Chapter 7
Taira’s POV
Nagpipigil akong ibagsak ang katawan sa nakaabang kong kama pagkapasok ko ng kuwarto ko rito sa dormitory. Galing ako sa labas, madumi pa ako. Hinablot ko ang towel ko sa closet, dumiretso sa banyo, mabilis naghubad at tumapat sa shower. Nakatulala lang ako sa baldosa habang tumatakbo ang utak ko sa lalaking iyon.
“Salbahe talaga. Parang bata kung mag-isip,” I whispered in relief as the warm water falling from the shower calm me.
Minsan napapaisip na lang ako kung deserve ko ba itong nangyayaring ingay sa buhay ko ngayon. Nandito ako para mag-aral at mag-chill pero bakit sakit sa katawan at ulo ang napapala ko sa tuwing nakatatagpo ko ang lalaking iyon.
Kinulang yata sa bitamina noong bata ang Sakuraging ‘yon.
I just said he’s being cheated on by his girlfriend or continues to be fooled because it’s obvious that he has no idea. And this is what I got. Maybe I was arrogant when I said that but I just divulged the truth.
Totoong hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa maya’t mayang pag-iilaw niya sa tapat ng mukha ko. Because I wanted to rest my body, I really urged myself to sleep. I need to regain strength from his punch. Ayaw ko nang bumalik sa doktor.
Idinaan ko sa pagkuskos ng katawan ang inis ko sa kaniya. Nang maisip kong may hinahabol akong klase ay dinoble ko ang kilos.
“Hi!”
Nagulat pa ako sa biglang nagsalita paglabas ko ng banyo. Isang babaeng tila kapapasok lang din dito. Nasa kamay pa lang niya ‘yong susi. Ang lapad ng ngiti niyang nakatitig sa akin. Nagpapakita ang maliliit niyang dimples sa magkabilang ibaba ng mga sulok ng kaniyang bibig. She has below the shoulder and wavy hair. Para siyang anime character sa mga napapanood kong manga series.
“Hello,” bati ko nang makabawi.
Three days before pasukan ay naririto ako para tingnan itong kuwarto ko. Wala akong matandaang may nabanggit ang staff na nag-assist sa aking may makakasama ako rito sa kuwarto. Pero ganoon talaga. Bawat kuwarto rito ay may dalawang kama. Dalawang boarders sa isang room.
Bukas ay uuwi na ang Tatay at Mama sa Nueva Vizcaya. Isang kalapit-probinsiya. Pitong oras ding biyahe mula rito sa Manila. Ang bahay na tinutuluyan namin dito ay ibebenta na ng Mama. Gusto niya raw akong suportahan sa pag-aaral ko. Matagal nang abandonado iyon. Ngayon lang ulit siya nauwi roon dahil umuwi kami ng Lolo.
“Akala mo siguro wala kang kasama rito, ‘no? Nag-do-dorm talaga ako kaya lang nagbabalot ako paalis kapag mag-e-end na ang school year. Bumabalik na lang ako kapag mag-start na ulit katulad na lang ngayon. Wala pa iyong mga gamit ko. Ihahatid pa lang ng Kuya ko mamaya. Grade eleven student ako rito.”
Maluwang ang kuwarto namin. Nasa kanan ang kama ko at kaliwa sa kaniya. May kaniya-kaniya kaming study table. Iisa ang banyo, roon ay may bathtub na rin. May enough space of veranda rin kami at mini kitchen. Mga gamit na lang ang kulang.
Ang sabi ng isang staff ng dormitory ay magsabi lang ako kung palalagyan ko ng wooden divider sa pagitan ng mga kama namin pero sinabi kong pag-iisipan ko pa.
“Kauuwi mo rin ba rito sa room natin?” nakangiting tanong niya. “Pasensiya ka na, ah, ang daldal ko kasi pero mabait naman ako... Ako nga pala si Lia, ikaw, ano’ng totoong pangalan mo?”
Matapos kong isuot ang panty, brassiere at short sleeve kong uniform ay kinalas ko na ang tuwalya sa katawan ko.
“Taira. Taira ang pangalan ko.”
“Whoa! Nice name! Pangalan pa lang matapang na...”
May kilala akong kamukha niya pero hindi ko matandaan kung lalaki iyon o hindi.
“Nakatutuwa naman, first-time kong may makasama sa iisang kuwarto. And I am happy that it’s you!” tuwang-tuwa niyang bulalas. “So, ikaw pala si Kyuubi!”
Bahagyang tumaas ang kilay ko. Kampon ba siya ni Sakuragi?
“Alam mo bang sikat ka na sa Kerrigan?”
Tuluyan nang umangat ang kilay ko sa puntong iyon. “Sikat?”
“Oo,” inosente naman niyang sagot. “Ang sabi ng mga classmates ko ikaw raw ang unang nakabangga ng nag-iisang tiger man ng Kerrigan ngayong taon.” Bumungisngis siya. Kung bakit ay hindi ko rin ma-gets. “Sa lahat ng mga nakabangga at napag-trip-an ni Kuya Zyair, ikaw lang ang parang hindi takot.”
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa closet at kumuha ng uniform na palda. Babae naman siya kaya rito na lang ako sa harapan niya magbibihis.
Naglakad na rin siya palapit sa kama niya at naupo roon. Muli niya akong tiningnan. “Ang liit ng mundo at talagang magsasama talaga tayo iisang room. I can’t believe! I find you cool anyway.” Namimilog ang mga mata niya sa paghangang nababasa ko sa mga ito.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa batang ito.
“Ano nga kayang sasabihin ni Kuya Zyair kapag nalaman niyang magka-room tayo?” Sumimangot siya at tila nag-isip pa. “We’re close a bit...”
Sa rami ba namang puwedeng makakuwarto, iyong may kaugnayan pa sa Sakuragi na iyon! Isa pa, mukhang madaldal ang isang ito. Ayaw ko pa naman sa maingay. Mukhang palalagyan ko na lang ng boarder ang pagitan namin kapag hindi ko na makayanan.
“Bakit mo kasi sinabing nagchi-cheat si Ate Nikki sa kaniya? Nagkalat tuloy sa buong Kerrigan iyong chismis na ‘yon.”
Tuluyan na akong napatigil sa ginagawa ko at hinarap na siya. “Hindi ko sinasadyang sabihin ‘yon.”
Kahit papaano’y nakaramdam ako ng guilt. Mali nga sigurong pinairal ko ang bugso ng damdamin.
Nanlaki ang mga mata niya. “Talagang pinapanindigan mong totoo iyon at hindi mo lang gawa-gawa?”
Bumuntong-hininga ako at sinuot na ang palda ko. “Totoo iyon. Nagsasabi ako nang totoo. Ang mali ko, sinabi ko agad na hindi inaalam kung ano ang mga consequences...”
Humugot ako ng boxer short at isuot nang hindi ako masilipan.
“Grabe, so, totoo pala talagang may lalake si Ate Nikki... Grabe, paano niya nagawa ‘yon kay Kuya Zyair?” Pinaghalong galit at pagkadismaya ang nasa tinig niya. Hindi nagtagal ay muli niya akong tinitigan. “Kilala mo ba kung sino ‘yong lalaki? Nakita mo ba ang itsura niya.”
Four days bago ang pasukan, pumunta ako rito sa University para mag-enrol. Una kong nakita si Sakuragi kasama si Nikki. Magkahawak sila ng kamay at nagtatawanan. Baby ang narinig kong tawagan nila. Nagtago ako kaya hindi nila ako nakita. Sa luwang ng University ay naligaw ako. Sa likod ng music building may nadatnan ako roong naghahalikan. Si Nikki nga ang babae at ang lalaking kasama niya’y nakita ko rin, hindi si Sakuragi. Kung makahaharap ko man siya ulit, makikilala ko siya.
Nakita nila akong nakatingin sa kanila. Sino namang hindi mapapatingin, ‘di ba? Halos ubusin nila ang hangin ng isa’t isa. At kung hindi ko pa sila nahuli ay baka naghubaran na silang dalawa. Mapunong bahagi iyon ng campus. Nasa likuran ng mga nagtatayugang buildings. Wala pang klase kaya walang maraming tao noong araw na iyon.
“Hindi,” pagsisinungaling ko. Baka mas lalong gumulo ang mundo ko kapag nalaman niyang nakita ko ang mukha.
“Pero gaano ka nakasisiguradong ibang lalaki iyon? Baka si Kuya Zyair naman talaga ‘yon?”
“I am sorry for him. Hindi ganoon ang gupit ni Zyair. Hindi rin ganoon ang hubog ng katawan at tangkad. Ibang-iba sa anyo ng lalaking iyon...”
“But you shouldn’t,” aniya. “Sinasabi mo lang ang totoo at ang nakita mo.”
“At naniniwala ka sa akin?” takang tanong ko.
“Yes, why not? Hindi ka naman mukhang nagsisinungaling, eh... Kaya lang...” Sumimangot siya pagkatapos ay nag-aalalang tiningnan ako. “Hindi ka paniniwalaan ni Kuya... Si Ate Nikki ang nanligaw kay Kuya Zyair. Siya talaga ang baliw na baliw kay Kuya... Kaya paano naman maiisip ng nakararami na magloloko si Ate Nikki kung pinaghirapan niyang makuha si Kuya, ‘di ba?”
Kaya pala ganoon na lang ang galit niya sa akin. May mga tao palang ganoon. Pinaghirapan niyang makuha ang loob niyong tao pero siya rin pala ang unang mananakit at wawasak sa mga efforts at ipinuhunan niya para doon sa tao. Ang nakapagtataka, bakit siya nagtataksil nang palihim kung puwede naman niyang hiwalayan?
“That’s not my business anymore,” pormal kong sinabi.
“But you’re part of the cycle already, Taira... sa ayaw at sa gusto mo. And I am warning you, expect the worst from Kuya Zyair,” babala niya. “Hindi ka niya titigilan hangga’t wala kang ebidensiya... Hangga’t hindi niya nakikita ang totoo sa sarili niyang mga mata.”
Napatingala ako at napabuga na lang nang mahabang hininga. Ramdam na ramdam ko ang sinasabi niya dahil ilang beses na akong sinampolan ng lalaking ‘yon.
Ano pa ba’ng magagawa ko kundi ang harapan itong kinasadlakan kong problema.
“Wala naman sa akin ang sagot sa mga katanungan niya. Only him can find it. Hanapin niya sa girlfriend niya,” seryoso kong katwiran.
Nagkibit-balikat siya at seryoso ang mukhang humiga siya sa kama.
“Kuya Zyair has trust issues.” Nakatulala siya sa puting kisame sa itaas. “Ngayon lang siya nagtiwalang lubos sa isang babae pagkatapos niloko pa siya. Hindi ko na lang talaga alam ang mangyayari sa kaniya kapag napatunayan niyang totoo nga ang mga sinasabi mo...”
Lumipad ang mga mata ko sa bintana nang marinig namin ang malakas na ugong ng bell sa University. Siya naman ay napabalikwas ng bangon. Nagkatinginan kami.
“I think it’s bye for now! See you ulit mamaya!” Nagmamadali niyang inayos ang sarili, dinampot ang bag at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
Kinabit ko ang necktie ko, nagmamadaling nagsapatos at patakbong lumabas ng kuwarto habang nagsusuklay.
Habang nasa klase ay tumatagos hanggang buto ko ang tinging iyon mula sa kabilang row. Ni minsan ay hindi ko binalak lumingon para alamin pa. Ayokong mas sirain ang araw ko.
Nang mag-bell para sa break time namin ay nagmamadali akong lumabas ng classroom para makaiwas sa giyera. Malalaking hakbang ang ginawa ko pauwi ng dormitory.
Pagkarating ay nagtungo agad ako sa kitchen at nagsalang ng mainit na tubig. Kapapatay ko ng electric stove nang may biglang kumatok.
Wala bang susi si Lia ng silid namin? Parang may nakita naman ako kanina. Ano pa man, kailangan ko pa ring pagbuksan. Kawawa naman kung wala o nawala niya.
Magkakapatong na storage boxes ang sumalubong sa akin. Buhat-buhat ang mga ito ng ‘di ko matukoy na tao dahil natatakpan ang mukha niya ng mga ito.
Napakunot-noo ako nang mapansin ko ang panlalaking mga sapatos niya.
“Mga gamit ‘to ni Lia.”
My eyebrows almost became a one-line at his familiar voice. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok na lang siya nang walang pasabi. Ni-locked kong muli ang pinto. Nakamaang akong sumunod sa kaniya.
Ibinaba niya ang mga dala sa tabi ng kama ni Lia. Tumayo siya at humarap sa akin. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang makita kong tuluyan ang pagmumukha niya
Ano’ng ginagawa ng Sakuraging ito rito?
“Ikaw! Ano’ng ginagawa mo rito?”
Patuya siyang tumawa. Pakiramdam niya yata’y naisahan niya ako.
“Hindi ka ba talaga titigil?” pahamon kong tanong sa kaniya.
“Be my slave for one month and I’ll stop chasing you afterwards,” he said, full of confidence and charm.
“Huh?” Naipamaywang ko na lang ang kamay ko sa kakapalan ng hinayupak na ito. “Baliw ka na ba talaga?”
“Taira, anak...”
Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tinig ni Mama Carol sa labas. What is she doing here? Shook! They will go home tomorrow in the province! Why did I forget that! Malamang ay dadaanan at magpapakita muna sila bago magbiyahe!
Natataranta na ako! Hindi ko na alam kung ano ang unang uunahin, itong Sakuraging ito ba o ang tumalon na lang sa labas ng bintana?
Hindi siya maaaring makita ni Tatay! Siguradong magagalit iyon kapag nakita niyang may kasama akong lalaki rito sa kuwarto ko.
“May bisita ka pala. Bakit hindi mo buksan?” nakangising tanong niya. “Gusto mong ako na lang ang magbukas?”
Akmang hahakbang na siya patungo sa pinto nang pigilan ko siya sa braso. “Taira, apo...” Tinig iyon ni Tatay.
Problemado akong napatingala kay Sakuragi. “Pumapayag na ako sa lahat ng kondisyon mo, okay! Pero magtago ka muna! Makikita ka ng Mama ko!”
Hindi ko na siya hihintaying makaangal o makapagsalita. Malakas ko na siyang hinila papunta sa study table ko. May space roon sa ibabang table ko na puwede niyang pagtaguan.
“Madali ka lang palang kausap, eh,” wika niya habang tatawa-tawa nang nakaloloko.
Ipinagpapasalamat kong nagpatangay siya sa paghila ko sa kaniya.
“Magtago ko riyan at huwag na huwag kang aalis!” matalim kong utos at banta na rin sa kaniya. Itinuro ko sa ibaba ng table ko.
“Sure! Basta ba’t tumupad ka at-”
“Oo na nga, ‘di ba?” putol ko sa mga sasabihin pa niya. Inabot ko siya sa buhok at pilit pinayuyuko.
“Putangina!” mura niya. “Kasya ba ako riyan sa loob?” nanlalaki ang mga mata niyang itinuro ang masikip na space.
“Taira, anak, nandiyan ka ba sa loob? Tatawag na ba kami ng security guard?” si Mama sa nag-aalalang tinig. Baka akalain na naman nilang binabangungot ako.
“Putangina mo rin! Huwag ka nang mag-inarte! Buhay ng Tatay ko ang nakasalalay rito! Kung kailangan mong baluktutin lahat ng buto-buto mo para magkasya ka ay gawin mo!” Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para maitulak siya paibaba.
Nagdikit ang mga kilay niya kung bakit ay hindi ko alam. “Buksan mo na! Ako na bahalang pagkasyahin ang sarili ko rito.”
I felt like he was going to do it. Nakikita ko sa kaniyang mga mata. I stood up, adjusted and fixed myself and walked towards the door.
“Mama,” namumungay ang mga matang sambit ko pagbukas ko ng pinto. Umaaktong kagigising lang. Kinakamot ko ang talukap ko habang napapakamot sa anit ko.
“Taira, apo, akala na namin kung ano nang nangyari sa ‘yo,” nag-aalalang hinawakan ako ni Tatay sa ulo.
“Po? Nakatulog lang po ako, Tatay...” Ngumiti ako, hinawakan ko siya sa kamay at nagmano.
“Kaawaan ka ng Diyos...”
“Hello po, Mama Carol.”
Tuwang-tuwa niya akong niyakap. “Alam naming may klase ka kaya kami na ang pumunta rito. Magbibiyahe na kami bukas, eh,” aniya sa malungkot na tinig.
Kumawala siya at hinawakan si Tatay para alalayan sa pagpasok.
Ako ay nauna nang naglakad papunta sa study table ko. Alam kong nakatingala sa akin si Sakuragi pero hindi ko siya tiningnan. Mahirap na. Baka makalikha pa siya ng ingay. Kung hindi lang sa sitwasyon ay matatawa talaga ako sa itsura niya. Akalain mo ‘yong bakulaw na mayabang na lalaking ‘yan ay nakasuksok sa masikip na espasyo na tila fetus.
“Umupo na lang po kayo riyan sa kama ko,” turo ko sa kama. “May upuan din po sa kusina. Gusto ninyo po ba’ng maupo?”
“Hindi na, anak, okay na kami rito sa kama mo. Malambot naman,” si Mama na inililibot ang paningin sa kabuuan ng silid. “Ang ganda ng napili mong dormitory, anak. Saka kompleto na sa gamit...”
Tumawa ako at pinaglandas din ang mga mata sa mga sulok. “Maganda nga po. Bibili na lang po ng mga ilang gamit.”
“Apo, may kasama ka ba rito,” si Tatay.
“Opo, Tatay. Babae rin po at mukhang mabait naman po.”
Sumigla at lumiwanag ang mukha niya. “Magandang balita iyan, apo. Mas maiging may kasama ka lagi. Sana’y makasundo mo siya...”
“Opo, mas bata siya ng isang taon sa akin.”
“Hayaan mo at luluwas ulit ako, anak. Ibibili kita ng mga kailangan mo pang mga gamit dito,” si Mama na kanina pa iba ang tingin sa akin.
Mukha talaga siyang ina na nag-aalala at parang ayaw akong iwang mag-isa rito.
Tumikhim siya. Siguro’y may pinipigil siyang emosyon. “Ibibili kita ng mga libro mo, mga pang-skin routine mo, mga kailangan mo rito at-”
“Mama,” pigil ko sa kaniya. “May ipon po ako... Huwag n’yo na akong alalahanin... Unahin ninyo ang pangangailangan ninyo ni Tatay... Bigyan n’yo lang ako ng kaunti...”
Bahagyan siyang yumuko. “Talaga bang puwede na kaming bumalik ng probinsiya? Magiging okay ka kaya rito na ikaw lang?”
“Oo naman po, Mama.” Hinila ko ang upuan ko at naupo.
I was stunned when Sakuragi suddenly leaned the side of his cheek on my knees. Ang lambot ng pisngi niya. Bahagyang napaatras ang pang-itaas na bahagi ng katawan ko. His warm breath slightly hits my thighs making my hairs stand on my nape. Suot ko ang maikling palda na uniform ko kaya naglalakbay talaga ang hininga niya hanggang loob.
Gusto ko siyang tadyakan kung hindi lang talaga lilikha ng kalabog ‘tong lalaking ‘to!
“Tumawag ka lang sa amin, anak... Alam mo namang nasa probinsiya ang hanap-buhay natin...”
Nalulungkot din naman ako pero ganoon talaga. Tatay needs fresh air and food. At sa probinsiya lang niya makukuha lahat ‘yon.
“Opo. Babalitaan ko po kayo palagi...”
Pasimple akong nagbaba ng tingin para pandilatan sana ng mga mata ang lalaking ito pero hindi natuloy nang makita kong nakapikit ang mga mata niya. Mas lalo pang dumiin ang pagkakahiga niya sa mga tuhod ko. He must have fallen asleep...
Pagkatapos kong ihatid sina Mama sa sakayan ay nagbalik na ako rito sa kuwarto ko. Muntik na akong mapatalon nang madatnan ko siyang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa akin. Ang mga braso niya ay nakaunan sa likod ng ulo niya.
At home na at home!
“Nagsabing puwede kang mahiga riyan?” malamig kong tanong sa kaniya.
“Pakialam mo?” pabalang naman niyang sagot. “This is your first day as my slave, Kyuubi! Stop barking at your master!”
Ano ako? Aso? Baka gusto niyang makakita ng among itinali ng aso? Gagawin ko talaga sa kaniya! Hype lang!
End of Taira’s POV