Chapter 6
Zyair’s POV
Bakit ba kung anu-anong napapansin ko sa kaniya? Tanga ka ba, Zyair? Nandito ka para pahirapan siya at bigyang ng leksiyon, hindi ang titigan at pag-aralan siya!
Itinuwid ko ang pag-iisip ko at naglakad hanggang sa magkapantay na kami. I laid my eyes again on her, only to make my heart skip from beating normally. Her eyes were sparkling with unshed tears. Naroon pa rin ang tapang pero bahagyang humina.
May umiiyak bang Kyuubi? Alright, I saw Naruto cry a lot of times but not Kyuubi. Kaya maaaring ilusyon ko lang ang nakikita ko.
Balak ko siyang ikulong dito nang mag-isa pero parang gusto ko na lang siyang samahan.
“Talaga bang wala kang susi nitong classroom na ‘to?” tanong niya nang hindi ako nililingon.
“Tch! Ang kulit. Wala nga!” Kunwari ay nakukulitan na ako sa kaniya.
Hinarap niya ako. Naglaho na ang mga luha niya. Mayroon nga ba kanina? Baka wala naman talaga. Muta ko lang siguro iyon.
“May tumulak ng pinto at ni-locked.”
“Hindi ko nakita,” bara ko naman. “O baka ikaw naman talaga ang nag-locked. Gusto mo akong solohin dito?” Ngumisi ako sa nakitang bahagyang iritasyon sa mukha niya.
“Mukha ba akong sabik na makasama ka sa iisang palapag ng building sa buong magdamag sa lagay na ito?” Bawat salitang binitiwan niya ay ang paniningkit ng mga mata niya.
Ang sama makasalita! Akala mo naman kung sinong kagandahan!
“Kung hindi ikaw, sino?” Umikot ako habang nakalahad ang mga kamay. “We are the only ones here.” Tumigil ako nang muling matapat sa kaniya. “At ikaw ang kahuli-hulihang pumasok ng classroom kanina,” pagngudngod ko pa lalo. “For your information, Kyuubi, lahat ng mga babae rito ay nagkakandarapang ma-solo ako!”
“Well, wala akong galamay marahil kaya bakit ako magkakandarapa sa ‘yo?”
Sa inis at pagkakapintig ng tainga ko ay mabilis kong binaybay ang pagitan namin. I stared at her wickedly, grabbed her tightly in the chin and carelessly lifted it so she could recognize me truly in the eyes! Nagpumiglas siya pero hindi ako nagpatinag. Hinablot ko ang buhok niya sa likod, iningat para patigilin siya sa kagagalaw at para mas magkatitigan kaming maigi.
“Let go of me!” asik niya.
Totoong malakas siya pero gusto kong idikdik sa utak niyang babae pa rin siya at ako ay lalaki! Kaya ko siyang lumpuhin ngayon kung gugustuhin ko!
“No! I’m so full of you!”
Nakaangil siya habang hinihingal siya sa kapipiglas.
Her warm and mint breath was caressing my bare face. She’s too close that I am between pushing her away or savoring the smell of her breath and her body. I admit, she smells good. Amoy baby na napolbohan ng Johnson baby powder.
“You can’t just fool, insult and philosophize around me, in my own territory! No!” singhal ko. I raised his chin even more in emphasis on what I asserted. “Do you understand?”
Itinikom niya ang mga labi sa nagpipigil na inis.
Marahas ko siyang binitiwan kahit may parte sa loob kong hindi pa sana. Never ko iyong naramdaman sa kahit kanino, kahit kay Nikki. Weird! Siguro’y masyado lang ako natatapangan sa kaniya kaya ganito ang epekto sa akin. Or maybe I just feel like I’m being tested by her, or challenge perhaps.
“Ngayon mo sabihing hindi ikaw ang nagplano nito.” Muli siyang nanumbalik sa rati, relax and fixed.
Ngisi lang ang isinukli ko sa kaniya nang magngitngit siya lalo.
“Bakit?”
“Dahil nasa teritoryo kita at kaya kong gawin ang lahat ng mga naisin kong gawin sa kahit kanino!” pabalya kong sagot. “Bawiin mo ngayon din ang mga akusasyon mo sa girlfriend ko.”
“Kapag ba binawi ko titigilan mo na ako?”
Nagkatinginan kami. May kung anong nanunubok na emosyong naglalaro sa mga mata niya.
“I think you should learn your lesson first. Kapag nagsawa na ako, laya ka na. Only time can tell...”
Malamig na tingin ang ipinukol niya. Hindi na siya nagsalita. Tuluyan nang sinakop ng kadilim ang paligid. Tanging ang mga ilaw sa mga light posts ang nagbibigay ng liwanag.
“Kailangan mo lang sabihin kung ano ang makapagpapatigil sa ‘yo sa paglapit sa akin. Tell me and I’ll work my a*s of it.”
