✓Chapter 5

2730 Words
Chapter 5 Taira’s POV “Oh, my God, Air!” hindi makapaniwalang bulalas niya matapos kong ikuwento ang nangyaring sa pagitan namin ng lalaking iyon kaninang umaga. Napatutop siya sa nakanganga niyang bunganga. Dedma naman akong ngumunguya ng bubble gum habang pinapanood ko siya. Narito kami ngayon sa pa-square na area sa pagitan ng mga library buildings. May mga puno rito at mga halaman sa mga plant boxes. Sa ibaba ay nalalatagan ng carpet grass. Dito na yata ang pinaka-peaceful na parte ng buong University. Alam ko namang madami pa pero ito ‘yong nasa top list ko so far. Nalililiman ng apat na nagtatayugan puno ng oak trees ang lahat ng mga nasa ilalim nito kaya naman sobrang lamig. Nagkalat ang mga iron painted with black and gold benches dito na puwedeng upuan ng lima o apat na katao. Ang pinakagusto ko rito ay walang masyadong dumadaan o tumatambay dahil medyo tagong banda rito. Mas gusto kong laging mapag-isa. Puwede rin akong matulog dito. Looking forward to do it one day. “Alam mo ang pangalan niya?” tanong niya makalipas ang mahabang sandali. “Yeah, Z-Zyair... Rois Ford Alejann, kung hindi ako nagkamali ng dinig." Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at napapapikit na ipinitik ang mga daliri sa ere. “That’s crazy, Air! Nakalaban mo ang anak ng bibili ng University na ito?” Natigilan ako sa pagngunguya at binalingan siya ng tingin. “Parents niya ang may-ari, soon, at hindi siya. So why would I feel guilty? At saka... Paano mo siya nakilala?” Nagdikit ang mga kilay ko sa pagtataka. Nanatili lang siyang nakatunganga sa akin. “Oh, teacher pala si Tita Laila rito,” idinagdag ko nang maalala ko. “Kahit na, Air, anak pa rin siya ng taong magsasalba ng University na ito,” malumanay niyang turan. “Wala man akong masyadong alam tungkol sa kanila pero iyon ang naikuwento sa akin ng Mommy. Her Dad is a multi-billionaire, Air, and he’s powerful and rich... Kaya ka nga niya nasuntok kasi malakas ang loob niya, eh. I can’t believe na ‘yong taong ikinukuwento ni Mommy noong isang araw ay nakaenkuwentro mo naman ngayong araw.” “Actually, hindi lang kanina kundi pati kahapon,” amin ko sa magaan pa rin naman na tinig. “What?” gulat na gulat niyang bulalas. Ang iilang dumadaan ay tumingin sa gawi namin. “Bakit ka ba natatakot sa kaniya? I can take care of him! Hindi ako natatakot sa kaniya.” “Of course you do. But your power is in the US, Air, not here. Lalo at nakatira ka ngayon sa tunay mong ina...” Yumuko siya upang itago ang kapaitan sa mukha niya. Nasasaktan din siya para sa akin. Siya lang ang nakaaalam tungkol sa pinakatago-tago kong sekreto. Mommy Steph is not my biological mother. Mistress siya ng Daddy ko. Pero siya ang nakilala kong ina dahil iyon ang sinabi nila. Iyon ang pinaniwalaan ko. Hindi ko rin nahalata dahil talagang itinuring niya akong tunay na anak. Mahal na mahal niya ako... at mahal ko rin siya kahit may mga pagkakataong hindi kami nagkakaintindihan. Wala akong ni isang ideya kung ano ang nangyari sa kanila sa nakaraan para gawin iyon sa akin. Limang taon kong naging yaya ang tunay kong ina. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin iyon at napakasakit sa parte ko pero wala akong magawa kundi ang manahimik para sa ikatatahimik ng lahat. Hindi lang ang pamilya ko sa US ang dahilan ng pananahimik ko, kasali rin ang aking tunay na ina. Though it hurts me, I feel safe and at peace so. Yumuko ako at hindi na lang nagkomento. “Paano mo lulusutan ‘to ngayon? Balita ko, salbahe pa naman ang batang iyon. Makapagko-concentrate ka pa kaya sa pag-aaral mo matapos ang nangyari sa pagitan ninyo?” “Oo naman...” Nagkibit-balikat siya at parang mas namoblema siya lalo. “Ewan ko sa ‘yo, Air. Paano kung balikan ka ulit no’n?” “Ako na ang bahala sa kaniya. Nasaktan ko lang ‘yong ego niya kaya nagalit siya sa