✓Chapter 4

2753 Words
Chapter 4 Zyair POV “Nako! Nako!” usal ko sa pinakasagad kong nang pagtitimpi. Ipinamulsa ko ang nangangati at nanggigigil kong mga kamay at baka kung saan na naman mapunta. “Last mo na ‘yan, ha? Isa pa talaga hindi na talaga kita titingnan bilang babae.” Tumabingi ang mukha niya sa pagtaas ng sulok ng mga labi niya. “I’m Zyair Rois Ford Alejann. Are you sure you don’t know me?” I asked, giving her one last chance to rethink and escape. “Whoever you are, I don’t think it matters. Pareho-pareho tayong estudyante rito, with equal rights and privileges.” “But I can make it not equal. And you are wrong for thinking that everything is proportional here. You are in a delusional state, Kyuubi.” “Sinasabi mo bang matakot ako sa inembento mong delusion mo?” “Why don’t you ask our some classmates or schoolmates. Bago ka lang rito at absent ka pa kahapon dahil lang sa delusion mo rin kay VJ Blake?” Lihim kong ipinagtaka ang pagkabawas ng tapang sa mukha niya. Ang timpla ng emosyon ng mukha niya ay katulad ng mukha niya nang punitin niya ang mga tickets kahapon. There is a glimmering pain and weakness in her eyes. Total ay mapanakit din siya, sasakyan ko na lang ang trip niya. Maybe I can use VJ Blake as my weapon to pester her. Oh, I like the idea! Halatang-halata naman sa pagmumukha niya kahapon at ngayon kung sino ang taong iyon sa kaniya. I had tried everything to annoy her, to the point I even hurt her physically. Wala pa rin tumabla sa kaniya, matapang pa rin talaga. But this VJ Blake literally intrigued me the same as her existence. “Ano? Hindi ka makapagsalita? Do I have to guess who is he in your life?” Dahan-dahan kong tanong at punung-puno ng pang-uuyam. “Gusto mong gumawa rin ako ng kuwento tungkol sa ‘yo katulad ng ginagawa mo sa girlfriend ko?” “I know him. You don’t have to invent stuff about him,” pormal niyang wika sabay bahagyang itinuon ang paningin sa itaas. “Bakit kailangan mong manghula o mag-imbento ng mga bagay tungkol sa kaniya kung kilala ko naman siya, right?” Ngumiti siya pero hindi naman umabot hanggang sa mga mata niya. “Aba, malay ko! Mukha kang bitter at natatahimik, eh, basta nababanggit ko ang pangalan na ‘yon.” “Whatever,” bale-wala niyang sinabi at muling ibinaling ang tingin sa librong hawak ko. “Akin na ‘yan.” Inilahad niya ang palad niya. “I am not telling you false accusations about your girlfriend kaya bakit ka nagagalit sa akin?” Muling umigting ang mga panga ko sa bumalik na galit sa dibdib. “Show me your proofs then. You want me to believe you? Then where? Iladlad mo ngayon sa harapan ko.” Nanlalaki ang mga mata ko sa nag-aalburuto na namang bulkan sa loob ko. “Only time can tell,” makahulugan niyang sinabi at hinablot na ang libro. Naglakad na siya paalis. “Kung hindi mo ititigil ito, Kyuubi, mapipilitan akong hindi ka tigilan. I can make your life worse here in Kerrigan,” mahina ngunit may pagbabanta akong idiniin. “Why am I being punished for just telling the truth?” balik niya habang nakatalikod. Saglit akong natilihan sa kaniyang sinabi. Parang may natamaang hindi ko matukoy na parte ng pagkatao ko. I sense honesty, katakot-takot na honesty. Nagkulang ba ako sa pagkilala kay Nikki? Pati tuloy sarili ko ay pinagdududahan ko na rin. Nang hindi na ako makapagsalita ay nagtuloy-tuloy na siya sa paghakbang paalis. Nanatili lang akong nakasunod ng tingin sa kaniya hanggang sa pagliko niya sa isang building. “Baby, sino ‘yong kausap mo kanina?” Napalingon ako sa biglang pagsulpot ni Nikki sa likuran ko. “You had talk to a girl.” Nasa mukha niya ang lungkot at selos. “Ngayon lang kitang nakitang may kausap na ibang babae, baby. Sa ilang buwan nating-” “Shhh,” putol ko sa sinasabi niya. “S-She’s a clown... A funny creature na sobrang sarap paglaruan.” Bahagyang nabawasan ang negatibong aura sa mukha niya. Ngumiti siya at kumapit nang mahigpit sa braso ko. Unti-unting nanumbalik ang sigla niya. Kahit naman ganito ako, hindi ko naman kayang manakit ng damdamin ng babae. Babae ang Mama ko. Hindi man ako ganoon ka-sweet at ka-effort na boyfriend but at least I don’t cheat. “Nang-bu-bully ka pa rin hanggang ngayon?” She pouted and made her eyes small. “Sometimes... kapag kailangan,” sagot ko habang ang tumatakbo sa isipan ko ay ang pagmumukha ni Kyuubi. Pagkatapos ko siyang ihatid sa classroom nila ay nagpunta ako rito sa game zone. Dito kami naglalaro ng dota ng mga barkada kapag marami kaming time. Dahil wala na akong time, susunduin ko na lang sila. Naglalakad na kami pabalik sa classroom nang biglang magsalita si Harell. “Alam mo, pre, nakita namin kanina si Kyuubi mo,” nakangising balita niya. “Sira-ulo! Bakit may “mo”?” singhal ko sa kaniya. Natawa silang dalawa ni Reka. “Eh, baka ayaw mong tawagin namin siyang Kyuubi, eh. Hindi ba’t Kyuubi ang endearment mo sa kaniya?” Patuloy siya sa pangangantiyaw sa akin. “Pati ba naman ‘yon pag-iisipan ninyo?” angil kong muli. “Eh, bakit kasi Kyuubi kung puwede namang nine tails,” si Harell na tatawa-tawa. “Tigilan n’yo nga ako! Baka pag-untugin ko kayo.” This time ay totoong nagagalit na talaga ako. “Siya si Kyuubi tapos ikaw naman si Naruto, ganoon?” si Reka sa napapaisip na pagmumukha. “Iisa lang ‘yon. Meaning iisa lang sila,” si Harell na umaaktong kinikilig. “Yes, mother!” sabay nilang tili sa pinalambot na boses. Napailing na lang ako at nakangiwing itinuon ang pansin sa dinaraanan. “Mga baliw! Son of a b*tch!” bulong ko na lang sa sarili. “Nakausap mo na si Nikki tungkol sa-” “Wala namang dapat pag-usapan.” Ako na ang nagtuloy sa sinasabi ni Reka. “Pre, we all know na hindi mo naman ganoon kamahal si Nikki. Real talk, okay? Alam namin ‘yan. Kaibigan ka namin, eh. So, ano’ng pumipigil sa ‘yo para komprontahin siya?” “Hindi naman porke’t hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kaniya ay babastusin o sasaktan ko na siya. Kahit papaano, malaki ang utang-na-loob ko sa kaniya,” dahilan ko naman. Nagkatinginan silang dalawa at magkasunod na nagkibit-balikat na lang. Ewan ko na rin kung bakit. Natatakot lang siguro akong baka hindi ko magustuhan ang malalaman ko. Iyon ay kung mayroon akong malalaman o kung may magsasabi. Hindi ko dapat ‘to pinagtutuunan ng kuryosidad. Si Kyuubi ang may kagagawan nito, eh! End of Zyair’s POV Taira’s POV Dahan-dahan kong inilabas ang panyo sa bulsa ng palda ko nang maramdaman ko ang paggapang ng mainit na likido sa ibaba ng ilong. Idinampi ko ito at ibinaba upang mapagmasdan. Napabutong-hininga na lang ako nang malalim pagkakita sa dugong kumapit dito pagkatapos ay muling nagpatuloy sa paglalakad. Kumirot sa bandang kidney ko nang dahil sa suntok na natamo ko mula sa lalaking iyon. But I am feeling better now. Kasalanan ko rin naman dahil masyado akong honest. Totoong nayayabangan ako sa kaniya. Ang inis ko sa kaniya ay may kalakip na awa. Niloloko siya ng girlfriend niya. I saw his girlfriend kissing someone with my bare eyes. Well, it’s normal to me. Lots of couples kiss and make out everywhere in the US. Life there is liberated. But I am here in the Philippines and what shocked me most was the truth that it’s not Zyair whom she was kissing. I came from a breakup and I know how it feels to be betrayed by someone you loved the most. Tumigil ako sa paglalakad at muling tumingala. “Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko?” naitanong ko na rin sa sarili ko. “I am here to heal myself and not to find another cycle of riot again. But I can’t help myself to say what I just saw.” Nagpakawala ako ng hangin at lutang na muling naglakad... “Air!” Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa tumawag sa akin sa hindi kalayuan sa harapan. “Chie,” nasambit ko na lang at saka napangiti. Kumakaway-kaway siya habang tumatakbo patungo sa akin. Agad siyang sumabit sa braso ko nang makalapit at inihilig ang ulo sa balikat ko. “Mabuti na lang nakita kita agad!” malakas niyang sabi na sinabayan niya ng pagpadyak sa semento. “Kumusta?” aniya, binuhat niya ang ulo pabalik at tiningala ako. Chie has been my good friend. She’s also my manager sa naiwan kong negosyo sa US. I own and found a makeup brand in the US, Wintvis Beauty. My brand is the top one makeup brand there. Two years ago nang ma-launched ito at nakagugulat ang pagsikat nito sa buong mundo. With the help of Dad and Mommy Steph, my dream business reached its goals, to become successful and to be known. Mas lalong sumikat ito dahil I made the founder unfound. Yes, my products are famous but not me. I mean, I am famous too but covered with privacy. Meaning, my face and background are not exposed to the public. “Umuwi ka? Akala ko nagbibiro ka lang noong isang araw.” “I miss you,” aniya at ngumuso. She’s twenty-one but acting like my little sister. Kung minsan ay nakalilimutan niyang mas matanda siya sa aking ng apat na taon. “Ang hirap palang i-manage and Wintvis kapag wala ka.” Mas lalo pang nalukot ang mukha niya. Sa nakikita ko sa kaniya ay tila nadagdagan ang taon niya. “Ilang buwan pa lang akong narito, ah,” sagot ko naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad na sinasabayan naman niya. “Nahihirapan ka agad. Lagi ka namang tumatawag sa akin. Sinabi ko naman noon, call me anytime.” “No, Air, I really need your brain, your wisdom, your ideas. Ngayon ko napatunayan na Wintvis have been growing because the founder and owner is genius and bright. Gusto na nga kitang iuwi sa the US, eh.” The sigh she made is near to exhaustion. Sa pagkakataong ito ay tumigil ako para harapin siya. “What are the hard parts?” seryosong tanong ko. “Lahat,” madiin niyang sinabi at ibinagsak ang mga balikat na tila pagod na pagod na. Ngumiti ako at umiling. “You can do it, Chie! I believe you...” Umiling siya. Hindi pa rin niya matanggap ang finality sa sinabi ko. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod sa mga orders ko. “Iyan lang ba ang ipinunta mo rito? Nakausap mo na ba ang Mama mo?” Our first teacher earlier is her mother. Si Ma’am Laila. Naging guro ko rin sa math subjects noong nag-ho-homeschooling pa lang ako sa US. Medyo gumaan tuloy ang pakiramdam ko matapos malaman na may kakilala ako rito. Jackpot pa dahil Mama ni Chie. “Nagkita na kami at nagkausap sa bahay. Ikaw talaga ang isinadya ko rito.” Namamanghang inilibot niya ang paningin sa paligid. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan sa harapan ng main library. I have no bad words to comment about Kerrigan Caseleo University. This is really one of the prestigious universities here in the Philippines. May ibang areas rito na kamukha ng school sa Harry Potter movies katulad na lang nitong library. There are tall and big pillars in front going inside. It’s a very tyrannical insight because those are famous during ancient years in part of European countries. “Wow! Ang ganda rin talaga ng napili mong University, Ma’am Davis.” Punung-puno ng paghanga ang mga mata niya habang pinagsasawa ang mga mata sa mga building na nakapaligid sa amin. “Sa wakas dahil nasubukan mo na ring mag-aral talaga sa physical na eskuwelahan.” “You seem so happy to me.” “Siyempre naman!” “So, you have to take care Company Wintvis because you’re happy for me, ‘di ba?” Nagtaas ako ng mukha at pumormal. Katulad ng ginagawa ko kapag nasa loob ako ng opisina at nagpapa-meeting. “You’ll support me no matter what, right?” Lumanlam ang mga mata niya at napangiti na lang nang tipid. Tiningala niya ako, nasa mga mata niya ang matinding