Punung-puno nang pang-uuyam akong natawa. “You’re too late. Now tell me I am worth it to clash with.”
“You know you’re not. And it was not my purpose of telling you the truth,” pagdidiinan niya. “Now, if you wish to become in denial forever, then I take back everything I said about your faithful girlfriend. Tama ka nga naman, ‘di ba? I don’t even have proof. I don’t have that’s why I am lying. Ginawa ko na kung ano ang gusto mo. Sana’y huwag mo na akong guluhin.”
Narinig ko ang mga yapak niya at naramdaman ang papalayo niyang presensiya niya. Gamit ang katamtamang liwanag ng buwan ay natunton ko kung nasaan siya.
Naupo siya sa right side ng rooftop at ipinatong niya ang likod sa sementadong parte roon. Itiningala niya ang ulo na tila ipinapahinga ang likod at leeg. Naglakad na rin ako paroon at naupo dalawang dipa mula sa kinaroroonan niya.
Dumaan ang mahabang minutos. Nakayuko lang siya. Naglakad ako papasok ng classroom. Inilabas ko ang susi at sinuksok sa doorknob.
“Sh*t,” tahimik kong mura sa sarili nang hindi ito bumukas.
Mali yatang susi ang ibinigay sa akin ni Reka. Ilang beses kong inikot-ikot ang susi pero wala talaga.
“Ang bilis naman ng karma.”
Lumingon ako sa kaniya. Nasa pintuan siya at nakatanaw sa akin.
“Ano-”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil umalis na siya. Bumalik siguro sa kinasadlakan niya. Nagpupuyos ako sa inis na sumunod sa kaniya. Nadatnan ko siya sa dati niyang puwesto kanina, nakayakap sa mga binti at nakaunan sa mga tuhod. Natutulog na siguro.
It took me thirty minutes to get my sleep but I really couldn’t get it. Hindi ako sanay matulog nang nakaupo. Lumipad ang tingin ko kay Kyuubi. Hindi na siya umiimik. Nakatulog na siguro. Mabuti pa siya...
Nakaupong gumapang ako palapit sa kaniya. Inilabas ko ang cell phone, pinindot ang screen at itinapat ito sa mukha niya. I was dumbfounded by her long eyelashes down to her pointed nose and her pink and soft lips. I gulped hard and looked away, avoiding my gaze from her lips. She looks like a gentle angel when asleep.
May nag-uudyok man sa kabilang bahagi ng isip kong hawiin ang mga hiblang sagabal sa mukha niya, pinigil ko agad.
Binawi na niya ang mga paratang niya kay Nikki pero bakit parang ayaw ko pang magtapos kami rito?
Muli akong napatitig sa maamo niyang mukha. “Gusto ko pang makipaglaro sa iyo.” Titig na titig ako sa kaniya habang sinasabi iyon.
Nairaos ko ang buong magdamag na masakit ang likod. Inabangan kong may dumaan na security guard sa ibaba. Nang mayroong nadaan ay nagsisigaw ako para marinig niya ako.
Heto kami ngayon, magkasunod na naglalakad palabas ng building. Simula nang magising siya’y hindi na kami nag-usap. Tinahak niya ang daan patungo sa likod. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya.
Pumasok siya sa exclusive gate ng Kerrigan Girl and Boy Dormitory. So, doon siya nanunuluyan? That’s why she wasn’t nervous last night because the dorm where she lives is just nearby. Napangisi na lang ako at nailing.
Napangiti tuloy ako sa naiisip kong kalokohan. Sa likod ng Kerrigan Casaleo ay ang dormitory ng mga estudyanteng gustong mag-dorm na kadalasan ay mga galing sa malalayong probinsiya. Dalawang building iyon, ang isa ay sa mga lalaki at isa sa mga babae. Although different buildings but in the same compound.
Puwedeng-puwede kong magulo ang buhay niya roon anytime. Doon nag-do-dorm si Reka. Sa Makati ang bahay nila pero ginustong mag-dorm pa rin in case of emergency or kapag tinamad siyang magbiyahe. Maging ang kapatid na babae ni Harell ay roon din nakatira. Medyo magkasundo kami no’n kaya baka makatulong din siya sa mga plano ko kay Kyuubi.
Every opportunity concurs with me. Who am I to repudiate those, isn’t it? Siyempre tatanggapin at pakikinabangan ko nang maluwag sa loob.
Hanggang sa makarating ako rito sa four pillar ng University. Napalunok ako nang malalim nang makita ko ang pamilyar na sasakyang papasok ng main gate. Alam kong wala akong ligo ngayong araw pero hindi naman ako pinagpapawisan nang ganito katindi. Daig ko pa iyong pumunta ng sauna, eh.
