Be my wife

1226 Words
Napangibit si Maddy ng mabilis s'yang nakatakbo at mahablot ang dalawang batang babae at lalaki na basta na lang tumakbo sa pedestrian lane. Na muntik ng mahagip ng isang kotse na agad naman naka pag preno. Napaluhod s'ya na bumagsak na hawak ang dalawang batang halatang nabigla din dahil na mutla ang labi ng mga ito na nakatingin sa kanya. "Sorry po." wika naman ng batang lalaki habang ang batang babae ay malakas naman na umiyak. "It's okay. I'm okay." naka ngiting sagot ni Madison na hinaplos ang pisngi ng batang lalaki habang niyakap naman ni Mady ang batang babae na halatang natakot talaga. "Hoy! kung pabaya kang ina, wag kang nag sasama ng bata, mang dadamay ka pa sa purwisyo. Tumabi nga kayo d'yan." sigaw pa ng lalaking lumabas mula sa kotse. Kung hindi lang bata ang kaharap ni Maddy tatayo talaga agad s'ya at sisipain n'ya ang pinto ng kotse para maipit ito ng makita nito ang hinahanap. Bahagya n'yang itinulak ang mga bata para mapadaan ang kotseng muntik ng makabangga sa mga bata. "Heather, Harvey." tawag ng isang britonong boses sa likuran nila na agad na hinablot ang batang babae na umiiyak na binuhat ng lalaki na agad na mahigpit na yumakap ang batang babae sa leeg ng lalaki, habang yumakap na sa hita ng lalaki ang batang lalaki na umiyak na. Na niyakap din ng lalaki sa ulo at inaalo ang dalawang bata. Pasimple naman na nagyuko ng ulo si Maddy na aalis na sana ng makilala ang lalaking kumuha sa dalawang batang. Bakit ba pinag tagpo nanaman ang landas nila ni Jasper Montenegro, ang laki-laki ng Metro Manila. Sumama lang s'ya sa delivery dahil may dinaanan silang isang store na hawak nilang nag bounce ang cheque na inissue sa kanila. Post dated na nga nag bounce pa kaya naman cash na n'yang siningil, paalis na sana sila at pasakay na s'ya sa sasakyan na L300 na dala ng makita n'ya ang dalawang batang tumatakbo na parang tuwang-tuwa pang takbuhan ang tumatawag. Dahil mas malapit s'ya sa puwesto ng dalawang bata na napansin n'yang balak tumawid habang naka go ang light kaya bago pa mahuli ang lahat mabilis na din s'yang naka takbo at nahagip ang dalawang bata at napasama ang tapak n'ya ng isang paa n'ya. Patalikod na sana s'ya ng magulat ng biglang yumakap sa hita n'ya ang batang lalaki. "Mommy." usal pa nito na ikinagulat n'ya na ikinalingon kay Jasper na napalingon na din sa kanya at nagkatinginan silang dalawa. "Mommy." usal din ng batang babae na nag pilit na bumaba kay Jasper at tumakbo saka yumakap sa magkabilang hita ni Madison. Shock naman si Madison na napahawak sa ulo ng mga bata saka napangiwi. ********* "Harvey, Heather. That's enough come over here." galit na utos ni Jasper na pinagalitan ang dalawang batang ayaw ng bumitaw kay Madison. "Mommy, sumama ka na sa amin please." giit ni Harvey. "Harvey." saway naman ni Jasper napaka kamot naman ng kilay si Madison. "Ano kasi kids, may trabaho pa kasi ako mapapagalitan na ako ng boss ko." "Wag ka ng mag work mommy, mayaman si Daddy siya na po ang bubuhay sa atin." "Heather." bulalas naman ni Jasper. Gusto naman matawa ni Maddy ng makitang namula ng husto ang tenga ni Jasper na halatang hiyang-hiya sa sinabi ng anak. "Hindi puwedeng ganun, bear this is mind little girl. Hindi porket mayaman ang Daddy n'yo kailangan ng mag stop ng mommy n'yo sa pag wowork. She has to earn her own money not because ______." "Hindi mo kailangan mag-explain sa mga bata." supladong usal ni Jasper. Oo nga naman bakit ba s'ya