paghanga sa akin. “You know how much I adore you, Air. You’re only fifteen when you take a risk in building your own business. Hindi ko alam kung paano mo nagawa ‘yon. Wow! After two years, you’re still on top. Kahit pa... nagkasakit ka at naoperahan... A-At n-nasaktan sa pag-ibig. You stand up again like you just deal a rain and not a typhoon...” Pinaikot ko ang mga mata nang mapansin kong nagiging emosyonal na siya. One of the reasons why I’m striving so hard to maintain what Wintvis had achieved is because of my people inside the company. Bumagsak man ang kompanya, buhay ako, pero sila hindi. I want to continue giving employment especially to the poor. Halos lahat ng mga empleyado ko ay sadya kong kinuha rito sa Pilipinas para makatulong din sa ibang mga kababayan ko. I grew up in the US but my Mom and Dad made me feel like I’m in the Philippines by disciplining me with unique Filipino customs, character and beliefs. Kaya kahit lumaki ako sa liberated na bansa, I ripened conservative and reserved. Idagdag pa ang katotohanang nag-homeschooling ako mula grade seven to grade ten kaya natutukan talaga ako ng mga magulang ko. I met racist folk along the way because I have asian blood and how my parents raised me. Nawalan ako ng mga kaibigan dahil hindi ako makasabay sa kanila. Yeah, I party with my friends but I don’t drink, smoke and make out during and after the party. They said I’m like a flower on the wall, pang-display lang pero walang ginagawa. But I love and respect how my parents raised me. Until I met Vash Javis Blake, VJ Blake as his screen name in the music industry. He’s my first boyfriend and now my first ever ex-boyfriend. Nakilala ko siya two years ago sa isang event ng Wintvis. We conducted a show collaborating with Ceberial Clothing Company. We hired top models wearing our makeup and their clothing. Si VJ ang kinuhang kumanta sa ibang parts ng ramp. “Basta, Air, ‘yong lagi kong bilin sa ‘yo, ha? Turn down all your social medias. Alam mo na! VJ the toxic! Mamaya lumabas pa ang mga trolls. Mas maigi nang wala kang nababalitan tungkol sa kanila.” Tumango ako bilang pagsang-ayon na lang. Parang namamanhid na rin ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Mas gusto ko iyong pakiramdam na tila walang dugo ang puso ko kaysa sagana pero namimilipit naman sa sakit. VJ was nice, gentleman and generous. Huwag nang idagdag ang pagiging heartthrob at famous niya. Kilala siya sa buong mundo dahil singer and composer din siya. Lahat ng mga kanta niya ay laging patok. Wala akong masabi sa lebel ng kasikatang mayroon siya kaya nagulat ako nang ligawan niya ako. Sino lang naman ako, ‘di ba? Minahal niya ako, naramdaman ko iyon sa dalawang taon relasyon namin. But love is not enough to make the love of your life stay forever. There are challenges and conditions along the way. Sinubukan kong kumapit pero bumitiw siya... sa panahon pang mas kailangan ko siya. Masyado pa kaming bata to involve ourselves in premarital s*x na lagi niyang ipinagpipilitan sa akin. Lalo ako dahil mas bata ako sa kaniya ng tatlong taon. Madalas naming pag-awayan ang bagay na iyon. I chose myself, my instance, over him. Mas lalo kaming nagkagulo dahil sa career niya. We had to deal with some issues na nakaapekto sa career niya. Lumaban naman kami sa loob ng dalawang taon pero hanggang doon na lang talaga. “Don’t worry I shot down all my gadgets. Gusto ko na ring gumaling nang matiwasay.” Panatag ang mukhang tiningnan niya ako. “Promise me, gagaling ka na, ha?” “You should promise me first that you’ll take charge of Wintvis. Na pipilitin mo itong igapang.” “Oo naman. Sinabi ko lang na nahihirap ako pero wala naman akong sinabing susukuan ko.” I smiled with relief. “Good...” End of Taira’s POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD