Argue

1156 Words
"Sumosobra ka na Harvey." galit na bulalas ni Jasper sa anak na lalaki na naka halukipkip pa na naka irap. "I told you, gusto namin ng Mommy. Hindi ka na kikinig sa amin." wika pa ng bata. "May mommy kayo ni Heather bakit ba hindi mo maintindihan." "Ayaw n'ya sa amin kasi gusto n'ya pakasalan mo s'ya." napasapo naman ng noo si Jasper. 5 taon pa lang si Harvey pero daig pa n'ya ang nakikipag-usap sa matanda. Muros itong kausap pero kapag mga pamilya naman n'ya ang kausap o kahit sinong matanda ang kausap sobrang bait at magalang ito. Sa kanya lang talaga ito laging galit na parang ito pa ang ama sa kanilang dalawa. Haba'yag si Heather naman ay tahimik lang pero daig pa ni Harvey ang pinuno ng kulto ang bilis nitong mapasunod ang kapatid nito na 4 years old naman. Medyo na coconfuse s'ya sa dalawang anak n'ya. Si Savanna ang ina ng mga ito na basta na lang iniwan sa kanya pag ka panganak pa lang una si Harvey muna ang dinala nito sa kanya pag ka panganak pa lang ni Harvey. Ayon rito hindi puwedeng malaman ng Papa nito na nag buntis s'ya. May dalawa daw s'yang choice pakasalan ito o akuin ang bata kahit syempre hindi na kailangan ng DNA dahil kamukha naman n'ya ang bata. Inilihim n'ya sa pamilya n'ya ang tungkol sa anak pero ng magka sakit si Harvey at hindi n'ya alam ang gagawin napilitan na s'yang lumapit sa pamilya magulang n'ya. Daig pa n'ya ang batang minor ng masabunutan s'ya ng Mama n'ya na nagulat ng sabihin n'ya na may anak na s'ya pero sa una lang itong nagalit dahil sobrang cute ni Harvey noon baby daig pa nito ang nakain na ng kanin sa sobrang laking bulas. Kaya naman giliw na giliw din talaga s'ya pero ipina DNA pa rin ito ng mga magulang na 99.99% naman na lumabas ang result na anak talaga nila n'ya si Harvey. Nag tataka lang s'ya dahil wala s'yang maalala na ginagamit n'ya si Savanna na hindi s'ya nagamit ng protection, unless na lang nabuo si Harvey ng gabi before ng birthday ng nobya. Then after a year bigla isang batang babae nanaman ang dinala nito na anak din daw n'ya na talaga naman kahit anong bilang n'ya hindi tutugma sa mga panahon na mag kikita sila para bisitahin nito si Harvey noon. Totoo inaamin n'ya may nangyayari talaga sa kanila ni Savanna dahil hindi naman s'ya playboy na lalaki na basta nilibugan kung sino-sino na lang ang ikakama n'ya. Si Savanna naman ang laging nga ooffer ng katawan sa kanya at bilang lalaking may pangangailangan at ina ito ng mga anak n'ya. Pinapatos n'ya ang offer nito katawan pero naging maingat na s'ya dahil may anak na nga silang isa pero wala pa man 1 year old si Harvey isang batang babae nanaman ang dinala nito, At anak nanaman daw n'ya. Positive nanaman sa DNA test ng ipatest nila and this time nag dedemand na ito ng kasal pero ang tatay naman nito ang may ayaw na ipakasal sila. At wala rin naman sana problema sa kanila makasal man sila o hindi. Papayag s'yang mag pakasal kay Savanna alang-alang sa bata pero hindi n'ya nakikita ang future na ito ang kasama pero ayaw n'ya ng broken family at lumaki na walang ina ang mga anak n'ya. Ngunit family conflict naman ang problema at wala s'yang balak mag habol kay Savanna kung ayaw nito mas ayaw n'ya nag kakataon lang na lagi n'ya