3rd Person's POV;
"Harmony?"tawag ng binata ng bumalik siya sa gubat kung saan niya unang nakita ang dalaga at kung saan siya nito dinala ng sumabog ang penthouse niya.
"Anong ginagawa mo dito?"napatigil ang binata ng may lumabas na babaeng nakaitim din na hood.
"Nasaan si Harmony?"tanong ng binata habang nakatingin sa hawak nitong plawta na itim.
"Hindi ikaw si Harmony nasaan siya?"tanong ulit ng binata na kinataas nh gilid ng labi ng dalaga.
Luther's POV;
'Pinaglalaruan ba nila ako?'Naiinis na tanong ko sa sarili ko ng may lumabas pang tatlong babaeng nakaitim na hood.
Wala dito si Harmony hindi ko alam kung pano ko nalaman pero malakas ang kutob ko na wala sakanila ang babaeng hinahanap ko.
Parepareho sila ng height,pangangatawan at lahat sila may hawak na itim na plawta pero alam kong wala dun ang totoon plawta ni Harmony.
"Nasaan si Harmony?"medyo naiinis na tanong ko bago libutin ang paningin ko sa paligid.
"Alam mo ba kung nasaan kang teritoryo?"ani ng isang boses na kinatigil ko lalo na ng may lumabas na babaeng nakaputing hood.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng bigat sa presensya niya.
"Sino ba kayo? Nasaan si Harmony?"tanong ko habang nakatingin sa babaeng may hawak na plawta na kinataas ng gilid ng labi nito.
"Alam mo ba kung kaninong teritoryo ang tinapakan mo ngayon?"balik tanong nito na kinakunot ng noo ko hanggang sa mapadako ang tingin ko sa kanang bahagi ng kamay ng babaeng may puting hood na kinalik ng mata ko lalo na ng makita ko ang tattoo na nasa likod ng palad ng babae.
"I-Isa ka sa mga Lacson."hindi makapaniwalang ani ko ng makita ko ang marka ng mga Lacson.
"Hindi nakakagulat na kilala mo kami."ani nito bago humakbang palapit sakin at walang kaano anong inikutan ako na kinayukom ng kamao ko.
"At alam mo na din siguro ang ginawang kademonyohan ng ama mo sa pamilya namin diba?"dagdag ng babae na kinatahimik ko.
Dahil kahit ako aminado talagang walang kaluluwa at demonyo talaga ang ama ko.
"Ilang dekadang pinaglingkuran ng mga ninuno namin ang pamilya niyo naging tapat sainyo ang pamilya ng mga Lacson pero anong ginawa niyo?"dagdag nito bago tumigil sa harap ko at madilim ang anyong tiningnan ako.
"Sinunog niyo ang buong pamilya namin dahil sa natakot kayo sa mga alam at kaya naming gawin."may galit na sambit nito bago ako kwelyuhan at walang kaano anong itulak.
"Wala akong intensyon na kahit ano sainyo...gusto ko lang makita si Harmony."bulong ko na kinadilim ng anyo nilang lahat.
"Lakas din talaga ng loob mo."komento ng isa sakanila na kinamura ko.
Hindi maganda ito pero hindi ako papayag na hindi ko na makita si Harmony.
Harmony's POV;
"A-Aray ko."daing ko ng makaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo at--.
"N-Nasaan ako?"tanong ko ng pagmulat ko ng mata nasa katawan ako ng puno at may mga nakapalibot saaking baging.
"Si Empress."bulong ko ng maalala ang nangyari ibig sabihin niya pinatulo---.
"Ohmygosh."react ko ng magbaba ako ng tingin nakita ko si Mr.Green eyes na nakadapa sa sahig at duguan
"Anong nangayari?!"sigaw na kahit nahihilo pilit kong tinatanggal ang mga baging sa katawan ko ng makawala ako mabilis akong lumapit sa pwesto ni Mr.Green eyes na kahit madumi at puno ng dugo kilalang kilala ko.
"Mr.Green eyes anong nangyar---."naputol ang sasabihin ko ng lumabas kung saan sina Empress.
"Ate!may usapan tayo diba?!hindi mo siya gagalawin please ate wag mo siyang papatayin lalayuan ko na siy---."
"Umalis na kayo."putol ni ate na kinatigil ko.
"Nakapasa siya."sabat ni Ate Song na kinalaki ng mata ko anong pasa?
"Anong ibig niyong sabihin?"tanong ko imbis sumagot tumalikod na sila at naglakad paalis.
"H-Harmony."napatingin ako kay Mr.Green eyes na nasa braso ko ng marinig ko itong magsalita.
"Ano ba kasing naisipan mo at pumunta ka dito?alam mo bang para mo na ding hinarap si kamatayan sa pagtapak mo dito."bulong ko bago yakapin ang ulo ni Mr.Green eyes na walang malay.
3rd Person's POV;
"Buti naman gising kana."ani ng dalaga ng makitang nagmulat na ng mata si Luther habang hawak ang ulo niya.
"H-Harmony."nanghihinang sambit ng binata ng makita ang dalaga na umupo sa kahoy na papag.
"Anong ginawa nila sayo ayos---."
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil sa nangyaring yun sakin."putol ni Luther na kinatigil ni Harmony.
"Ginamit nila ang plawta sayo?"tanong ng dalaga imbis umimik umiwas ng tingin ang binata.
"Wala ka bang alam sa ginawa ng pamilya ko sa pamilya mo?"tanong ni Luther na kinatigil ng dalaga.
"A-Alam ko...nung una pa lang kita makita,alam kong isa ka na sa mga tagapag mana ng Aragon."sagot ni Harmony na kinatingin ng binata.
"Anim na taon ako ng makita ko ang pagsunog ng buhay ng ama mo sa buong angkan ko."dagdag ni Harmony na kinalamig ng binata.
Lalo na ng tanggalin ng dalaga ang suot nitong hood habang nakayuko.
"Yung batang---."
Naputol ang sasabihin ng binata ng mag angat ng tingin ang dalaga.
"Isa ako sa limang bata na nailigtas mo kasama yung lalaking may dragon sa likod."