Chapter 3
Zyair’s POV
“What are you looking at there?” pasinghal kong sita sa mga kaklase ko.
Magkakasunod namang nagsiyukuan ang mga lalaki pero hindi ang mga babae kong mga kaklase. Panay pa rin sila sa pakikipagbulungan sa mga katabi nila at maya’t mayang napapatingin sa akin sabay yuko kapag nahuli ko at ngingiting parang baliw.
Napaupo ako nang padabog at napasipa na lang sa bakanteng upuan sa harapan ko. Like f*ck! Hindi ko makalimutan ang babaeng iyon. I wanted to leave and go to Nikki, but maybe our teacher would suddenly come.
“Good morning, Ma’am!” my classmates greeted her in unison before standing.
Wala sa loob na rin akong napatayo. Lumingon ako para makita si Ma’am para lang mapamaang akong muli nang makita kung sino ang kasama niya. Nagtamang muli ang mga mata namin at katulad kanina, ganoon pa rin ang itsura niya, very platonic. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa taong pakay ko rin.
“Good morning,” pormal namang bati pabalik ni Ma’am. Naglakad siya patungo sa harapan at naupo sa upuan niya roon. “I am with your new classmate. Dati ko na siyang estudyannte noon. Nagulat pa ako nang makita ko siya kanina,” ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng galak.
I sat up straight as I surveyed the entirety of her. She is there now next to Ma’am and just formally raised her face as if no war had happened between us earlier. Mukha naman siyang walang iniinda. Kung hindi lang siguro siya babae, iisipin kong kagat lang ng lamok ang suntok na ginawa ko sa kaniya.
“Paminta pala, ha,” mahina kong sambit sa patuyang paraan.
As I stared at her, I couldn’t help but draw illustrations starting from her face down to her shoes. Matangkad siya, hanggang tainga ko sa pagkakatanda. I was about to be a six-footer. She has a slim body na parang nasasayang lang kapag kumilos na siya. May pagka-boyish, eh. Tahimik pero maangas! Ang sarap pitikin sa tainga! Alright, she’s sexy!
“Sexy? My a*s!” nasusukang usal ko sa mapait na katotohanang inamin ko sa sarili.
Hapit na hapit sa kaniya ang brown short-sleeved shirt niyang uniform na naka-tucked sa overall skirt made of thin fabric nito. In fairness naman sa balahurang ‘yan, she has perfectly dazzling long legs. I am dazzled with long-legged girls. Her smooth thighs were very prominent as they were exposed in between her black socks reaching below her knees and her navy blue skirt, that is quite short.
The green ribbons on her collar add a hint of color to the neutral colour scheme! She has fair and flawless skin. And I believe that is the natural texture of her face. She is not wearing any makeup. She would have been pretty if it weren’t for the anger I feel for her.
Nakapusod ang buhok niya hanggang likod ng ulo niya kaya wala akong ideya kung gaano kahaba ito. Napapaisip tuloy ako kung ano ang itsura niya kapag nakalugay? My overall view about her? Sakto lang naman siya. But I still hate her!
I couldn’t bear to feel guilty for hurting her. I have anger issues. I have a very bad temper. Masakit din ang mga sinabi niya tungkol sa girlfriend ko. Hindi niya ako nasaktan physically sa bahaging iyon pero napuruhan niya ang emotional stand at ego ko.
“Sige na, hija. Magpakilala ka na sa mga kaklase mo,” untag sa kaniya ni Ma’am.
Tumango naman siya at nagbuka ng bibig. “Hi, my name is Taira Wint Davis.”
Relax lang akong nakaupo rito habang seryoso akong nanonood sa kaniya. Napamaang ako nang bigla siyang tumingin sa akin saka ako nginisihan. Napaupo tuloy ako nang maayos sa ginawa niyang iyon pagkatapos ay tiningnan siya nang nakamamatay.
What the hell! Is she insulting me? Hindi man lang nasindak?
Ngumiti siya nang nakaloloko bago muling nagsalita. “I’m just nobody. That’s all.”
Gusto kong matawa. Iyon na yata ‘yong pinakabasurang pagpapakilala na narinig ko sa buong buhay ko.
“Ang yabang kung makatingin pero simpleng pagpapakilala hindi pa niya magawa nang maayos!” medyo malakas kong sabi para marinig ng buong klase.