itong na bubuntis ng 'di n'ya maintindihan kung paano. Kaya after ng dalahin si Heather sa kanya itinatak na n'ya sa isip n'ya na hindi na n'ya sisipingan si Savanna. At hindi na s'ya gagamit ng ibang babae may 2 anak naman na s'ya kaya kontento na s'ya. Ngunit ang anak n'yang lalaki napaka pasaway, ito ang nag hahanap ng magiging mommy ng mga ito. Ilang beses na s'yang muntik mapikot dahil sa anak na lalaki. Tulad ngayon naipatawag nanaman s'ya sa kindergarten dahil ang pasaway na panganay na anak n'ya. Hinipuan nito ang teacher nito at ang sumbong pa ng anak utos daw ng Daddy nito ay hawakan nila ang gustong maging mommy ng mga ito. Nagkataon naman na ikakasal na ang teacher ng anak ang worst part pa seloso pala ang Bf ng naturang teacher na ngayon daw ay dumadanas ng problema dahil sinabi pa ng anak n'ya na pakakasalan n'ya ang teacher nito sa mismong boyfriend. Kaya ngayon daw na cancel ang wedding at na depress ang teacher. "May girlfriend ako hindi ko pa lang s'ya maipakilala sa inyo dahil busy pa s'ya." sumimangot naman si Harvey na nilingon ang ama. "Liars go to hell." "Mag intay ka ipapakilala ko sa inyo ang bago n'yong magiging mommy." "Ang sabi mo kami ang pipili ng mommy namin." ani Heather. "Yes! Kapag hindi n'yo nagustuhan ang bagong girlfriend ng Daddy then hindi ko s'ya pakakasalan. Kaya utang na loob Harvey." baling ni Jasper sa anak. Hindi totoong may girlfriend s'ya pero after n'yang makita ang isang babae, hindi na ito nawala sa isip n'ya at hindi n'ya inexpect na mag kikita pa silang muli. Si Madison La Fradez na bigla na lang nag laho na parang bula at according kay Savanna nakapag-asawa na daw at lumipat na ng ibang bansa. Kaya medyo na disappoint s'ya ng bahagya pero that is life, lahat ng babae makakakilala ng lalaki na pakakasalan ng mga ito at marahil nakilala na ni Madison ang makaksama nito habang buhay. It's been 5 years at hindi ito mukhang may asawa, palihim n'ya itong pinag masdan habang suot ang makapal na shade. Wala itong suot na wedding ring at maganda pa rin ang katawan nito. Hindi pa sana n'ya gustong umalis that day kaso wala s'yang maisip na sasabihin, idagdag pa na ang bilis ng t***k ng puso n'ya pakiramdam n'ya ma s-stroke s'ya any moment dahil sa galit kay Archie at the same time ewan ba n'ya na biglang kumabog ang puso n'ya ng muling makita sa Madison. "Hindi ako na niniwala sa inyo." irap pa rin ni Harvey. "Anong pangalan n'ya?" tanong naman ni Heather. Nag isip naman ng pangalan si Jasper ng imaginary girlfriend n'ya. "Maddy." sagot n'ya pag sisinungaling na lang n'ya dahil hindi naman makikilala ng mga anak n'ya si Madison. "To see is to believe, let's go Heather." hinawakan pa ni Harvey ang kamay ng kapatid saka inalalayan na bumaba ng upuan sa isang donut shop. "Harvey," inis naman na pasunod na lang si Jasper sa mga anak. Pasakay na sana sila sa xpander na dalang sasakyan ng bigla nagtatakbo si Harvey na sinundan naman ni Heather. Nag-alala naman si Jasper na napatakbo pasunod sa anak ganun din ang 3 bodyguard na kasama nila. "Harvey, Heather." malakas na sigaw ni Jasper na napa pikit na lang ng makitang tumawid ng kalsada na saktong may dadaan na sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD