3rd Person's POV;
"Laila."bulong ng binata ng pag mulat niya ng mata bumungad sakanya ang asul na kalangitan na kinakurap ng mata niya.
"N-Nasaan ako?"bulong ng binata ng pagbangon niya para siyang nasa isang paraiso na sobrang ganda.
"Anong lugar---."
"M-Mama."naputol ang sasabihin bg binata ng makita ang ina sa hindi kalayuan sa kinauupuan niya.
"Mama!"sigaw ng binata bago tumakbo at niyakap ng mahigpit ang ina na naiiyak na nakatingin sa anak na lalaki.
"Ang anak ko."umiiyak na sambit ng ginang bago yakapin ng mahigpit ang anak na nagsisimulang umiyak na din.
"Mama nakita na ulit kita hindi na tayo magkakahiwalay magkakasama na tayo nina Laila."ani ng binata bago lumayo at marahang haplusin ang pisngi ng ina na lumuluhang pinagmamasdan si Luther.
"A-Anak hindi pwede."ani ng ginang na kinatigil ng binata.
"Ano bang sinasabi mo mama andito na ak---."
"Anak ito pa lang ang simula ng buhay mo."putol ng ginang bago haplusin ang pisngi ng anak.
"Pero mama pagod na ako ayoko na mama."bulong ng binatang si Luther na kinahagulhol ng ginang dahil sa naging saksi din ito sa paghihirap ng anak mula ng isilang ito.
"Gusto ko na lang manahimik mama ayoko na."nanghihinang sambit ng binata bago humilig sa balikat ng ina na umiiyak dahil sa nakikitang pagdurugo ng katawan ng anak.
"Anak alam kong nahihirapan kana...pero kailangan ka niya."bulong ng ginang bago marahang haplusin ang buhok ng anak.
"Kailangan ka nila."bulong ng ginang ng makitang iangat ng anak ang kamay nito na puno ng dugo.
---
"N-No!L-Luther!"sigaw ni Harmony ng makitang tumunog ang Heart monitor ng binata na kahit may pilay at benda hindi ito ininda ng dalaga at tumakbo kung nasaan ang kama ng binata.
"Ohmygod!"react ng dalagang si Ivolyn ng umiling ang mga doctor na nag checheck sa katawan ng binata.
"K-Kuya."napahagulhol ang mga babae sa loob ng kwarto ng pilit ng ni rerevive ng mga doctor ang katawan ng binata habang ang mga binatang Aragon ay tila nabato sa kinatatayuan habang nakatingin sa katawan ng kapatid na wala ng buhay.
"S-Sabihin n-niyo n-nagkaproblema lang yang putanginang heart monitor niyo diba?"nagdidilim ang anyong tanong ng binatang si Killua habang nakaturo sa bagay na nag iingay sa buong kwarto.
"H-Hindi mamatay s-si K-Kuya."ani ng binatang si Hellion ng mabitawan nito ang hawak na ice cream habang nakatingin sa heart monitor na nasa gilid ng kama ng kapatid.
"Nagkaproblema lang yan!kuya Hector!"sigaw ng binatang si Hellion bago tumakbo sa kapatid na nakatulala sa sulok.
"Kuya!ayusin mo yung kahon na maingay may sira lang yun buhay si Kuya Luther."parang tangang sambit ng binata habang hawak ang kwelyo ng kakambal at inuga uga.
"Sabihin niyong buhay ang kapatid ko."madilim ang anyong sambit ng binatang si Trigger na kinaputla ng todo ng mga doctor.
"Luther!gumising ka please hindi ka pwedeng mamatay!Luther naman hindi magandang biro ito."umiiyak na sambit ng dalaga habang yakap ang katawan ng binata na puno ng benda.
"Gumising ka Luther nagmamakaawa ako wag mo akong iwan!"ani ng dalaga habang humahagulhol na nakahiga sa dibdib ng binata at parang tangang pinakikiramdaman ang t***k ng puso ng binata.
"D-Diba sabi mo kailangan m-mo ako?isasama mo ako."dagdag ng dalaga bago pumikit ng madiin.
"Yung sabi mo na masaya ka dahil tinabihan kita matulog tapos kinakantahan kita yung pinagluto kita uulit ulitin ko yun Luther...kahit habang buhay ko gagawin yun okay lang makita lang kitang buhay at masaya."umiiyak na sambit ng dalaga bago yakapin ng mahigpit ang binata.
"Bumalik ka lang Luther*sob*balikan mo lang ako."