Ang mga kaklase ko ay nagsiyukuan para itago ang pagtawa.
Napailing si Ma’am at parang natuwa pa. Binalingan niya si Kyuubi. “It’s alright, hija. Maupo ka na.”
Relax naman siyang naglakad sa bakanteng upuan sa ikatlong row sa katabi naming column sa bandang kaliwa. Kusang sumunod ang mga bola ng mga mata ko para tingnan siya.
“That’s not the right way to introduce yourself in front of the teacher and classmates,” pagpaparinig ko. Ngumisi ako at nakahalukipkip na isinandal ang likod ko sa backrest ng upuan ko.
Muling nabuhay ang bulungan at tawanan ng mga kaklase ko.
“Nagpapakilala ako at hindi nagtatalumpati.” Walang emosyon niya akong nilingon. “Kailan pa naging essay ang pagpapakilala?” patuloy niya sabay ngisi. “Wala naman akong slum book na sinasagutan.”
Gusto kong paniwalain ang sarili kong may gusto sa aking ang babaeng ito pero hindi ganitong asta ang tipo ng babaeng nagkakagusto sa akin. Naiihi sa panty sa kilig ang mga babaeng type ako even if I deal them with the worse at hindi ‘yong katulad niya na parang nanghahamon pa.
“Pagsisisihan mo ang ginagawa mong ito sa akin. Maghintay ka lang, Kyuubi,” nakangisi kong banta sa kaniya.
Bahagyang kumunot ang noo niya. “I am not Kyuubi.”
Mas lalong lumapad at umangat ang pagkakangisi ko. “You are.”
Umiling lang siya, humarap sa blackboard at hindi man lang nagpakita ng kahit na anong takot.
Akala siguro niya ay nagbibiro ako. Well, gusto niya sigurong i-surprise ang sarili niya which is great!
Pagkatapos ng tatlong period ay nagsilabasan na kami palabas ng classroom. I am planning to wait for her so I could execute my first wave of revenge but Nikki texted me. She said sabay kaming kakain sa cafeteria pero may dadaanan lang daw muna siya. So I ended up waiting for her inside our school gymnasium where two blocks away going to the cafeteria.
“Pare, ano ba kasi ang pinoproblema mo sa bagong kaklase natin, eh, nasuntok mo na nga, ‘di ba?” si Harell na nakabukaka sa pagkakaupo sa ikalawang baitang ng hagdanan papunta ng stage.
“My ghost, pare! Akala ko natanggal mo na ang pagiging sadist mo pero hindi pa pala! Grabe ka sa ginawa mong pagsuntok sa kaniya! Ano’ng nakain mo?” natatawa at may halong pagkadismaya sa tinig sa tanong na iyon ni Reka. “Ang ipinagtataka ko, hindi siya nagsumbong.”
Sinamahan nila ako habang wala pa si Nikki. Kung puwede lang sana ay ayaw ko munang makausap at makita si Nikki dahil nga sa nangyari sa pagitan namin ni Kyuubi kanina
Yeah, Kyuubi. From now on I call her Kyuubi not because she’s special or something good for me but because that is what I imagine her when she’s raging in a fire a while back. The demon inside the body of Naruto. Kailan ba lumalabas si Kyuubi sa katawan ni Naruto? Hindi ba’t tuwing nagagalit?
“Paanong magsusumbong ‘yon? Eh, obvious namang may gusto siya sa akin!” buo ang kumpiyansa kong bulalas. “Ang galing niyang magtago, ‘di ba? Talagang isinadya niya akong galitin para magkadikit kami. Para mapansin ko siya!”
They looked at each other like fools and then looked at me again. Hindi sila kumbinsido, alright! Hindi ko naman kailangan ang opinyon nila, eh.
“Pare, parang hindi naman ganoon, eh. She was chill and weird. Parang wala siyang ideya kung sino ka rito sa Kerrigan.” Kumunot-noo si Reka na parang nalilito at nagkakainteres na rin siya sa babaeng iyon.
“Because she knows that I have a girlfriend. Narinig at nakita n’yo naman kung papaano niya siraan si Nikki sa akin, ‘di ba?” Natawa ko nang malakas pero nasa loob ko iyong kurot. “It’s impossible, mga pare. Hindi magagawa sa akin ni Nikki iyon. Mahal na mahal niya ako! Siya na nga ang nanligaw sa akin, remember?”
