3rd Person's POV;
"Hindi ka ba aalis ngayon?"tanong ng binata ng makita ang dalaga sa kusina na nagluluto.
"Wala yung ilang members namin hindi pa din kasi sila bumabalik kaya dito muna ako."sagot ng dalaga ng maramdamang yakapin siya ng binata mula sa likod na kinabato nito sa kinatatayuan.
"A-anong g-ginagawa mo?"nauutal na tanong ng dalaga lilingunin niya ito ng mas yakapin pa siya ng binatang si Luther.
"Sa unang pagkakataon gumising ako ng magaan ng pakiramdam ko kaya masaya ako."sagot ng binata na kinatikhim ng dalaga bagi haluin ang niluluto nitong sinangag.
"A-At anong connect ko dun?"tanong ng dalaga habang pilit na tinatago ang pag init ng pisngi niya.
"Dahil sa magdamag mo akong kinantahan hindi ako nagkaroon ng kahit anong masamang panaginip plus katabi pa kita at nagising akong mukha mo agad ang bumungad sakin pinagluluto mo pa ako."sagot ng binata na kinangiti ng dalaga lalo na ng parang bata itong sumiksik sa leeg niya na kung sino mang makakakita iisiping mag asawa sila.
"Mukha kasing ang sarap ng tulog mo kaya ako na nagluto nagugutom na din naman ako."sagot ng dalaga bago patayin ang apoy at harapin ang binata na dahil sa kapre ang kaharap niya tumama ang ilong niya sa dibdib ng binata na kinatawa ni Luther ng makitang manlaki ang mata nito ng makitang wala itong pangtaas.
"Luther Aragon!bakit ka nakahubad?!"bulyaw ng dalaga na halos magkulay kamatis ang pisngi ng dalaga at parang napapasong lumayo ito sa pagkakayakap ng binata.
"Pfft haha ang cute mo Harmony."komento ng binata ng tumalikod ito habang nagpapadyak.
"Bwisit ka m-magbihis ka nga!"utos ng dalaga habang nakatakip ang mukha.
"Haha ito na nga magbihihis na nga."sagot ni Luther bago lumabas ng kusina para kunin ang damit sa sofa kasama ang tuwalya ng---.
"Panira talaga."naiinis na bulong ng binata bago sipain ang hand gun na nasa ilalim ng unan kasabay ng pagtalsik ng baril sa ere ang pagbukas ng pinto ng masalo ito ni Luther mabilis niyang pinaputukan ang mga pumasok sa loob ng mansyon.
"Luther!"sigaw ng dalaga bago pa ito makalabas gamit ang tuwalya tinakpan nito ang mukha ng dalaga at hinila papasok ng kusina ng paulanan sila ng bala ng mga tauhan ng ama.
"Luther yung plawta ko nasa sala."ani ng dalaga na kinatingin ng binata.
"Walang magagawa ang plawta mong yun ngayon mga robot ang nasa labas."sagot ng binata na kinasilip ng dalaga ng paputukan siya ng mga nasa labas mabilis itong tinago ni Luther sa dibdib niya bago ikasa ang baril na hawak at ibigay yun kay Harmony.
"Kunin mo ito."ani ng binata na kinatingin ng dalaga.
"Pano ka?isa lang ang baril---."
"I can protect myself Harmony."putol ng binata bago tumingin sa paligid.
"Mukhang kasya ka sa bintana duon ka dumaan umalis kana dit---."
"No hindi ako aalis."putol ng dalaga bago tumayo at tanggalin ang suot nitong shinelas.
"Kung mamatay ka sama na ako sayo."dagdag ng dalaga na kinalaki ng mata ng binata.
"Sira na ba ang ulo mo?!"may diing sambit ng binata na kinataas ng gilid ng labi ng dalaga.
"Siguro nga sira na ulo ko para sumama sa duwag na tulad mo."sagot ng dalaga na kinalambot ng ekspresyon ng binata.