Habang palapit ito nang ay mas nakikilatis ko. Sasakyan iyon ni Mommy Stella, ang asawang legal ni Dad.
I couldn't even move my feet in intense tension for fear of seeing who would get out of that car, whether it's Mommy Stella or Daddy. Worse if the two of them are together. Puwede na akong mamatay kung silang dalawa nga. I can't bargain with two cold creatures with blazing flames on the eyes, I'll get burned and die young.
“Ano’ng ginagawa niya rito?” Napapikit ako. Hindi nga pala ako umuwi.
Madalang lang siyang magpunta rito kahit pa ang totoo’y malapit na nilang mabili itong Kerrigan Casaleo University. Hinihintay na lang nila ang perang nautang nila sa isang kasosyo ni Dad sa US.
Nang tumigil ito at lumabas ang driver para pagbuksan ang nasa back seat ay napatuwid na lang ako ng tayo. Inihanda ang sarili sa posibleng kahinatnan ng hindi ko pag-uwi.
The bulk of the sophisticated woman peeked out wearing her white long sleeves and black pencil cut knee-length skirt. Suot nito ang mamahaling shades, diamond earrings and black killer high heels stilettos. Isinisigaw ng ayos at galaw niya ang karangyaan sa kabila ng katotohanan sa likod ng mga ito.
“Mommy Stella.” Ipinatangay ko na lang sa hangin ang salitang lumabas sa bibig ko.
Nagtuloy-tuloy siya sa pag-akyat ng hagdanan. Ako naman ay hindi na nakakilos sa kinatatayuan. Napahakbang ako paharap nang lumanding ang mga sapatos niya sa sementadong half-landing ng maluwang at mahabang hagdan.
“Don’t talk and just follow me,” utos niya sa mababang tono habang naka-chin up. “We’ll talk about you later,” patuloy niya bago naglakad patungo sa private building ng presidente ng University.
I nodded and turned back again and follow what she ordered me to do. Nakasunod ang dalawang bodyguards sa gilid ko. My consolation was she’s not with Dad. Ayaw na ayaw niyon na hindi ako umuuwi ng mansion nang walang magandang dahilan. Ang masama’y wala talaga akong pasabi. Masyado akong nalibang kasama ang Kyuubi na iyon.
Pagkapasok namin ng opisina ay ang mismong President and sumalubong sa amin.
“Stella,” tuwang-tuwang ani nito nang makita ang Mommy.
Kung hindi ako nagkakamali ay pag-uusapan nila ang nalalapit na pagbili ni Daddy sa eskuwelahang ito. At hindi ko maintindihan kung bakit isinama pa niya ako.
Mom smiled at him gracefully. Isinalubong nito ang kamay sa matandang presidente. He’s seventy-plus I think. Hindi iyon maitatanggi sa buhok niyang halos puti na.
“You're early today,” manghang wika nito pagkatapos nilang mag-shake hands. “And you’re with your son.” Nakangiti niya akong binalingan ng tingin.
“Good day, Mr. President,” magalang bati ko sa kaniya.
“Good to see you, hijo. The future heir of Alejann Corporation and... maybe the next president of this institution in the near future.” Magiliw niyang sinulyapan ang Mommy pero mabilis din akong binalikan upang kaniyang hagudin ng tingin.
I sensed an exclamation of appraisal in her voice and stares. Pagkatagal ay nakita ko ang pagngiti niya at matinding paghanga.
“Sa nakikita ko sa iyong anak ay natitiyak ko magpapatuloy ang legacy ng Kerrigan kapag iniwan ninyo ito sa pangangalaga niya.”
Ngumiti ang Mommy, kung proud ba siya sa akin o hindi, hindi ko rin masabi.
“Thank you so much, Mr. Chen. Iyan ang isa sa mga bagay na pag-uusapan pa namin ng Daddy niya. Although my son will soon inherit one of those in the future,” she said smiling mischievously. “Marami pa siyang dapat matutuhan. I’m glad to hear if he hasn’t done anything silly in the two days since class started.” Pailalim niya akong tiningnan.
Marahang tumawa ang matanda. “Relax, Mrs. Alejann, wala pa naman sa pagkakaalam ko.”
Kinalakihan ko na ang laging napapasabak sa riot sa loob ng school. Bully na kung bully but I feel strong and safe hurting others. Gusto kong manakit para maipakitang hindi ako basta-basta, na hindi ako nagpapatalo, na hindi ako mahina. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami, ako at ng Mama, kayang protektahan ni Dad at ng mga taong nangakong poprotektahan kami. Mas maigi nang nakahanda ako anumang oras.
Ang Mommy Stella lagi ang nagpupunta sa tuwing napapasabak ako sa riot dahil hindi naman magawa iyon ni Mama. Kung hindi utos ni Dad, gagawin niya kaya? Malamang ay hindi. Anak lang naman ako sa labas ng asawa niya.
“I will never say “good job” because I know he’ll make records again one of these days, a head wrecking record,” she stressed.
Muling natawa ang matanda. “Alam mo namang usong-uso sa mga kabataan ang napapasabak sa gulo.”
Umiling ang Mommy.
“Have a seat,” he offered and walked to his seat. “Make yourselves comfortable...”
Nang sumunod ang Mommy ay sumunod din ako. “Thank you...” Magkasunod kaming naupo sa visitors chair sa tapat ng executive desk nito.
“I am here, Mr. Chen, to inform you that we’ll gonna settle our borrowed money from Silver’s friend after one month. Sa araw din na iyon, mababayaran na naming buo itong Kerrigan Casaleo University... I am requesting you to prepare the documents if possible.”
“I don’t mind, dear. Don’t worry, I’ll order my Secretary about your request...”
Pagkatapos ng pag-uusap ay lumabas na kami ng opisina. Pagdating sa mga ari-arian ni Dad, siya talaga ang umaasikaso. I don’t mind, she has all the rights, she’s the legal wife.
“Bakit hindi ka umuwi?” tanong niya nang nasa loob na kami ng sasakyan.
“Nakatulog ako sa dormitory ni Reka, Mommy,” sagot ko. Hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
“At gusto mong paniwalaan ko iyan?”
Umiling ako. “Gusto ko lang makasama ang mga kaibigan ko, Mommy.”
“Magpasalamat ka dahil may biglaang flight ang Daddy mo kung wala’y pareho na naman tayong nalintikan,” aniya sa nanenermong tinig. “Alam mo naman kung gaano ka-sensitive ang Daddy mo pagdating sa iyo. Ayaw na ayaw niyang pumapalpak ka. What your Daddy views, wants and plans for you is the same for me. Hindi mo dapat siya binibigo.”
Matinding pagmamahal. Iyan ang dahilan kaya naaatim niya kaming pakisamahan. I wonder kung gaano kasakit sa parte niya nang ibinahay ng ama ko ang kabit nito at nagbunga pa ng anak who is me. Yes, kabit, masakit mang itawag sa ina ko iyon pero iyon ang totoo. Mahal na mahal ng Mommy Stella ang Daddy na okay lang na siya ang umalis ng mansion. Ako man ay nasasaktan para sa kaniya.
“I am sorry po... kung hindi ako nakapagsabi agad.”
“You know the road we are walking, Zyair, you must be more careful.” Mababa ngunit nagpapaalala ang tinig niya.
“Opo...”
“Huwag mo nang uulitin. May plano ka man ulit, mahalagang magsabi ka.”
Tinanguhan kong lahat ang mga bilin at mga pangaral niya. That’s the least I can do for her anyway.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate ng mansion. Sinulyapan ako ni Mommy.
“Kapag tumawag ang Daddy mo, itanggi mong lahat ang sasabihin niya at panindigan mong umuwi ka ng mansion kagabi. Ako na ang bahalang magpatunay niyon... Pumasok ka na, kumain at maligo.”
Tumango ako. “Thank you po sa paghatid.”
Hindi siya nagsalita. Tumingin lamang siya sa labas ng bintana sa gawi niya.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba na. Nanatili akong nakatayo at nakasunod sa papaalis na sasakyan.
Pagkapasok ko ng gate ay sinalubong agad ako ni Mommy.
“Zyair,” aniya sa nag-aalalang tinig. Hawak-hawak niya ang wireless telephone habang tumatakbo papunta sa akin. “Saan ka ba nagpupuntang bata ka?”
Kung ang Mommy Stella ay hindi pumapalya pagdating sa obligasyon niya sa akin na initang sa kaniya ni Daddy, doble naman kay Mama sa tuwing narito ako sa loob ng mansion. Mapagmahal at maalaga ang Mama.
“Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako kinakabahan sa iyo.” Tinatakpan ng matatag niyang tinig ang pag-alala sa mukha niya.
Hinawakan niya ako sa braso at sinusuring maigi ang mukha ko.
“Nakitulog ako sa dormitory ni Reka,” pag-uulit ko sa kasinungalingang sinabi ko sa nauna. “I am sorry kung pinag-alala ko kayo. Matagal kaming hindi nakapag-bonding ng mga kaibigan ko. Pasensiya na kung nakalimutan ko’ng mag-text sa inyo, Mama.”
“Ang Daddy mo-”
“Ang Mommy Stella ang naghatid sa akin pauwi.” Putol ko sa sinasabi niya. “Siya na raw ang bahala kay Daddy.”
“Sige...” Ngumiti na siya. “Halika na sa loob nang makakain ka na. Eh di, hindi ka na nakapasok niyan.”
“Ang Mommy Stella na raw ang bahala...”
End of Zyair’s POV