Muli silang nagkatinginang dalawa at parang nag-usap pa gamit ang mga mata nila.
“Wala namang duda ‘yong nakikita naming pagmamahal at pagkabaliw niya sa ‘yo, pre. Pero saan naman sana niya nakuha iyong mga akusasyon niyang mga iyon kay Nikki? We heard from Ma’am she’s a new student. So, what does she know about you and Nikki?”
Iwinasiwas ko ang kamay ko bilang pagtaboy sa malinaw na malabong pinupunto niya.
“Aba, ewan ko. I am used to it. Simula nang maging kami ni Nikki, ang dami ng mga naninira sa kaniya dahil naiinggit sila sa kaniya. Sa raming nagkakagusto sa akin, siya ang pinili ko.” Naninindigan ang tinig ko.
“Eh, bakit nga ba sa rami nilang nagkakandarapa sa ‘yo, pre, eh, siya ang sinagot mo, este, pinili mo?” singit ni Harell.
The day I discovered the real score between Mama and Daddy, I began to hate them and myself too. I was ten when Mama confessed everything to me. Sa edad kong iyon ay alam ko na ang ibig sabihin ng salitang “mistress” Tita Stella, my Daddy’s legal wife, called Mama by that a million times with so much hatred and pain both on her face and voice. Those fuming fire and despair in her eyes was a nightmare I will never forget. Why? Because we caused all of those to her.
In the eyes of the public, she’s my biological mother. Kahit masakit sa kaniya, ginagampanan pa rin niya ang pagiging ina niya sa akin sa labas ng mansion. Somehow, I owe something to her. She has been protecting our family from so much humiliation and critics. At home, she’s so civil and so sweet and caring mother to me outside the mansion.
Sa mga panahong down na down ako sa sitwasyon ng pamilya namin, Nikki was there for me. I don’t usually talk and act nice to anyone because I know to myself I’m rude, I don’t wanna inflict pain on anyone because of my issues. Siya ‘yong babaeng alam kong patay na patay sa akin and no matter how many times I push her away, like a ball, she’s bouncing back at me. Hanggang sa dumating iyong point na natuto na rin akong mag-open up sa ibang tao. She’s the first person to whom I told my pain, anger and fear.
“I need someone na mas mahal ako. Maganda siya, sexy, matalino and more. Nasa kaniya naman na lahat, eh. So, do I still need further thinking?”
Nakangiwing umiling si Harell. “Talaga, pre? Why do I feel something strange?” Tumayo siya at pinagpag ang slacks. “Oh, forget what I said. Nandiyan na siya.” Ngumuso siya.
Mabilis naman akong lumingon. Nakangiting naglalakad siya patungo sa amin.
“Paano ba ‘yan, pre, aalis na rin kami. Tatambay lang kami sa computer zone sa labas,” si Reka na ngayon ay isinusukbil ang strap ng bag sa balikat.
I nodded. “Sige! After class na lang tayo maglaro!”
“Mauna na kami sa inyo, Nikki,” sabay nilang paalam habang kumakaway paalis.
“Okay! Ingat kayo, ha?” nakangiting tugon naman sa kanila ni Nikki na ngayon ay saktong nakatayo na sa tabi ko.
“Hi, baby! Sorry medyo na-late ako. Ang tagal kasi si Pam, eh.” She kissed me on the cheek at iniabot sa akin ang dala-dala niyang mga books.
“Okay lang. You’re just in time,” ani ko naman.
Pagkatapos naming mag-ordered ng mga foods and drinks ay dumiretso kami rito sa sementadong bench sa gilid ng oval para maupo at dito na rin kumain.
“Kumusta ang araw mo,” tanong ko habang binubuksan ang wrapper ng chicken burger ko.
“Maganda naman, baby. Ang boring lang ng mga teachers namin. Nakaaantok silang magturo. Paano naman kasi, ang hina-hina ng boses ni Ma’am Rosales,” tumatawa at masigla niyang kuwento.
One of her qualities ay ang pagiging madaldal niya. Kaya niyang patakbuhin ang araw kahit siya lang ang nagsasalita.
Trivia... In the year we have been in a relationship I have never kissed her. Never, even on the cheeks. She is always the one who will first kiss me on the cheek. Hindi naman sa nandidiri ako o nag-iinarte. Seventeen lang kami and I think what we’re having is puppy love.
“Mabuti hindi ka nakatulog,” biro ko.
“Muntik na nga, eh! Mabuti na lang dumating si-” Napatigil siya bigla at iniiwas ang tingin sa mukha ko.
“Si?”
“S-Si P-Pam... Binigyan niya ako ng mga chocolates and milk drink. Patago akong kumakain ng chocolate kanina sa classroom kaya nawala ang antok ko.”
“I see...”
“Eh, ikaw, baby, kumusta naman ang second day of school mo?”
Pinagdedebatehan ng isip at bibig ko kung ikukuwento ko ang nangyaring pakikipag-ayaw ko kanina dahil sinabi ng babaeng iyon na may kahalikan siyang ibang lalaki.
“Buo o durog,” wala sa loob kong sambit habang marahang ngumunguya. Nalulutang pa rin talaga ako.
Nikki is one of the prettiest girls here in Kerrigan. Hanggang balikat ko lang siya. Naniniwala naman akong maraming magkakagusto sa kaniya dahil bukod sa maganda ay mabait at sweet din. At hindi siya iyong tipo ng babaeng maharot at bad girl. Inosenteng-inosente nga ang mukha niya, eh. Kung gumalaw siya ay parang hindi makapabasag-pinggan.
Imposible talaga ang mga ibinibintang ni Kyuubi sa kaniya. Kung may lalaki siya at pinagloloko niya ako, dapat noon ko pa nalaman. Umabot naman kami ng isang taon na maayos at masaya. Wala nga kaming pinag-aawayan, eh.
“Ano ‘yong sinasabi mong durog at buo, baby?” nagtataka niyang tanong.
“Huh?” Natauhan naman ako at mabilis inayos ang pag-iisip. “Wala. Iyong gagamitin kong paminta sa pagluluto ng adobo, hindi ko alam kung durog o buo ang gagamitin.”
Ngayon ko lang napansin ang babaeng nakahiga sa ikalawang bench mula rito sa kinauupuan namin. Natatakpan ng libro ang mukha niya. Sa pagkakatitig ko pa lang sa mga medyas, sapatos at mapuputi niyang binti ay parang alam ko na kung sino. Bakit kasi sakto namang nakaharap ang lower part of her body rito sa amin?
Napansin kong gumalaw siya, pagising na siguro. Tinanggal niya ang libro sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang bumangon at kami agad ang tiningnan. Kinusot-kusot niya ang mga mata at ngayon ay ako naman ang tinitigan. Lumipad ang tingin niya kay Nikki na nasa akin naman ang atensiyon niya.
Nag-umpisang mapaso ang mga butts ko nang pakitaan muli niya ako nang nakalolokong ngisi niya. Umiling-iling siya pagkatapos ay tumigil din matapos ang ilang sandali.
Kung hindi ko lang kasama si Nikki ay kanina ko pa siya pinuntahan para komprontahin.
“Baby, mag-CR lang ako, puwede?” paalam ni Nikki sa akin.
“Sure. Samahan kita?”
“Hindi na.”
Pagkapasok ni Nikki sa comfort room ay siya ko namang pagtayo at paghakbang palapit kay Kyuubi. Siya naman ay abala na ngayon sa pagbabasa. Pagkatigil ko rito sa harapan niya ay hinablot ko ang binabasa niyang libro. Naudlot ang pagbabasa niya at parang naging tunog na lang ng bubuyog iyong huling sinabi niya.
“Give me back my book,” nakataas ang kilay niyang sinabi.
“Why do you keep looking at me?” I hissed.
“Only because I have eyes,” pilosopo naman niyang sagot.
“Hindi ka na talaga nadala sa inabot mo kanina sa akin, ‘no? Ano?”
“Ano ba ang problema mo sa akin?” matapang na rin niyang tinanong pabalik.
“Why do you keep looking at us tapos may pangisi-ngisi ka pang nalalaman diyan?”
“Because I see you with that girl who is just fooling around you?” mabilis niyang sagot sa tila nauubusan na rin ng pagpipigil.
Again, tumiim ang mukha ko sa pag-ulit niya sa bagay na iyon.
End of Zyair’s POV