeng nakaschool uniform na tahimik na nakaupo sa railing.
"Mga demonyo sila."walang emosyong sambit ng dalaga ng makitang paulanan ng bala ng mga tauhan ng mga Aragon ang isang restaurant na naging dahilan para magkagulo ang lahat.
"Luther."napatayo ng ayos ang dalaga ng makita ang binata na bumaba ng kotse at nanakbong lumapit sa batang umiiyak malapit sa restaurant.
---
"Sakit talaga ng ulo ko."daing ng binata habang hawak ang ulo niya ng---.
"Aahhhh tulong!"
Napakunot ang noo ng binata ng makitang nagtatakbuhan ang mga tao kung saan kaya binaba niya ang bintana ng kotse at bahagyang binagalan ang pagpapatakbo.
"Anong nangyayari?"bulong ng binata hanggang sa nakita niya ang mga tauhan ng ama niya na pinauulanan ng bala ang isang restaurant at sa gilid nun ang limang taong gulang na batang babae na umiiyak.
"Mga hayop talaga sila."madilim ang anyong sambit ng binata bago tuluyang ihinto ang kotse at tumakbo palabas para iligtas ang batang babae.
"Hoy!"napatingin ang mga black in men ng ama ng dumating ang binata.
Nang paputukan siya ng mga tauhan ng mga Aragon mabilis itong tumakbo at niyakap ang batang babae bago magtago sa likod ng poste at ilabas ang hawak nitong baril.
"Damn it nacorner na agad ako."mura ng binata ng makitang natrap siya habang yakap ang katawan ng batang babae na humihikbi.
Nang may ilang lalapit sa pwesto nila mabilis niya itong mga pinatamaas sa ulo na dahilan para paulanan ng bala ang pwesto nila.
"f**k!"mura ng binata ng madaplisan siya ng bala sa balikat papaputukan na sana niya ang mga tauhan ng ama mula sa labas ng bigla na lang magsisigaw ang mga ito habang nakaluhod at---.
"AAAAAH!!!"
Sunod sunod ang sigaw ng mga tao ng makitang sumabog ang ulo ng mga black in men ng ama at duguang bumagsak sa sahig.
Nang tumigil ang putukan mabilis na tumakbo ang bata palayo at pumasok sa restaurant kahit nahihirapan tumayo si Luther at hinabol ang bata paloob.
"Bata."tawag ni Luther sa batang babae ng umiiyak lang ito habang nakaluhod sa harap ng dalawang babae at isang lalaki na mukhang pamilya ng batang babae.
Hindi nagsasalita ang bata pero patuloy pa din ito sa pag uga sa pamilyang kasalukuyan na naliligo sa sariling dugo.
---
"Anong iniisip mo?"tanong ng dalagang si Harmony ng kinagabihan nakita niya ang binatang si Luther na nakaupo sa gilid ng kama habang may hawak ng can ng beer na hindi pa bukas.
"Ilang beses na ako nakakita ng ganung eksena pero hanggang ngayon hindi pa din ako nasasanay."sagot ng binata bago tingnan ang dalagang nakatayo sa harapan niya.
"Hindi ko iniexpect na manggagaling yan sa isang Aragon."sagot ng dalaga bago umupo sa tabi ng binata at bahagyang humilig sa balikat nito.
"Nakakatawa ba?"tanong ng binata na bahagyang kinailing ng dalaga.
"Narealize ko lang na kahit sa impyerno kayo lumaki at nagkamuang may puso pa din kayo para sa ibang tao."sagot ng dalaga.
"Nung bata ako tuwing may pinapatay ako iniisip ko lang pag namatay sila hindi na sila maghihirap para sakin ang kamatayan ay isang kalayaan pero tuwing may nakikita akong batang umiiyak sa mga taong pinatay o napatay ko ilang segundong pumapasok sa isip ko na...tama ba ang ginagawa ko?"ani ng binata bago sumandal sa gilid ng kama at bahagyang tumingin sa kisame.
----
"Hayop kang bata ka!"sigaw ng lalaking nasa mid 20's bago ibato ang hawak nitong patalim sa batang nasa siyam na taong gulang pero bago pa yun tumama sa bata mabilis itomg tumalon at walang kaano anong sinipa ang patalim bago bumaon sa dibdib ng lalaking target.
"K-Kuya! Kuya!"sigaw ng batang babae na nasa walong taong gulang bago tumatakbong nilapitan ang lalaking wala ng buhay.
"Good job Luther."papuri sakanya ng ama bago marahang pumalakpak na kinadilim ng anyo ng batang lalaki.
Pero imbis magsalita walang kaano anong tumalikod ito kasunod ang ilan sa mga gwardya nito.
Kasunod ng pagputok ng baril ang pag pikit ng madiin ng batang lalaki kasabay ng hiyawan at tawanan ng mga kabusiness parter ng ama.