nag e-explain hindi naman s'ya ang totoong mommy ng dalawa. "How old are you baby boy?" inilabas ng batang lalaki ang limang daliri. "How about you little girl?" "4 years old." wika naman ng batang babae. So, mag kasunod pala ang dalawa isang 5 years old at isang 4 years old. Asan kaya ang ina ng dalawang bata. Bakit s'ya ang tinawag na mommy ng dalawa? mukhang walang ina ang dalawa. "Listen, hindi ka______" "Can we talk for a while." biglang wika ni Jasper na hinawakan s'ya sa braso sabay hila na napalingon pa ito sa kanya ng mapa daing s'ya dahil kumirot ang paa n'ya. Humingi naman ng sorry si Jasper saka senenyasan ang mga bodyguard na bantayan ang dalawang bata. "Be my wife." turan agad ni Jasper na ikinagulat ni Maddy, ano daw? tama ba ang dinig n'ya be my wife? saan naman galing yun?" "6 months or maybe 1 year max just be my wife." natawa naman si Madison saka napailing na nilingon ang dalawang batang nakatingin sa kanila. "Babayaran kita name your price." "10 million." sarcastic na sagot ni Maddy. "Deal, pupuntahan kita sa store mo bukas." "What! Saglit." bulalas ni Maddy na nagulat sa sagot ni Jasper. Joke lang yun sa kanya pero nag deal si Jasper sabay talikod. Kaya agad s'yang humabol. "Teka lang joke lang yun." "Hindi ako nakikipag joke." "HIndi puwede. Ayoko maging asawa mo." sigaw ni Mady na ikinagulat ni Maddy lalo na ng umatungal ng iyak ang mga bata na akala mo e na api. Pinagalitan naman ni Jasper ang mga bata na ayaw ng tumahan nag ligalig na ng bongga. "Sige na! Sige na! payag na ako, juicko naman." bulong ni Maddy na napakamot na lang ng ulo. Para naman nag dahilan ang dalawang bata na bigla na lang tumahan na parang walang nangyari. "Magkita tayo bukas." wika pa ni Jasper na ikinagulat pa n'ya ng halikan pa s'ya nito sa pisngi saka tumalikod. Panay naman ang kaway ng dalawang bata habang papalayo. Wala sa loob na napahawak s'ya sa pisngi, ang lakas naman ng loob ng lalaking to na halikan s'ya. Anong akala nito porket pumayag s'ya sa offer nito allowed na lahat ng gusto nitong gawin. "10 million my ass, hindi ganun ang presyo ko. Ang cheap!' bulong ni Mady sabay talikod. Noon nga isang ulo lang 10 million na ang bayad sa kanya depende sa posisyon ng taong papatayin n'ya. Napabuga na lang s'ya ng hangin na nilingon ang mag-aama, asan kaya ang ina ng mga bata at bakit nag hahanap ang mga ito ng ina. Kung hindi lang malambot ang puso n'ya sa mga bata malabong umoo s'ya sa mga ito. Ngunit nakikita na aalala n'ya ang kambal n'ya sa dalawang bata. kung buhay lang sana ang anak n'ya baka kasing edad na ni Harvey na 5 years old na habang si Heather medyo nakakahawigin n'ya noong bata pa s'ya. Napabuga naman ng hangin si Maddy na napatingin sa hangin. "Miss ko na kayo? paramdam naman kayo kung binabantayan n'yo pa rin ako." bulong ni Maddy. "Mommy." napalingon naman si Maddy ng marinig nanaman ang boses ng dalawang bata na tumatakbo at nagulat s'ya ng tatakan s'ya ng star sa braso sa mag kabila. Sabay buhat naman dito ng dalawang bodyguard na naka agad sa dalawang bata. Napangiti naman si Maddy sa star na nasa braso. "Very good ka Mommy." wika pa ni Harvey na nag thumbs up pa. "I love you mommy." wika naman ni Heather. speechless na lang naman si Maddy na naptingin sa dalawang batang papalayo habang nasa tabi lang ng sasakyan ang ama ng mga ito na nag-iintay. "Asan na kaya si Savanna?" bulong na tanong na lang n'ya sa isip n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD