19

484 Words
3rd Person's POV; Halos himatayin ang mga doctor sa loob ng silid ng makita ang pagdidilim ng mukha ng mga Aragon habang nakatingin sa kama kung saan nanduon ang walang buhay na katawan ng kapatid. "Lintik lang ang walang ganti."madilim ang anyong sambit ng binatang si Killua hahakbang ito palabas ng silid ng itaas ni Hector ang braso nito para harangan ang pinto na kinatingin ng magkakapatid na Aragon. "Kung sasabihin mong kumalma ako sa lagay na ito Hector magkamatayan na pero kung pipigilan mo ako kung kinakailangan baliin ko ang mga buto mo mapatay ko lang ang mga hayop na yun gagawin ko."madilim ang anyong sambit ng binata na dahilan para lumapit din ang ibang Aragon. "Sinong may sabing pipigilan ko kayo?"walang emosyong sambit ng binata bago tingnan ang mga kapatid. --- Nang araw na din yun nagkagulo ang lahat ng tao ng sunod sunod ang patayang nangyayari sa pagmamay aring establishment ng mga Aragon mapa emplayado o tauhan hindi pinalalampas ng magkakapatid na Aragon. "Haha hindi ko inaakalang makakagawa ka ng mga halimaw na ganyan Lord Aragon."komento ng isa sa mga nasa loob ng silid kung nasaan ang matandang Aragon na ngayon ay madilim anyong nakatingin sa Malaking screen kung nasaan kitang kita kung pano sunugin at wasakin ng mga anak ang mga pinaghirapan niya ng ilang taon. At kung pano wasakin ng mga ito ang mga Robot na pinag laanan niya ng ng bilyon bilyong halaga para lang tapusin ang mga suwail na anak. "Atleast umaayon lahat sa plano...ngayon hindi na tayong mahihirapan hagilapin sila."nakangising komento ng isa sa mga ito habang umiinom ng wine. --- "L yung mga kapa---." "Iniexpect ko na ding mangyayari ito."putol ng lalaki bago nakataas ang gilid ng labing binaba ang hawak na pawn sa chess board. "Ano ng plano mo L?"ani ng binata na kinangisi ng lalaki bago mag angat ng tingin. "Pahinging cupcake at candy."sagot ng lalaki na muntikan ng ikahulog ng binata sa kinauupuan. --- Nang makaalis ang mga binata hindi alam ng mga babae kung paano patatahanin ang dalaga na halos ayaw tumigil sa kaiiyak habang yakap ang katawan ni Luther. "Luther gumising kana please*sob*."umiiyak na sambit ng dalaga ng---. *toot*toot*toot* Napatigil ang lahat at halos mataranta ang mga doctor ng biglang bumalik ang heartbeat ng lalaki na kinahagulhol ng dalaga ng makita ang reaksyon ng mga doctor ng icheck ulit ang binata. "Thanks god*sob*bumalik siya."nanghihinang sambit ng dalaga babagsak ito ng alalayan siya ng dalagang si Ara na agad namang tinulungan ni Almira. "Ohmygod!bumalik si Luther!"tili ni Ivolyn at nagtatalon habang yakap si Denise na hindi maiwasang magtatalon ng malamang buhay ang nagsisilbing kuya nila dahil sa lahat ng magkakapatid bukod sa kasintahan nila pareparehong si Luther lang ang nagsisilbing kuya talaga nila. "L-Laila."bulong ng binata ng pagmulat niya ng mata bumungad sakanya ang mukha ng kapatid hanggang sa---. "Luther!"naiiyak na sambit ng dalaga bago yakapin ang binata ng magising ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD