3rd Person's POV;
"Bakit kailangan mo siyang sundin?"tanong ng binatang si Claude sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sakanya habang may kung anong tinitipa sa hawak na laptop.
"Hindi natutuwa s---."
"Hindi ka naman pumunta dito para maging messager niya diba?"walang emosyong putol ng lalaki na ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap.
---
"Luther!!!"sigaw ng dalagang si Harmony ng makitang ihagis kung saan ang binata at---.
"W-Wag kang l-lalapit!"pilit na sigaw ng binatang si Luther bago kuhanin ang baril na nadampot sa ilalim ng sofa at tinadtad ng bala ang tatlong robot na papalapit sakanya ng---.
"s**t!"mura ng binata ng makitang hindi man lang nagasgasan ang mga robot.
"Target...06 programming..."
"S-Self distruction."nanlaki ang mata ng dalaga ng sabihin nitong self distruction.
"Activate...activate."
"Luther!"sigaw ng dalaga tatakbo na ito palapit sa pwesto ng binata ng---.
"Luther!"sigaw ni Harmony ng tumalsik siya palabas dahil sa impact ng pagsabog sa mansyon.
Luther's POV;
"Kuya nilalamig ako."ani ng kapatid ko habang balot na balot sa kumot.
"Nagpaulan ka kasi yan tuloy."sagot ko bago pumasok sa kumot ng kapatid ko at yakapin siya para sa body heat.
"Kuya."ani ni Laila na kinatingin ko.
"Ikaw ang the best kuya para sakin."bulong ng kapatid ko na kinatawa ko ng mahina.
"Ang taas na ng lagnat mo nagagawa mo pa akong bolahin."ani ko bago yakapin ng mahigpit ang kapatid ko.
"Ay naku kang bata ka nilalagnat ang kapatid mo lumapit ka pa talaga."napatingin kami pareho ni laila kay mom ng pumasok ito sa kwarto ni Laila na may dalang tray.
"Mama!ayoko ng gamot."nanlalaki ang matang sambit ng kapatid ko bago sumiksik sa dibdib ko.
"Aba'y hindi pwede kailangan mong uminom ng gamot para gumaling ka."ani ni mama bago hilahin paupo ang kapatid ko na dahilan para mapaupo din ako dahil sa yakap ako ni Laila.
"Ihh ayoko mama masama lasa nan huhu."naiiyak na sambit ng kapatid ko bago itago ang mukha niya sa dibdib ko.
"Laila hindi masama lasa nan tingnan mo iinom si kuya."ani ko bago kuhanin yung hawak ni mama na kinalaki ng mata ni mama.
"Luther wa---."
"Kitams nakaya ni Kuya kaya mo din kaya uminom ka."ani ko bago kuhanin yung nasa tray at maglagay ulit sa kutsara.
"Talaga kuya masarap ito ah."ani ng kapatid ko bago isubo yung kutsara na may lamang gamot ng mainom niya yun pinainom ko agad siya ng tubig.
"Teka lang."ani ko bago dali daling tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ni Laila at--.
"Luther!"rinig kong sigaw ni papa ng umubo ako at napasuka dahil sa gamot.
"Ohmygosh."react ni mama bago lumuhod sa harap ko ng umubo ako ng umubo.
"Ikaw talagang bata ka bakit ka uminom ng gamot!tingnan mo nangyayari sayo!"nag aalalang sambit ni mama bago sigawan si papa na hawak na ang telepono.
"Doc Tayson pakibilisan lang please."rinig kong sambit ni papa bago ako lapitan.
"S-Sorry mama*cough*"bulong ko.
---
"Laila ginagawa mo namamg bakla yang kuya mo bakit diyan ka pa nagpapaipit."ani ni mama na kinangiwi ko.
"Mama ang gaan kasi ng kamay ni Kuya ang sarap sa buhok hihi."humahagikhik na sagot ni Laila na kinailing ni mama bago ako tingnan sa likod ni Laila.
"Ikaw na bata ka iniispoild mo yang kapatid mo."ani ni mama imbis sumagot ngumiti lang ako.
Hindi ko iniispoild si Laila mahal na mahal ko lang talaga ang kapatid ko yung tipong lahat gagawin ko maprotektahan lang siya.
"Kuya pag laki ko papakasalan kita hihi."ani ng kapatid ko na kinatawa ko ng mahina.
"Laila hindi pwede magkapatid tayo iisa mama at papa natin."sagot ko habang sinusuklayan ang mahabang buhok ni Laila na tuwing umaga ko ginagawa.
"Ihh di hindi na ako mag aasawa kung hindi din naman ikaw makakasama ko hmmp."banat pa ng kapatid ko na kinatawa ko.
"Sa next life natin pag hindi na kita kapatid baka pwede na kitang maging asawa."sakay ko sa banat niya na kimatingin niya sakin.
"Next life?!yes sabi mo yan kuya ah sa next life ko hahanapin kita tapos lahat ng ginagawa mo sakin ngayon sayo ko naman gagawin hihi aalagaan at poprotektahan din kita."ani ng kapatid ko na kinatigil ko.
"Why kuya?"inosenteng tanong ng kapatid ko na kinailing ko.
"Wala naman Laila wag mong isipin yun sobrang tagal pa mangyayari yun noh."ani ko bago siya yakapin na kinahagikhik niya bago ako yakapin pabalik.
"Iloveyou Kuya."