akin. Huwag na nga nating siyang pag-usapan. I regret sharing what happened between us to you.” “Tch!” angil niya sa akin. “Tama na. Huwag mo nang problemahin ang lalaking ‘yon.” “Fine.” Napilitan pa siyang sabihin iyon. “Basta magsabi ka pa rin sa akin, ha?” Tumango na lang ako bilang pagpayag nang matapos na. Ngumiti naman siya. “Kumusta ang Tita Carol? Is she doing fine? Ano’ng reaksiyon niya nang makita ka niya." Napangiti ako nang malungkot habang binabalikan ang itsura niya noong lumabas siya ng bahay para salubungin ako. “Oh, Chie, when I first saw her twelve years after, I knew from the bottom of my heart that I came from her, she’s my real mother and half of me belongs to her. I felt... it. I... am sure of it.” Malungkot akong napailing. “Nakita ko rin iyon sa kaniyang mga mata. Iyong pananabik at saya sa kaniya nang makita niya ako. The regrets and guilt in her eyes made me weak... Kung puwede ko lang sabihing okay lang, na alam ko na lahat... Pero idinaan ko na lang lahat sa yakap na ibinigay ko sa kaniya... I forgive her,” matatag kong wika. Tumulo na ang mga luha niya bago ko pa siya masaway. “You don’t deserve all of these... Napakabait mo para saktan,” madamdamin niyang turan. “Gusto kong magalit sa lahat ng mga nanakit sa ‘yo... Gusto ko silang saktan pero ano namang karapatan ko, ‘di ba? Ikaw nga pinatawad mo lang sila, eh... Wala kang ginawang masama sa kanila kahit dinurog ka na nila.” Bumuntong-hininga ako at iniiwas ang tingin sa kaniya. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Tama naman siya sa mga sinabi niya. “Puwede mo namang iiyak lahat sa akin, Air, eh... Okay lang namang magpakita ng kahinaan paminsan-minsan...” “Pasensiya ka na, Chie, pero sa sobrang sakit wala na akong maramdaman. Kilala mo naman ako, ‘di ba? Kaya ko ‘to...” Pinuno ko ng hangin ang dibdib nang mapanindigan kong totoo ang sinabi ko. “Kunsabagay. Ano namang mapapala mo kung patuloy mong dadalhin ‘yon? Pero iiyak mo rin kapag mabigat na talaga. Kailangan mong magbawas.” Natawa ako nang marahan. “Saka na, Chie. Saka na...” End of Taira’s POV Zyair’s POV “Pre, sigurado ka ba talaga rito sa ginagawa mo?” kinakabahang tanong sa akin ni Reka habang binubuhol niya ang tali sa tapat ng second door na pintuan ng classroom namin. “Kailan pa ako hindi naging sigurado?” Umiiling siyang bumuntong-hininga. Nagpatuloy sa pagbubuhol ng tali sa stainless na handrail sa kaliwang parte ng rooftop. Tapos na niyang maitali sa kanan. “Wala naman akong malalang gagawin sa kaniya, pre, kaya chill ka lang. Gusto ko lang siyang i-corner mamaya. So that we could talk privately.” “Talk privately,” nagdidikit ang mga kilay niyang ulit. “Kailan ka pa nang-corner? Ang pagkakatanda ko, nagpapahiya ka na talaga ng kalaban mo sa harapan man ng maraming tao o hindi.” “Ang dami mong sinasabi! Gawin mo na lang ‘yan at tapusin,” nayayamot kong tukoy sa ginagawa niya. Ang hinhin niyang magtali. “Pre, confirmed, wala mamaya si Ma’am Beatriz. Nagkaroon ng emergency,” balita ni Harell na kararating lang. “Galing ako sa office niya.” Pinagkrus niya ang mga braso at nakangising ipinatong ang likod sa malinis na whiteboard. “So, tuloy ang plano. Wala kang magiging problema. Didiretso iyon mamaya rito. Anyway, na-informed ko na rin lahat ng classmates nating wala tayong last period maliban sa target mo mamaya, siyempre. She’ll come here... alone.” Iginalaw-galaw ko ang mga kilay ko bilang tugon na nagustuhan ko ang ginawa niyang aksiyon. Mas lalong lumapad ang ngisi niya. “Just make sure, hindi tayo sasabit dito, ha?” “Sure! Kauusapin ko nga lang, ‘di ba?” Sabay silang bumunghalit sa tawa habang pinagmamasdan ako nang makahulugan. Mga saltik talaga! “Hihintayin ka pa ba namin mamaya?” si Reka sa double meaning na tanong. Si Harell naman ay halatang interesado rin sa magiging sagot ko. My eyes narrowed as they looked at each other. Whenever I catch them in the eyes I glare at them. Parang ipinagkakanulo nila ako kanina pa. “Tell me straight, what do you think I’m doing? I’m working to fight back at her.” “Nakaganti ka na, Zyair. Noong sinuntok mo siya sa harapan ng mga kaklase natin, hindi pa ba iyon patas sa tingin mo?” pagpapaalala ni Reka. Natilihan ako sa tanong na iyon ni Harell. Hindi ko pa nga ba siya natabla sa ginawa kong iyon sa kaniya? “Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya binabawi ang mga ibinibintang niya kay Nikki,” matalim ko namang sagot. “Hay, nako, pare! Mas kilala mong maigi ang girlfriend mo kaysa sa kaniya. Why so much effort to seize revenge? Kung puwede mo namang itanong ang girlfriend mo, ‘di ba?” si Harell. Inalis niya ang pagkakasandal sa whiteboard at lumapit sa amin. Will she tell me the truth if ever? Aking sinikil ang bahaging iyon ng utak ko nang matigil sa pagtatanong at pagdududa. “Si Kyuubi dapat ang magpatotoo niyon, pre, dahil sa kaniya unang nanggaling ang issue. Bakit niya sinabi iyon without a vital shred of evidence? I need it! Only from her and not to anyone. She was the only one who accused Nikki of having another man, no one else. Kaya masisisi n’yo ba akong siya lang din ang singilin at magpatunay?” “Sige! Go on, pre! I know you know what’s best to satisfy your curiosity,” pagsuko ni Reka. “... and to explore your creative when it comes to chasing people who caught your attention.” Itinaas niya ang mga kamay sa ere bilang pagsuko nang tuluyan. “I concede our defeat, master!” Nang sumapit ang alas-kuwatro ng hapon nag-umpisa na akong lumakad paakyat ng rooftop. Pagkatapos kong akyating ang apat na palapag ay sumakay na ako ng elevator. Nag-exercise lang ako nang very slight. It’s four-thirty when I reached our P.E room. Mayamaya lang ay nariyan na rin sina Reka para mag-abang. Ila-locked nila ang room kapag nakapasok na si Kyuubi. Ang subject namin kay Ma’am Beatriz ay P.E. Hindi pa required mag-P.E uniform for two weeks. Ang room namin tuwing P.E ay roon sa rooftop. May sapat na room space kami roon at paglabas mo ay ang maluwang nang rooftop. Sa sobrang luwang niyon ay puwedeng maglaro ng basketball. Magandang tumambay roon dahil doon mo mapagmamasdan ang pinakamagandang view ng sunset dito sa campus. It’s the tallest building here in Kerrigan. That’s the only place I know where Kyuubi can be trapped. There’s no other way she can go when Reka already locked the door. Although I have my own duplicate, I will not inform her about it. Nakaharap ang upuan ko sa whiteboard. Nakapuwesto ako rito sa pinakadulo. Pagkapasok ni Kyuubi ay agad kumalabog ang pinto pasara. Mabilis siyang tumalikod at inilang hakbang lang ang doorknob. Nakakapit na siya roon nang mahigpit at ilang beses sinubukang buksan. “Para kang bata sa ginagawa mong ito.” Bimitiw siya sa pagkakahawak niya sa doorknob at dahan-dahan niya akong hinarap. “Where is the key?” maowtoridad niyang tanong. Kasabay ng pagtaas ng dalawang balikat ko ang pagbukaka ng mga daliri ko. Ngumuwi ako. “I don’t know,” painosente ko namang sagot. “Why are you doing this? Where did you trapped me here?” Pinlano mo ito?" “Trapped? Kita mong nakaupo ako rito at naghihintay sa next subject.” Tumayo ako pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakahalukipkip ko siyang sinundan ng tingin nang tumakbo siya papunta sa second door at marahas itong binuksan. Humakbang siya palabas. Nang makitang nasabit ang paa niya sa patibong na tali ay mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa aking iilang hakbangin lamang ang pagitan namin para iligtas siya sa patibong na ako rin mismo ang may gawa. Kasabay ng pagkakapatid niya pababa ang pagkakahablot ko sa bandang pantali ng buhok niya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hilahin siya pabalik ngunit madulas ang buhok niya. Tuluyan siyang naisubsob sa baldosa. Nag-slide ang ponytail niya sa madulas niyang buhok. Naiwan lang sa kamay ko ang ponytail at ilang hibla ng buhok niya. Her long, straight hair exploded in front of her face because of the impact. Pinipilit kong matawa pero nangibabaw iyong pag-aalala ko sa kaniya. Nasaktan ba siya? Nauntog ba ‘yong mukha niya sa magaspang na baldosa sa ibaba? Maingat siyang tumayo. Hindi ko masuri ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Napaatras ako ng isang beses nang muli niya akong harapin at hawiin ang hibla ng mga buhok na bumalandra sa pagmumukha niya. Para nag-slow motion bigla nang gawin niya iyon. She’s pretty with her long, smooth, silky and straight hair. There is something cool about her hair color. Kapag nasa lilim ay itim na itim ito pero kapag nasinagan ng liwanag ay kumikislap sa pagka-dark brown. Lumunok ako at nagkunwaring hindi ako kinabahan. “Masakit?” I smirked and did everything to suppress my laugh. Mukha naman siyang hindi nasaktan. Iyon nga lang, ang sama ng tingin niya sa akin. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga. Nauubusan na siguro ng baterya ng pasensiya. “It’s getting dark... Ayaw mo naman sigurong maabutan ng dilim dito,” she said calmly instead of being angry with me. Tinatangay ng malalakas na ihip ng hangin ang mahabang buhok niya habang ang mga nakatiim niyang mga mata ay nakapatong sa mga mata ko. Ang sinag na nagmumula sa papalubog na araw ay nagpapatingkad sa kulay na nakapaloob sa kaniyang mga mata, her irises has golden dark brown highlights beneath it. Her hair is burning with the combination of its color when lighted and the color of the red-orange rays of sunset. Kitang-kita ko ang lahat sa kaniya sa open space na kinaroroonan namin. Tumatama sa aking buo ang liwanag mula sa malayo kaya it turned out na siya lang ang tanging nakikita ko. At sa kaniya’y bahagyang bahagi lamang ng kaniyang katawan. He has an odd ambiance I can’t explain. All I knew was that it was loud and powerful, time-stopping. And I also feel something like I just felt now. I can’t quit looking at her... There is a magnet hidden somewhere in her that keeps me still. “You fly if you have wings,” ani ko at marahas iniiwas ang tingin sa mukha niya nang mabawi ko ang estado ng pag-iisip ko. Ano ba itong nararamdaman kong ito? This is an unfamiliar feeling! Nag-uumpisa nang magdilim ang paligid. Ang ginawang pagpapasikat ng sunset ay tila segundo lang ang itinagal sa pakiramdam ko. “May sasabihin ka ba?” untag niya sa akin makalipas ang mahabang katahimikan. Hindi ko siya sinagot. Humarap siya at pinagmasdan ang iba pang nagtatayugang buildings sa ibaba na unti-unti na ring natatabunan ng dilim. It’s insulting that she wasn’t even scared of being locked up with me here in the classroom. “Huwag kang masyadong assuming, na-locked din ako rito,” pagsisinungaling ko. “Ganoon ba?” “Oo. Hindi ka ba natatakot? Madilim na at ako pa ang kasama mo rito.” “I love being in the dark.” Lihim akong namangha at nagtaka sa binitiwan niyang iyon. Marahan akong humakbang palapit sa kaniya. Nakita ko sa kalahating mukha niyang naaaninag ko ang malungkot niyang mga mata na nakatutok sa harapan. “Because darkness can hide everything... You can hide the face, the real one, you wished others not to see...” Sa loob-loob ko ay tinutuligsa ko ang sinasabi niya. I saw the real one. I saw pain and sadness swirling all over her face, particular in her eyes. Tumingkad man ang dilim, makikita ko pa rin iyon. Paano naman ako makagaganti sa kaniya nito kung ganitong hindi naman siya natatakot sa akin? Mas natuwa pa siyang madilim. I am imagining myself putting my palm under my forehead! This is a failed first wave! End of Zyair’s POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD